Wednesday , June 19 2024

Paul Versoza from Naia T-1 to Dagupan

NITONG nakaraang linggo ay para raw bombang sumambulat ang sandamakmak na Personnel Orders na ipinalabas ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Ronaldo Geron.

Nagkaroon muli nang malawakang reshuffle sa hanay ng Immigration Of-fixers ‘este’ officers sa buong bansa.

Nayanig at hindi raw inaasahan nang lahat na muling magkakaroon ng balasahan since malapit na nga naman ang pagtatapos ng termino ng kasalukuyang administrasyon.

Sari-saring opinyon at kuro-kuro kung sino ang may pakana ng nasabing reshuffle at kung bakit wala ni isa man ang nakatunog sa galawang ito!

Kabilang sa mga tinamaan ng lintik ‘este’ ikutan ang tatlong (3) hepe ng BI-NAIA terminals 1, 2 and 3. Kasama siyempre ang pinakasikat dito na si Paul Vasura ‘este’ Versoza hepe ng NAIA T1 na kailan lang ay panay ang ngalngal sa BI-OCOM dahil sa takot na siya raw ay mapalitan?!

Ay sus!

At kahit naman pala magngangawa araw-araw si parekoy Paul sa OCOM ay talaga naman palang on the way out na ang kanyang karakas!    

Bwahahaha!!!

Buti pa nanahimik ka na lang kasi at hindi ka nagpabisto na kapit-tuko ka sa puwesto?!

Natunugan siguro nila na meron kang kinatatakutang mawala sa iyo riyan sa NAIA T-1 kaya ganoon na lang kalakas ang atungal mo noong akalain mong sisipain ka na agad, shonga!?

Well anyway, maganda pa rin naman pala ang naibigay sa iyong bagong puwesto.

Dahil kung dati para kang si “David” sa Biblia sa dami ng ipinapastol na pasahero ‘ehek mali’ tupa pala, ngayon naman ay ala-”fisherman” ang dating mo dahil for sure mga sariwang bangus ang lalambatin mo sa iyong bagong posisyon.

Huwag mong kalimutang padalhan ako ng masarap na bagoong-isda, P’re!

Parekoy, baka type mong i-share sa iba ang iyong special technique para hindi mawalan ng puwesto?

‘Yan ba ang “ATUNGAL” to the highest level!?

Yuckkkss!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *