Friday , December 27 2024

Bulabugin

Ang aking unang anim na Senador para sa Mayo 9

NGAYON pa lang, gusto nang ipaalam ng inyong lingkod ang lalamanin ng ating balota. Mayroon na tayong napiling anim na Senador, habang pinag-iisipan pa natin ‘yung huling anim. Si Senator Juan Miguel Zubiri. Isang taong may delicadeza at may pagpapahalaga sa mga mamamahayag. Nang masangkot sa kontrobersiya ang kanyang pangalan kaugnay ng resulta ng eleskiyon, hindi na kailangan magdalawang salita …

Read More »

Baliktaran na balimbingan pa

ISANG linggo na lang eleksiyon na. Kaya naman hindi nakapagtataka kung nagkakaroon ng malalaking major movements. Isa sa mga major movements na ‘yan ‘e ‘yung magbaliktaran at magbalimbingan. Ganyan po kasaklap ang buhay sa politika. Kung si Gov. Jonvic Remulla na spokesperson pa ni presidential candidate VP Jojo Binay ay biglang bumaliktad pabor kay Digong Duterte, ano pa kaya ‘yung …

Read More »

NAIA Terminal 1 mukha nga bang mabahong palengke?

GRABE naman itong deskripsiyon na natanggap natin mula sa mga pasahero hinggil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Bukod sa tumutulong kisame, grabe raw ang baho at dumi ng comfort rooms sa 4th level dahil sa kakapusan ng tubig. Kailangan din gumamit ng tabo at timba ang pasahero kapag gumamit ng toilets. Ibig sabihin, walang tubig sa 4th …

Read More »

Bongbong inendoso na ng INC

PUMUTOK na sa social media ang endorsement ng Iglesia Ni Cristo (INC) para kay vice presidential bet, Senator Bongbong Marcos. Nangyari ito kamakalawa nang mapabalitang dumalaw ang senador sa  punong tanggapan ng INC. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, si Bongbong at ang pinsang senatorial candidate na si Martin Romualdez ay ipinatawag sa punong tanggapan upang kapanayamin ng mga pinuno ng Iglesia. …

Read More »

Lim – Atienza epektibong tambalan sa Maynila

Kahapon, opisyal na inihayag ng nagbabalik na alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim, ang pagsasanib-pu-wersa nila ng vice mayoralty candidate na si Ali Atienza ay malaking pabor sa mga Manileño. Gayon man, nilinaw din niya na lubhang mababa ang nakukuhang ratings ni dating congressman Atong Asilo sa mga survey kaya minabuti ng kanilang partido na makipagsanib-puwersa …

Read More »

Presidential candidate na walang contributor/s? Tandaan: Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

Parang gusto namin kilitiin sa paa o kaya kahit sa kilikili ang mga presidential candidate na nagsasabing wala raw silang pera. Wala raw silang malalaking contributors. Wala raw nagpopondo sa kanilang kampanya. Supporters daw mismo ang gumagawa ng T-shirts nila at iba pang campaign paraphernalia. Wow na wow! Ibig sabihin puro abono at sa sariling bulsa nila kinukuha ang panggastos …

Read More »

Galit sa snatcher pero hindi sa illegal terminal

ISANG mangkukulam ‘este’ kulamnista ‘ehek’ nagko-kolum nang may bayad (daw) ang nananawagan kay Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolando Nana na sugpuin ang sandamakmak na snatcher at holdaper sa C.M. Recto at Avenida Rizal. Aba ‘e mananawagan na rin po tayo kay Gen. Nana, isama na po ninyo ang paglilinis sa mga illegal terminal sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio …

Read More »

Mga kasalanan at kakulangan ni De Lima sa taongbayan (3)

O Leila de Lima, nag-aambisyong maging Senadora, ano pa ba ang mga kapalpakan noong nangasiwa sa Kagawaran ng Hustisya? Noong 2013, pumutok ang isyu ng malakihang pyramid scam ng Aman Futures Group ni Manuel Amalilio. Mahigit 15,000 katao ang naloko at kumita ang raket ng nakakalulang P12 bilyon. Siyam na buwan bago pa man pumutok ang panloloko ni Amalilio, natimbrehan …

