This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MARAMING Immigration Officers sa BI Mactan Cebu International Airport na apektado ng nationwide ‘rigodon’ (as in rotation) ang sumisigaw ng “VERY UNFAIR” dahil exempted at hindi isinama ang isang IO Gigi Angeles na mailipat sa BI NAIA.
Mantakin ninyo from MCIA to NAIA?!
Pero itong ilang taon nang namamayagpag na si Vavalina ‘este mali Angeles diyan sa BI-MCIA at everybody knows na isinusuka siya ng lahat diyan dahil sa umano’y pagiging pasaway at prima donna ‘e exempted sa rotation!?
Sonabagan!
Obviously, nagbunga (raw) ang pagiging close nitong si Angeles kay Atty. Baby Girl na alam rin naman ng lahat na isa sa all-time peborit employee nitong si Commissioner Fred Mison kaya ganoon na lang ang nakakamtan at natatamo niyang perks and privileges.
Kaya kahit very famous sa pagiging pasaway umano nitong si Bruha ‘este Angeles pala ay hindi siya apektado ng ‘rigodon’ ni Mison!?
Sabi nga ng mga beteranong IO diyan sa BI-NAIA, kung ang hangad daw talaga nitong si Commissioner Fred ‘border’ Mison ay mapanatili ang kaayusan at gusto niya talaga na magkaroon ng reform ‘kuno’ bakit kailangang iwan si IO Angeles sa BI-MCIA?
Tama ba Rico ‘Baby’ Pedrealba??
Gano’n ba talaga kalakas sa kanya si Angeles o hindi raw niya talaga matanggihan ang request ni Atty. Baby Girl?
Baka makarating pa kay Lady V ‘yan? At baka ‘yan pa ang pag-umpisahan ng LQ n’yo, Sir!?
Aba ‘e ipakita mo naman sa mga tao mo na parehas ka at HINDI NAMEMERSONAL lang, Mr. Fred ‘border’ Mison!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com