This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NOONG isang araw, halos mahulog tayo sa kinauupuan matapos makarating sa atin ang balita na nagkaroon daw ng ‘Immigration’ sex scandal sa parking lot ng Terminal 3 ng NAIA.
Susmaryano garapon!!!
Ang kuwento, isang bagitong Immigration Officer (IO) na kabilang sa katatapos na training ng immigration officers sa Clark ang naaktohan ng isang guwardiya at PNP na nakikipagkangkangan sa kanyang kapwa rin IO!
Pakengsyet!
Habang nagro-roving daw ‘yun guwardiya, inakala niya na lumilindol dahil nakita niyang yumuyugyog nang malakas ang isang kotse sa parking lot na muntik nang nagpatakbo sa kanya!
Pero agad din daw siyang naka-recover dahil pagtingin niya sa iba pang sasakyang nakaparada ay hindi naman umuuga.
Nang kanya itong lapitan at ilawan ng flashlight, bumulaga at tumambad ang eksena sa loob ng sasakyan na tila naghuhula-hoop ang babae habang para namang kinokoryente ang nasa ilalim na lalaki!
Homaygad!!!
Ayon sa balita, isang IO na parang kamatis ang ilong ang sangkot sa eskandalong tsuktsakan habang ang kasama raw ay isa namang babaeng immigration officer na ka-batch din yata niya.
Wattapak!
Ano ba namang klase ‘yang mga na-recruit ni dating commissioner Fred Mison?!
Ikaw naman IO na mahilig, hindi kaya naka-TSONGKE ka, hijo at wala nang pinipili ang kaboglihan n’yo ng jowa mo?
Hindi mo na ba matiis na hindi pakawalan ang init ng katawan mo?
Sa dami ng mga motel diyan sa Pasay, libreng-libre na makapagparaos kayo riyan!
Sa halagang dos sientos singkwenta makakukuha na kayo ng isang kuwarto at kahit magdamag kayong mag-hula-hoop at mag-horseback riding walang iistorbo sa inyo!
Kung talagang kapos ka, manghiram ka muna ng pera sa hepe mo na si Mr. Vic Sarao para hindi naman nakokompromiso ang jowa mo.
Sabagay, paano nga naman kung wala pang budget dahil newly grads lang naman ang mga IO na bog-mali?!
Well, calling the attention of DBM.
Baka naman puwede nang i-release agad ang budget sa OT ng mga bagitong IO, nang hindi na sila naghihikahos.
Para tigilan na rin ‘yang asal-aso na sa tabi-tabi lang NAGPAPARAOS?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com