This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TULOY-TULOY lang at tila ayaw tumigil ng harassment na ipinupukol sa inyong lingkod ng mga taong patuloy na nagbabalat-sibuyas sa ginagawa nating pagpuna sa mga iregularidad na kanilang kinasasangkutan.
Hindi ko ngayon ma-imagine kung nakatutulog o natutulog pa ba ang mga taong nasa likod nang walang tigil na pangha-harass sa inyong lingkod.
Hoy matulog naman kayo! Baka dahil hindi na kayo nakatutulog pati pamilya ninyo ay napeperhuwisyo na ninyo sa pagiging iretable ninyo.
Mag-YOLO naman kayo!
Nakokonsensiya tuloy ako na habang nag-i-enjoy ako sa imbitasyon ng ilang kaibigan sa Europe na magbakasyon sa kanilang lugar kahit saglit ‘e kayo naman pala’y hindi makatulog sa kapa-plano kung paano ako ipahihiya sa airport.
Kung noong una ay mga elemento ng Manila Police District (MPD), kahapon naman ay mga Immigration agents.
Pagdating ng inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ‘e mayroon na naman ilang elemento na nais akong ipahiya. Pero hindi sila nagtagumpay (Saka ko na po ikukuwento ang buong detalye).
Mantakin n’yo naman, pag-alis natin last week e wala pa tayong DERO. Aba naman pagbalik ‘e bigla akong binulaga ng DERO?
Sorry guys, ang tagal na ng kasong ‘yan!
Beeeh, buti nga!
Hindi pa rin tumigil, meron pa ulit humarang.
Pero maraming salamat sa ilang kaibigan na sumalubong at inilinaw sa isang low-ranking policeman kung ano ang nature ng ating kaso.
Libel case po ang kinakaharap nating kaso at ginagamit na pang-harass laban sa inyong lingkod.
Hindi po ito karumal-dumal na krimen o extortion, bullying o chop-chop na mga motorsiklo o pangha-harass sa mas mahihinang tao.
Idinedemanda po tayo ng Libel dahil gustong patahimikin ang inyong lingkod.
And I pity them.
Ang enjoyment po ng mga naninikil sa inyong lingkod ay hindi bigyan ng kasiyahan ang kanilang pamilya kundi ang saktan at gipitin ang inyong lingkod.
Gusto tuloy nating tanungin, nabubuhay ba sila sa aking anino?!
Tsk tsk tsk…
Then I am asking you, FREE YOURSELVES from my shadow so you can live contently and happily.
Simpleng advice lang po ‘yan. Subukan n’yo rin batiin ang inyong mga sarili tuwing umaga ng HAKUNA MATATA, and I’m sure, it will relieve you from the pains of your past.
‘Yun lang po.
May ‘palakasan’ ba sa BI-MCIA!?
MARAMING Immigration Officers sa BI Mactan Cebu International Airport na apek-tado ng nationwide ‘rigodon’ (as in rotation) ang sumisigaw ng “VERY UNFAIR” dahil exempted at hindi isinama ang isang IO Gigi Angeles na mailipat sa BI NAIA.
Mantakin ninyo from MCIA to NAIA?!
Pero itong ilang taon nang namamayagpag na si Vavalina ‘este mali Angeles diyan sa BI-MCIA at everybody knows na isinusuka siya ng lahat diyan dahil sa umano’y pagiging pasaway at prima donna ‘e exempted sa rotation!?
Sonabagan!
Obviously, nagbunga (raw) ang pagiging close nitong si Angeles kay Atty. Baby Girl na alam rin naman ng lahat na isa sa all-time peborit employee nitong si Commissioner Fred Mison kaya ganoon na lang ang nakakamtan at natatamo niyang perks and privileges.
Kaya kahit very famous sa pagiging pasaway umano nitong si Bruha ‘este Angeles pala ay hindi siya apektado ng ‘rigodon’ ni Mison!?
Sabi nga ng mga beteranong IO diyan sa BI-NAIA, kung ang hangad daw talaga nitong si Commissioner Fred ‘border’ Mison ay mapanatili ang kaayusan at gusto niya talaga na magkaroon ng reform ‘kuno’ bakit kailangang iwan si IO Angeles sa BI-MCIA?
Tama ba Rico ‘baby’ Pedrealba??
Gano’n ba talaga kalakas sa kanya si Angeles o hindi raw niya talaga matanggihan ang request ni Atty. Baby Girl?
Baka makarating pa kay Lady V ‘yan? At baka ‘yan pa ang pag-umpisahan ng LQ n’yo, Sir!?
Aba ‘e ipakita mo naman sa mga tao mo na parehas ka at HINDI NAMEMERSONAL lang, Mr. Fred ‘border’ Mison!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com