Read More »

Ang kuwarta ng 4Ps mula sa bulsa ng bayan; ang pera ng jueteng sa bulsa ni Lening Matimtiman

PALUWAL as in abono ang bayan habang nagkakamal ng kuwarta mula sa jueteng ang kampo ni Leni Robredo. ‘Yan daw ang bulungan sa loob mismo ng Partido Liberal. Habang ginagamit ng Partido Liberal ang pamamahagi ng 4Ps sa kanilang kampanya ‘sumipsimple’ naman daw ang ‘pasok’ ng pondo mula sa STL cum jueteng sa ‘laylayan’ ni Leni?! In short, habang ipinamumudmod …

Read More »

Kris Aquino trending na naman sa chopper!

HALA! Heto na naman si Kris… Nang mapuna at mag-trending sa social media ang paggamit ni presidential sister Kris Aquino sa chopper ng gobyerno para ikampanya ang Liberal Party, aba ‘e matulin pa sa alas-kuwatrong ipinagtanggol ang sarili. Isa raw siya sa topnotcher taxpayer in the Philippines kaya may karapatan siyang gamitin ang nasabing chopper. O ha!?  Sino pa ang …

Read More »

Mga kasalanan at kakulangan ni De Lima sa taongbayan (2) 

ITULOY lang natin ang serye ng mga paganda at pagpapabango sa media ni dating DOJ Secretary De Lima pero wala namang ginawa sa pagreporma ng sistema sa DOJ.  Nag-aambisyong maging mambabatas si dating Madam Secretary, pero ano ba talaga ginawa o hindi niya ginawa nang siya’y naupo sa DOJ? Maaalalang bago naikulong si Janet Lim Napoles, ang reyna ng PDAF …

Read More »

Mas masustansiya ang mga sagot ni Mar Roxas sa huling PiliPINAS Debate

HINDI naman maka-Mar Roxas ang inyong lingkod. Pero napansin lang natin na sa lahat ng kandidato, si Mar Roxas ang nakapaglatag ng malinaw na solusyon sa bawat problemang isinasahapag ng mga nagtanong sa nakaraang PiliPINAS Debate sa Pangasinan. Kung bentaha at karanasan ang pag-uusapan, naipakita ni Secretary Mar na siya ang karapat-dapat na iboto ng mga tao. Lohikal ang mga …

Read More »

DepEd voucher para sa senior high school, tulong sa estudyante o raket kasabwat ang private schools?

MARAMI pong mga magulang ang dumaraing ngayong pasukan lalo na ‘yung mayroong estudyanteng papasok sa Senior High School (SHS). Noong isang taon daw kasi, marami ang nag-apply sa state universities na magbubukas ng SHS. Pagkatapos mag-fill up ng application sinabihan silang ipatatawag kapag kailangan na. Nang tanungin nila kung paano sila makapag-a-avail ng DepEd voucher para sa SHS, ang sabi …

Read More »

Pakikiramay sa pamilya ni Loy Caliwan

LUBOS pong nakikiramay ang inyong lingkod sa pamilya ng veteran broadcast journalist na si Loy Caliwan sa kanyang pagyao. Si Loy ay unang nakilala natin sa Manila International Airport (MIA) hanggang magkasama kami sa NAIA Press Corps. Ilang beses rin tayong sinuporatahan ni Loy sa panahon na tayo’y aktibong director nang kung ilang taon sa National Press Club (NPC) hanggang …

Read More »

Huwag mong gawing Kris Aquino si Aika, maawa ka Leni!

