Wednesday , December 7 2022

Lim – Atienza epektibong tambalan sa Maynila

Kahapon, opisyal na inihayag ng nagbabalik na alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim, ang pagsasanib-pu-wersa nila ng vice mayoralty candidate na si Ali Atienza ay malaking pabor sa mga Manileño.

Gayon man, nilinaw din niya na lubhang mababa ang nakukuhang ratings ni dating congressman Atong Asilo sa mga survey kaya minabuti ng kanilang partido na makipagsanib-puwersa kay Atienza.

Sa panig ni Atienza, malungkot nilang ini-hayag na wala talagang balak manalo ang isa pang mayoralty candidate na si Amado Bagatsing dahil hindi naman siya nanga-ngampanya.

Nang tanungin umano ni BUHAY Party-list representative Lito Atienza kung bakit hindi nangangampanya si Bagatsing, tahasan niyang sinabi na kaibigan niya si Erap.

Lumalabas umano na ang pagtakbo ni Bagatsing ay naglalayong basagin ang boto ni Lim.

Tsk tsk tsk…

Ganyan talaga karumi ang politika ng ibang mga kandidato. Hindi sila tumatakbo sa layuning maglingkod sa bayan. Tumatakbo sila para magpagamit sa ibang politiko.

Ibig sabihin, sa umpisang-umpisa pa lamang, hindi naaayon sa kabutihang-asal ang layunin ng pagkandidato ni Bagatsing.

Sana ay maging aral ‘yan sa marming botante.

Huwag bumoto sa mga taong, sarili lang ang importante.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply