This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
‘YAN dapat ang tanong ng madla tuwing lumalarga sa kanyang maagang pangangampanya ang politikong si Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City na nangangarap maging senador.
Kilala ba n’yo si Win?
Oo si Win nga, ‘yung ang gimik sa TV commercial (TVC), kunwari ‘e hindi kilala ng tao tapos ililitanya ang sandamakmak na nagawa raw niya sa ilalim ng scholarship foundation.
‘Yung gimik na kunwari gawa nang gawa kahit hindi kilala ang mga botante pero sa huli babanggitin, “AKO ANG MAY PAGAWA NIYAN!”
As if naman, pera niya mula sa sariling bulsa ang ipinampagawa sa mga proyektong ‘yan,
‘E sa totoo lang kayo nga’ng mag-anak ang WIN NA WIN diyan sa Valenzuela…
Wowow win nga ‘e!
Pero paalala lang po, hindi kayong mga botante ang dapat kumilala kay Win. Dapat ‘e siya ang kumilala sa inyo.
Nakikihalubilo ngayon si Win sa batayang masa kasi nga nalalapit na naman ang eleksiyon.
Pero pagkatapos ng eleksiyon, makikilala pa kaya niya ang mga katulad ninyong botante?!
By the way, ano na ba ang nangyari sa kaanak ng mahigit sa 70 manggagawa na nasunog diyan sa Kentex?!
Mukhang wala nang nababalitaan ang madla kung ano na ang nangyari sa mga kaanak ng mga manggagawa tapos ‘e tinabunan pa ng maagang pamomolitika?!
Tsk tsk tsk…
Batang-batang TRAPO. Trapong abusado!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com