KAMAGANAK incorporated. ‘Yan ang tinutungo ng pamomolitika ng Liberal Party at ito ay may ‘component’ ng ‘emotional blackmail’ sa sambayanan. Ayaw daw sa political dynasty pero ito ang gasgas na formula ng mga Aquino na ngayon ay ginagamit ni Leni Robredo. Pansinin ang padron at ito ay running joke na sa masa — pero sa totoo lang, ito ay may …

Read More »

Mga Kasalanan at Kakulangan ni Leila De Lima sa Taongbayan!

Nag-aambisyong makapasok sa senatorial winning circle of 12 si dating Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, at sa kasalukuyan ay labas-masok sa mga panghuling puwesto ng mga nais iluklok ng botante sa mataas na kapulungan. Hustisya at pagsunod sa batas ang panawagan ni De Lima. Hindi na bago ito, gasgas na ngang linya ang hirit na ganyan. Sa …

Read More »

Gov. Joey Salceda nagdeklarang Grace Poe na siya!

HABANG nalalapit ang eleksiyon unti-unting tumitining ang ‘kampihan.’ Ang pinakahuling nagdeklara, si Albay Governor Joey Salceda. Nag-withdraw sa Liberal Party at nagdeklarang si presidential aspirant Grace Poe na ang kanyang susuportahan. Marami ang nakaaalam na ibang klase kapag kumumpas si Gov. Joey. Kumbaga magkakaroon ng major movement sa political alignment sa buong bansa. Magugunitang sinuportahan niya nang todo ang administrasyong …

Read More »

Ex-Mayor Aldrin San Pedro ng Muntinlupa City ipinaaaresto ng Sandiganbayan

IPINAAARESTO na ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Muntinlupa City na si Aldrin San Pedro ganoon din ang 11 dating empleyado ng lungsod dahil sa graft charges. Ibinasura ng Second Division ang mosyon ng kampo ni San Pedro na ipagpaliban ang pag-aresto sa kanya lalo’t siya ay tumatakbong katunggali ni incumbent Mayor Jaime Fresnedi.    Bukod diyan, nagpalabas din ng hold …

Read More »

Comelec database totoy lang ang katapat!

KATUWAAN o payabangan lang ang dahilan kung bakit daw ini-hack ng isang IT fresh graduate ang database ng Commission on Elections (Comelec). Nag-umpisa lang daw sa hamunan sa hanay ng mga ‘totoy’ sa info tech na madali lang daw at kayang-kaya nilang pasukin ang data base o server ng Comelec. At bilang tanda na kaya niyang gawin ay pinalitan niya …

Read More »

Paul Versoza from Naia T-1 to Dagupan

NITONG nakaraang linggo ay para raw bombang sumambulat ang sandamakmak na Personnel Orders na ipinalabas ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Ronaldo Geron. Nagkaroon muli nang malawakang reshuffle sa hanay ng Immigration Of-fixers ‘este’ officers sa buong bansa. Nayanig at hindi raw inaasahan nang lahat na muling magkakaroon ng balasahan since malapit na nga naman ang pagtatapos ng termino ng …

Read More »

Desmayado ang mga botanteng Pinoy na nasa ibang bansa

MULI pang lumiit ang turnout ng overseas absentee voters ngayong taon. Mismong si Foreign Undersecretary Rafael Seguis ay nagtaka sa liit ng turnout. Kaya pinagpapaliwanag niya ang mga ambassador at consul sa “decimal and even zero voter turnout.” Ibig sabihin po nito halos kulang pa sa 10 porsiyento ng 1.3 milyon rehistradong botante para sa overseas absentee voting ang bumoto. …

Read More »

Ka Romy Sayaman kahit naisahan nakahanda pa rin tumulong

NAKALULUNGKOT ang nakarating sa ating pangyayari ukol sa kaibigan nating si ASSI operator Romy Sayaman sa paghahangad niyang bigyan ng boses ang maliliit na manggagawa ng airport transport employees ay nasakripisyo pa umano ang malaking halaga ng kanyang salapi sa ilang ‘mandurugas’ sa Commission on Elections (Comelec)?! Bagama’t nakalulungkot ay mukhang isinantabi na lamang ni Ka Romy ang pangit na …

Read More »