KUNG PROGRAMA ang titingnan, maganda sana ang mga programa ni TESDA chief, Secretary Joel Villanueva. Pero ang problema, sa totoong buhay ‘e drawing ang kanyang mga programa. Arkitekto ba si Joel V? Halimbawa na lang ‘yung kuwestiyon na 100% bang libre ang pag-aaral sa TESDA? ‘E hindi naman pala totoong P100 percent e walang gastos sa pag-aaral sa TESDA. Kapag …
Read More »Sino ang protektor ni kolek-tong alias Jmy Soriano sa Divisoria!?
Namamayagpag at wala pa ring patid ang nagaganap na KOLEK-TONG ng ilang ‘tulisan’ na nagpapakilalang malakas sila sa Manila City Hall. Isang alias JMY SORIANO na nagpapakilalang leader ang abot hanggang langit kung isumpa ng mga vendor sa Recto Soler Divisoria sa pangingikil ng tong sa kanila. Tanong nga nila, saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang taong ito …
Read More »Notorious riding-in-tandem nalipol
DESIDIDONG bawasan kung hindi man tuluyang mawakasan ang lumalalang holdapan, gun for hire at pagtutulak ng droga sa lungsod, iniutos ni Pasay City Mayor Tony Calixto na sudsurin ng mga operatiba ng Pasay City police ang isang lugar sa Tanza, Cavite na pinaniniwalaang pinagpupugaran ng mga notoryus na kriminal. Sa nasabing follow-up operations, nasakote ang siyam na katao kabilang ang …
Read More »Perhuwisyong tulak namamayagpag sa Tondo (Attention: PDEA & MPD-DAID)
UNTOUCHABLE daw ba talaga at tila hindi kayang putulin ang sungay ang pamamayagpag at pagkakalat ng droga ng isang kinatatakutang tulak diyan sa Tondo Maynila!? ‘Yan ang nakarating na reklamo sa atin mula sa ilang mga residente ng Tondo partikular sa Pacheco at Coral streets kung saan umiikot at nakasentro ang sirkulasyon ng kanyang ilegal na droga. Isang alyas SALDEE …
Read More »Coincidences sa buhay nina BI Commissioner Fred Mison & Ms. Valerie Concepcion
HABANG pinag-uusapan sa main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila ang pagbiyahe ni Commissioner Siegfred Mison sa Estados Unidos (dahil nga ba sa kanyang pagiging US Green Card Holder?) bigla namang kumalat sa Instagram account (v_concepcion) ni Ms. Valerie Concepcion na patungo rin siyang US of A. Ang nasabing post ay nitong nakaraang Agosto 20 (Huwebes) na …
Read More »Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV nanatiling pinakaproduktibong mambabatas
SA madaling salita, kung pagiging maagap at masipag lang ang pag-uusapan, wala pa rin dadaig sa hinahangaan nating si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. His track records speak for itself. Nanatiling siya ang nangungunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas na. Sa nakaraan at kasalukuyang Kongreso, siya ang may pinakamara-ming pambansang panukala na naisabatas. …
Read More »Boracay BI-ACO may attitude problem!?
Sandamakmak pa rin na reklamo galing sa mga turistang banyaga ang ating natanggap tungkol sa klase ng treatment na kanilang nararanasan tuwing sila ay nagpo-process ng kanilang visa extension at iba pang mga transaksyones diyan sa Bureau of Immigration -Boracay Station. Mukhang kailangan daw yata ng seminar sa Good Manners and Right Conduct or GMRC ng tumatayong BI-Alien Control Officier …
Read More »Magbababoy sa Kamara
MUKHANG tumpak si Pascual Racuyal nang sabihin niya sa kanyang talumpati na mas mabuting gawing ‘PIGGERY’ ang Batasang Pambansa dahil pagkatapos daw ng anim na buwan ay pwede nang ibenta ang mga baboy kaya mas kikita pa ang gobyerno. Pero hindi nga pinapalad na manalo si Racuyal sa ano mang presidential election. Sa kanyang pinakahuling pagtakbo, idineklara pa siyang nuisance candidate …
Read More »100 Indian pinalusot ‘este’ nakapasok sa NAIA T3
Putok na putok na mahigit 100 Bombay ang sabay-sabay dumating kamakailan sa iisang flight diyan sa Terminal 3 NAIA. Para raw natuklaw ng ahas sa pagkatulala ang lahat sa Immigration area dahil wala man lang daw nangahas na i-interrogate mabuti ang pagdating ng 100 kambing ‘este’ Bombay. Ang justification daw ng ilang Immigration duty officers noong araw na iyon ay …
Read More »Mass transportation system sa bansa mistulang ‘landscape’ sa PNoy admin
KUMBAGA sa mga traviesa ng perokaril, ang mass transportation system sa bansa ngayon ay maituturing na landscape display lang. Uulitin ko po, display lang. Kasi, imbes makatulong sa pagpapabilis ng trapiko at makapagbigay ng ginhawa sa commuters ‘e nagiging malaking sagabal pa. Gaya na lang ng LRT 2. Sa kontrata pa lang ‘e makikita nang batbat ng katiwalian pero gusto …
Read More »Alias Tata Pine-Da ng MPD PCP P. Algue (Two hits sa kolek-tong!!!)
