Yabang ni Joel: Buhay ninyo sasaya sa TESDA

030714 Joel Villanueva tesdaKUNG PROGRAMA ang titingnan, maganda sana ang mga programa ni TESDA chief, Secretary Joel Villanueva.

Pero ang problema, sa totoong buhay ‘e drawing ang kanyang mga programa.

Arkitekto ba si Joel V?

Halimbawa na lang ‘yung kuwestiyon na 100% bang libre ang pag-aaral sa TESDA?

‘E hindi naman pala totoong P100 percent e walang gastos sa pag-aaral sa TESDA.

Kapag nakapasok at nakatapos sa pag-aaral, hindi naman sure kung makahahanap agad ng trabaho.

Paanong sasaya ang buhay sa TESDA?

Ay sus!

Baka si TESDA chief Joel muling sasaya lalo na kapag naging senador pa!

Aba ‘e muntik pa tayong malaglag sa ating kinauupuan nang marinig natin ang balitang ‘yan.

Ay sus! 

Mukhang ikaw lang ang masaya sa TESDA, Secretary Joel!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com