Isang Mapayapang Paglalakbay Amba…

Kahapon natanggap natin ang balitang lumisan na si Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua, isa sa mga kinikilalang negosyante, philan-trophist, at publisher sa bansa.

Pero sa inyong lingkod, isa siyang mabuting kaibigan, tagapayo at parang tatay na rin, tuwing may pagkakataon na nagkikita at nakakadaupang-palad ng inyong lingkod.

Kumbaga, hindi ka makaririnig ng negatibong salita mula sa kanya. Lahat para sa kanya ay kaibi-gan.

‘Yun yata ang pinakamahirap gawin, ang ma-ging kaibigan sa maraming tao.

(Mayroon kasing mga tao na kahit itinuring nating kaibigan ‘e may iba palang layunin sa paki-kipagkaibigan. Anyway, hindi po kawalan sa atin ‘yan. C’est la vie).

Pero si Amba, ‘yan po ang tawag natin sa idol na si Antonio Cabangon-Chua, siya ‘yung kaibi-gan na hindi puwedeng itapon, hindi pa dahil sa yaman at impluwensiya na mayroon siya, kung hindi dahil mahirap nang makahanap ng tatay-tatayan at kaibigan na kagaya niya.

Pero sabi nga, wala tayong magagawa kapag dumating ang panahon na ipinatawag na muli sa itaas.

Naniniwala naman tayo na handang-handa na si Amba sa mga pagkakataong ‘yan.

Naihanda na  niya ang lahat-lahat para sa kanyang sarili at sa kanyang mga naulila.

Anyway, kung nasaan man kayo, Amba, ha-ngad namin ang inyong mapayapang paglalakbay pabalik sa ating pinagmulan.

So long Amba, so long…

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com