Inirereklamo ng maralitang vendors sa Divisoria ang isang ‘tulisan’ na patuloy sa pagpapaghirap sa kapwa para lamang sa pansariling interes! Take note MPD DD Gen. Rolly Nana! Hindi lang anila isang unit ang ginagamit sa pangongolektong nitong isang alias TATA PINE-DA! Base sa mga sumbong na ipinarating sa atin ng mga vendor sa Recto Divisoria, ipinangongolektong ni Tata Pine-da ang …
Read More »Ano ang dapat gawin kung green card holder ang isang pinoy na ini-appoint sa isang public office?
DAHIL mainit na pinag-uusapan ngayon sa Bureau of Immigration (BI) ang pagkakatalaga sa isang commissioner na umano’y isa palang US green card holder, marami ang nagtanong kung ano raw ang dapat gawin kapag nangyari sa kanila ang ganoon?! Narito po ang isang kuwento… Noong panahon ni dating Pangulong Glroia Macapagal Arroyo, mayroon siyang naitalagang green card holder sa Bureau of …
Read More »Ang mga umepal at nagpapansin sa INC rally
SA GITNA ng mga katakot-takot na komento at pagkainis ng maraming mamamayan dahil sa matinding traffic na iniluwal ng protesta ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC), lumutang at nakisimpatiya laban kay Justice Secretary Leila De Lima ang tiyak na presidentiable na si Vice President Jejomar Binay at ang hindi pa umano makapagdesisyon na presidentiable na si Sen. Grace …
Read More »Plaza Miranda PCP Commander lumarga na vs osdo, tulak etc.
HINDI naman natin kilalang personal ang bagong Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) commander Senior Inspector JOHN GUIAGUI pero bilib tayo sa ginagawa niyang paglilinis ngayon sa nasabing area. Aba sunod-sunod ang mga nahuhuling osdo, tulak at iba pang ilegalista sa kanyang area of responsibility (AOR). Pagkatapos nga ng sunod-sunod na operation ni Kapitan Guiagui ‘e sunod-sunod na text message …
Read More »Balikbayan ‘smuggling’ box sa airport nga ba o sa pier?
ILANG ‘tongpats’ media sa mga bigtime smuggler sa Pier ang bigla na lamang nabuhay at nakaisip gumawa ng pagsusunugan ng kanilang mga kilay para raw mailayo sa kanilang mga pinoproteksiyonang ‘tongpats’ ang isyu. Mula sa Balikbayan boxes na pinalulusutan umano ng mga smuggler ay biglang pumihit ang isyu… ang balikbayan boxes umano ay nasa IBR at ginagamit para magpalusot at …
Read More »Sabi ni Koko: Libel sasagip daw sa buhay ng mamamahayag
ANO na ba ang nangyayari kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III? Mantakin ninyong chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, nagsasalita na mag mabuti na raw panatilihin na isang krimen ang kasong libel para makapagdemanda ang mga feeling nila ay naagrabyado sila sa mga mamamahayag kaysa pumaling pa umano sa mas marahas na pamamaraan. In short, hindi pabor …
Read More »Mga residente sa Guiguinto nanganganib maagawan ng bahay at lupa!
