Friday , November 22 2024

Bulabugin

VP Jejomar Binay kinakalambre na kay Sen. Grace Poe?!

MUKHANG may dahilan na talaga para nerbiyosin si Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa ‘pulot’ na si Senator Grace Poe. Sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) may petsang Marso 4-7, 2016, nalamangan ng Senadora ang bise presidente ng tatlong (3) porsiyento. Nakakuha si Sen. Poe ng 27% habang 24% naman si VP Binay. Nakasunod sa kanila …

Read More »

Sex scandal sa BI-NAIA

NOONG isang araw, halos mahulog tayo sa kinauupuan matapos makarating sa atin ang balita na nagkaroon daw ng ‘Immigration’ sex scandal sa parking lot ng Terminal 3 ng NAIA. Susmaryano garapon!!! Ang kuwento, isang bagitong Immigration Officer (IO) na kabilang sa katatapos na training ng immigration officers sa Clark ang naaktohan ng isang guwardiya at PNP na nakikipagkangkangan sa  kanyang …

Read More »

Mga milyonaryong enkargado ng MPD

DUMOBLE ang kita ngayon ng mga enkargado o ‘yun tinatawag na bagman ng Manila Police District (MPD) mula nang pumasok ang administrasyon ni Manila Mayor Erap Estrada. Ito ‘yung mga namamahala ng mga kolektong mula sa mga ilegal na sugal, droga, clubs, illegal terminal at vendors. Sina alias PO-TRES MONAY ng PS-1 at SPO4 KARYASO na nagyayabang pa na bata …

Read More »

Oportunista talaga si Chiz

WA CLASS talaga kapag oportunista. Lusaw na lusaw ang delicadeza kay Senator Chiz Escudero. Nitong nakaraang Martes, nagbunyi ang kampo ni presidential candidate Senator Grace Poe nang ideklara ng Supreme Court na maaari siyang tumakbong pangulo ng bansa. Ibig sabihin, ibinasura ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Cemelec) na i-disqualify si Sen. Grace sa kanyang kandidatura bilang …

Read More »

Manila Mayor’s office ipinamamalita ni Reyna L. Burikak na nakikinabang sa illegal terminal sa Lawton!?

HINDI raw kinakabog ang dibdib ng reyna ng illegal terminal diyan sa Lawton na si Reyna L. Burikak. Kahit salingin nang salingin ng inyong lingkod ang pinagsasalukan niya nang hindi kukulangin sa P.2 milyon cash araw-araw, hindi raw siya maaapektohan. Ang press release niya kasi, utos daw ng amo niya sa city hall dahil kailangan ng pondo para sa eleksiyon. …

Read More »

Bitter na bitter ang mga ‘tagahimod’ ng singit ni Reyna L. Burikak

HINDI alam nitong si Reyna L. Burikak ng illegal terminal sa Lawton, sinasadyang gatungan ng kanyang mga ‘multong tagasalsal’ ang kanyang ‘tambutso’ laban sa inyong lingkod. Siyempre, habang nagagalit si Reyna L. Burikak lalong nangangailangan ng mga katulad nila — mga ‘multong tagasalsal.’ Ito kasing ‘multong tagasalsal’ ni Reyna L. Burikak, naiinggit sa mga publisher na hindi nagbi-beat, partikular sa …

Read More »

Bolera si Risa

Risa Hontiveros

“WALA nang maysakit na itataboy ng ospital. Wala nang pamilyang mamumulubi sa pagpapagamot.” Nabasa po natin ‘yan sa Facebook mula sa account ni Risa Hontiveros (puro S pala ang spelling ng kanyang pangalan, bakit tila may panahon na ang nababasa natin ay puro Z?). Anyway, ang gusto lang natin sabihin, mukhang sablay na, salto pa ang sinasabing ‘yan ng babaeng …

Read More »

Court Clearance sa ‘Namesake’ ng akusado perhuwisyo sa pasahero

PAUIT-ULIT ang problema at marami na ang napeperhuwisyong mga pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kapag natataon na sila ay may kapangalan sa mga akusadong nasa hold departure order o lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI). Perhuwisyong tunay at kaawa-awa pong talaga ‘yung pasahero lalo na kung nakatakdang magtrabaho at naghahabol ng visa sa bansang …

Read More »

‘Vote Buying’ may resibo na ngayon?!

KUNG tutuusin, nakikita natin ang layunin ng Korte Suprema kung bakit gusto nilang tiyakin ang pagbibigay ng resibo sa mga botante sa ilalim ng Republic Act (RA) 9369. Pero may nasisilip din tayong problema rito na maaaring gamitin sa vote buying ang pagbibigay ng resibo.                             Pinaboran na kasi ng Korte Suprema ang petisyon ni senatorial bet Richard Gordon na …

Read More »

Digong Duterte mabilis na, matulin pang kumambiyo agad-agad!?  (Sa isyu ng corruption)

Nagulat tayo sa birada ngayon ni Davao city mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte. Dati ay panay ang puri niya kay Vice President  Jejomar “Jojo” Binay. Kung madi-disqualified daw siya, susuportahan niya si VP Binay dahil halos magkapareho raw sila ng mga paniniwala at prinsipyo sa buhay. Marami pa nga ang naniniwala na sa bandang huli ay ibibigay niya kay Binay ang …

Read More »

