Ang mga umepal at nagpapansin sa INC rally

INCSA GITNA ng mga katakot-takot na komento at pagkainis ng maraming mamamayan dahil sa matinding traffic na iniluwal ng protesta ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC), lumutang at nakisimpatiya laban kay Justice Secretary Leila De Lima ang tiyak na presidentiable na si Vice President Jejomar Binay at ang hindi pa umano makapagdesisyon na presidentiable na si Sen. Grace Poe.

Mukhang nagpasiguro sina Binay at Poe na baka EDSA 4 na ang nagaganap na protesta kaya matulin pa sa alas-kuwatrong nagsalita saka inupakan si Madam Leila.

Pero mukhang nagkamali ng tantiya sina VP Binay at Sen. Grace dahil nang pansinin ng Malacañang ang protesta ng INC, biglang pinatigil ni General Evangelist Bienvenido Santiago ang rally/vigil ng kinutusang magsiuwi na sa kani-kanilang bahay.

Nasayang tuloy ang effort nina VP Binay & Sen. Grace Poe.

Mas maigi siguro kung sinubukan nilang pumunta roon sa actual na vigil, umakyat sa entablado saka nagtatatalak o kaya naghihiga sa kalsada para mas tuluyan silang napansin ng central.

O kaya naman, umiyak-iyak sila o gumulong-gulong kaya?!

Talaga naman…

Makakuha lang ng boto, gagawin ang lahat para mapansin lang ng Central?!

Trapong-trapo naman ‘yang estilong ‘yan!

Paalala lang… hinay-hinay lang po sa mga gustong maglunsad ng protesta baka samantalahin kayo ng mga tradisyonal na politiko.

Imbes maipagtagumpay ninyo ang mga isyung ipinaglalaban ninyo ‘e magamit pa kayo.

Tsk tsk tsk…

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com