NAG-IIYAKAN ngayon ang ilang residente sa Guiguinto, Bulacan dahil nanganganib na mawalan at maagawan ng lupa at bahay. Ito ngayon ang nararamdaman ng ilang taal na residente sa Tabe, Guiguinto, Bulacan na nagpaabot ng kanilang hinaing sa Bulabugin. Karamihan sa kanila ay doon na ipinanganak, doon na rin tumanda ganoon din ang kanilang mga ninuno pero ngayon kung tratuhin sila …
Read More »Comelec, Smartmatic back in each other arms again (P1.7-B deal para sa 2016 election)
ANG P1.7-bilyon na deal ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic ay gaya sa isang naunsiyaming pag-ibig… pero sa huli, landas nila’y muling nagkita. Hik hik hik… Kumbaga sa kasabihan, sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan pa rin tumuloy… Noong ibinasura ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management deal, marami ang naniwala na seryoso ang ahensiya para linisin ang …
Read More »Justice para kay Doc Gerry Ortega nganga pa rin
LIMANG taon na ang nakararaan nang paslangin si Dr. Gerry Ortega. Matagal nang natukoy ang mga utak sa pamamaslang. Ang dating Palawan Governor Joel T. Reyes at ang kanyang kapatid na si Mario Reyes. Pero hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin nauumpisahan ang paglilitis dahil sa patuloy na pagmamatigas ng mga Reyes na huwag sumailalim sa kustodiya ng hukuman. Hanggang …
Read More »Tunying biktima rin ng pandarahas
ANO man ang rason ng pandarahas sa Café ni ABS CBN anchorman Anthony Ta-berna, malinaw na ito ay kawalan ng takot at pambabastos sa mga awtoridad. Sa gitna ng umiinit na conflict sa hanay ng Iglesia Ni Cristo (INC), nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pandarahas. (Sana naman ay hindi kasama dito ang kaso ni Tunying). Marami tayong kabigan na …
Read More »Inaalat na si Justice Secretary Leila de Lima
GUSTO sana nating batiin ng happy birthday kahit na belated si Justice Secretary Leila De Lima pero mukhang magiging insulto ito sa kanya dahil mukhang hindi talaga happy ang birthday niya kamakalawa. ‘Yan ay dahil sa mismong pinakamahalagang araw sa kanyang buhay ‘e dinumog na siya ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (initiated man ito o espontanyo) na alam …
Read More »Aklat ng bayan inilunsad ng KWF (Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika)
Aaminin ng inyong lingkod na tayo’y hindi nahilig sa pagbabasa ng mga aklat na akda ng ating mga Filipinong manunulat. Pero naniniwala naman tayo na iniluwal din ako ng kulturang komiks. Ako’y isang batang mahilig tumambay sa isang komiks/news stand diyan sa Blumentritt at pasalit-salit na nanghihiram ng komiks para makibasa. At dahil nagbibinata na tayo noon at seryoso sa …
Read More »OB pass/on-duty id captured na rin ni General!
MARAMING napanganga kamakailan nang malaman ng mga miyembro ng Airport Police Department (APD) na ang lahat ng OB Pass at On-Duty ID ay kompiskado na rin ni ret. Gen. Jesus Descanzo, the newly appointed Asst. General Manager for Security and Emergency Services (AGMSES). Meaning to say, kung hihiram ka ng OB Pass at On-Duty ID ay dadaan ang formal request …
Read More »Parking sa Mendiola P40 sa MTPB, P20 sa lespu
MAYROON palang kumikita sa kalsadang ipinagawa mula sa buwis ng mamamayan sa Mendiola St., diyan sa San Miguel, Maynila. Ang nasabi pong napakaikling kalye na nagsisimula sa sugpungan ng Legarda at C.M. Recto Avenue at natatapos hanggang sa Gate 7 ng Malacañang ay nagsisilbing ‘parking area’ ng mga kotse ng mga estudyante, professor at siguro ay ilang empleyado ng San …
Read More »Senator Johnny Ponce Enrile timing na timing ang ‘bail’ courtesy of Supreme Court?
MAGING precedent kaya ang pagpayag na magpiyansa si Senator Johnny Ponce Enrile para sa kanyang pansamantalang kalayaan?! ‘Yan po ang tinitingnan ngayon ng maraming abogado. Bago kasi ang pagpayag ng Korte Suprema na magpiyansa si Enrile, maraming matatandang inmate lalo na ‘yung mahigit 70-anyos na ang humihiling sa Department of Justice (DoJ) na bigyan na sila ng clemency o piyansa …
Read More »