Sunday , September 8 2024

Sabi ni Koko: Libel sasagip daw sa buhay ng mamamahayag

Koko Pimentel on LibelANO na ba ang nangyayari kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III?

Mantakin ninyong chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, nagsasalita na mag mabuti na raw panatilihin na isang krimen ang kasong libel para makapagdemanda ang mga feeling nila ay naagrabyado sila sa mga mamamahayag kaysa pumaling pa umano sa mas marahas na pamamaraan.

In short, hindi pabor si Koko na i-decriminalize ang libel.

Hay naku, ano ba ang pundasyon ng Sociology at Philosophy ng kagalang-galang na Senador?!

“Instead of decriminalizing libel na may civil liability na lang na babayaran for damages, it should still be a crime para ‘pag may hinanakit [yung tao] ang iisipin na ultimate punishment ay kulong. I think that’s punishment enough considering kung gaano kasama ang sitwasyon sa ating mga kulungan.”

‘Yan ang eksaktong pahayag ni Sen. Koko.

Sa ilalim kasi ng Revised Penal Code, kapag nasentensiyahan ng libel ay makukulong ng minimum na six months at isang araw hanggang dalawang taon, apat na taon at isang araw, hanggang apat na taon at dalawang buwan.

Pagbabayarin rin sila mula P200 hanggang P6,000, bukod pa sa civil action na pwedeng ihain ng nagdemanda.

Kaya mas mabuti umano na panatilihin na lang ang libel kaysa naman paslangin pa ang mga mamamahayag dahil sa kanilang propesyon. 

Sa datos ng Center for Media Freedom and Responsibility, uma-bot na sa 149 journalists ang pinaslang mula noong 1986.

E ngayon ngang hindi pa nade-decriminalize ang libel, ang daming pinapaslang?!

Kapag hindi na-decriminalize ang libel, wala na bang papaslangin na mamamahayag?!

Ngayon nga lang Agosto, tatlo na agad ang pinaslang.

Sa totoo lang, hindi ko ma-gets ang logic ni Senador… paki-explain nga ulit, Senator Koko?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *