Nobody can stop Mison

misonSa kabila ng sandamakmak na reklamo, protesta, pakiusap at paglabag sa CSC rules and regulations ay talagang itinuloy pa rin pala nitong si Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison ang kanyang proyektong nationwide rotation.

Kung kailan patapos na ang PNoy administration ay saka pa napahirapan ang BI employees.

Parang naghahanap ng mga magagalit sa administrasyon ni PNoy ‘di ba!?

Kahit marami pa rin hindi klaro gaya ng kung saang budget kukunin ang travel expenses at kung saan iha-house ang halos 100 Immigration Officers na makakasama sa nasabing rigodon.

Hanggang ngayon mismong ang BI-AOD ay aligaga pa rin daw kung saan kukunin ang na-sabing mga budget kaya hindi lang miminsang naunsyami ang pagde-deploy sa kanilang mga tao.

Kahit wala pa rin approval ang COA at BI-FMD pinilit pa rin i-push ang proyekto basta ang importante raw masunod ang kagustuhan nitong si Comm. Fred Mison. 

Pero may balita tayo na maghahain daw ng TRO sa korte ang presidente ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) para pigilan for the last minute ang nasabing nationwide rotation.

But knowing Mison na alam naman natin na wala rin pinakikinggan kundi ang tibok ng kanyang yagbols ‘este puso, siguradong lalaban nang patigasan huwag lang siya mapahiya, ‘di ba?

Kahit itanong mo pa ‘yan kay Atty. Plantsador!?

Ngek!!!