Isang Mapayapang Paglalakbay Amba…

Kahapon natanggap natin ang balitang lumisan na si Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua, isa sa mga kinikilalang negosyante, philan-trophist, at publisher sa bansa. Pero sa inyong lingkod, isa siyang mabuting kaibigan, tagapayo at parang tatay na rin, tuwing may pagkakataon na nagkikita at nakakadaupang-palad ng inyong lingkod. Kumbaga, hindi ka makaririnig ng negatibong salita mula sa kanya. Lahat para sa kanya …

Read More »

‘Laba Dami, Laba More’ King bistado na ng AMLC

YES, ang ‘hari’ nga po ng “paglalaba” ang pinag-uusapan natin dito. Pero hindi paglalaba ng maruming damit kundi paglalaba ng kuwartang galing sa mga ilegal na transaksiyon ang sangkot dito. And yes, ang binabansagang ‘laba dami, laba more’ king ay walang iba kundi ang isang KIM WONG. Isang negosyanteng ‘namulaklak’ ang negosyo sa Maynila noong panahon ng alkaldeng mahilig sa …

Read More »

Congratulations Amalgamated Press Group of the Phils. Inc.

NAIS nating batiin ang maliliit na kasama sa industriya ng pamahayagan. Tinukoy po nating ‘maliliit’ sa industriya ng pamahayagan dahil sila po ‘yung mga nagtataguyod ng maliliit na pahayagan sa probinsiya at maliiit na lungsod. Sila po ‘yung maliliit na namumuhunan para makapaglabas ng community paper na naghahatid ng balita sa mga kababayan nating nasa sulok-sulok na lugar gaya sa …

Read More »

Naghain ng DQ vs Sen. Grace Poe, nabutata!

ANO kaya ang itsura nina Sen. Kit Tatad, Antonio Contreras ng De La Salle University (DLSU), Atty. Star Elamparo at Dean Amado Valdez nang katigan ng Korte Suprema si Sen. Grace Poe? Malamang para silang binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi sila nagtagumpay sa kanilang layunin na iligwak sa labanan ng mga presidentiable ang anak ni Inday at ni …

Read More »

Harassment ng isang Immigration Division Head!

MAY isang empleyado ang Bureau of Immigration (BI) na mahigit nang dalawang buwang reinstated pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatanggap ng suweldo o ano mang back pay o benepisyo na itinatakda ng Civil Service Commission. Sa anong dahilan!? Kasi raw ay isang nagpapabebe rin na chief-sep ‘este’ division chief ang ayaw pumirma sa isang dokumento para makasuweldo na …

Read More »

‘Endo’ system sa paggawa wawakasan ni Bongbong

NAKAAMBA ang tuluyang pagkalusaw ng uring manggagawa kung hindi aarestohin ng mga awtoridad ang sistemang ‘ENDO’ sa paggawa. Ang ‘ENDO’ ay ‘yung tinatawag na ‘end of contract.’ Nag-umpisa ang sistemang ito sa service sector o ‘yung mga nagtatrabaho sa mga department store (mall na ang tawag ngayon) mula saleslady hanggang maintenance workers. Ang ‘ENDO’ ay kilala rin sa tawag na …

Read More »

Oplan-Bincudero sa DQ case ni Poe ibinunyag

Hindi raw ‘mapipilayan’ si Senador Chiz Escudero bilang vice presidential candidate kahit ma-disqualify si Senator Grace Poe sa pagka-presidente sa May 9 elections. Ito ang iginiit ng isa sa mga pangunahing supporters ni Escudero na nagsabing matagal na raw pinaghandaan ni Chiz ang ganitong situwasyon. Sinabi niyang may nabuo nang “Oplan BinCudero” ang kampo ni Chiz at tumutukoy ito sa …

Read More »

Unti-unti nang nakakamit ng Pamilya Ortega ang katarungan

NITONG nakaraang Lunes hinatulan na ng hukuman ang isa pa sa mga akusado sa pagpaslang sa broadcaster at  environmentalist na si Dr. Gerardo “Gerry” Ortega noong 2011. Si Arturo “Nonoy” Regalado ay hinatulang makulong ng 40 taon (double life sentence). Noong 2013, hinatulan ng Palawan court ang itinurong gunman na si Marlon Recamata.   Si Regalado ay dating staff ni Palawan …

Read More »

Solido pa rin ang kapatiran sa INC

MAHIGIT isang daang taon na ang relihiyong ito na itinayo sa Filipinas ng mga Filipino. Iyong iba, dahil sa haba ng panahon, namamatay na lang. Ito naman, sinusubukang gibain, pero mukhang matayog pa rin na nakatayo. Kaso, dahil sa kabi-kabilang paninira, totoo man o hindi, may panganib na baka ito raw ay humina? Pero may pagkakataon din na baka ito …

Read More »

Sen. Grace Poe hahatulan na

NALALAPIT na raw ang ‘paghuhukom’ kaya asahan ang heavy traffic sa Maynila sa mga susunod na araw. Tinutukoy po natin dito ang ‘Disqualification Case’ laban kay Senator Grace Poe sa Korte Suprema. Hindi lang ang mga supporter, pamilya at kaibigan ang naghihintay sa desisyong ito, kundi maging ang mga kalaban ng Senadora. Pinag-uusapan na ngayong linggo ay maglalabas na ang …

Read More »