Monday , November 18 2024

Breaking News

Mister nagbigti dahil sa sinaing

NAGBIGTI ang isang lalaki nang hindi sila magkasundo ng kanyang misis sa pagsasaing sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Salvador Estaniel, 23, residente ng Baliwasan Grande, Zamboanga City. Sa ulat, bangkay na ang biktima nang matagpuan ng kanyang asawa na si Roselyn dakong 7 p.m. sa loob ng kanilang silid. Bago nagpatiwakal ang biktima, nagtalo sila ng kanyang …

Read More »

Kapitan inutas sa sabungan

PATAY ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki habang palabas ng sabungan sa Tiaong, Quezon, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Restituto Hernandez Perez, 66, Barangay Chairman ng Sta. Maria, San Pablo City, Laguna. Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:10 p.m. sa cockpit arena sa F. Castillo Coliseum, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon. Nabatid na …

Read More »

Principal nagbigti sa P.1-M utang

TINAPOS ng isang 47-anyos school principal ang kanyang P.1-M utang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Davao City, iniulat kahapon. Maitim na ang mukha at halos lumuwa na ang dila ng biktimang si Bernard Catalia, nang matagpuan ng kanyang misis na si Austria na nakabigti sa kanilang kwarto gamit ang nylon cord. Si Catalia ay principal …

Read More »

Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson

MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima. Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim …

Read More »

PDAF scholars pinangakuan ng Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante. “We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) …

Read More »

Championship sa Asian V8 ‘misteryo’ sa ambush kay Pastor?

NAGKAKAROON na ng linaw sa posibleng motibo ng pagpatay sa Filipino car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Richard Albano, malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagiging car racer ni Pastor ang dahilan ng pamamaslang bagama’t hindi isinaisantabi ang personal na motibo. May hawak nang testigo ang pulisya sa …

Read More »

Koreano kinuyog ng ‘dirty dozen’

ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw. Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig …

Read More »

Bagyong Hagibis ‘di na papasok sa bansa

HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea. Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon. Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng …

Read More »

Kelot nahulog sa MRT walkway, tigok

TODAS ang isang hindi nakilalang lalaki matapos mahulog mula sa walkway ng MRT Bonifacio Station sa Mandaluyong City kahapon. Ayon kay Roel Teves, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mismong sa gitna ng northbound lane ng EDSA nahulog ang ‘di kilalang lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 40-anyos. Nakasuot ng shorts at bahagyang marumi ang itsura. Ayon …

Read More »

Aresto vs 3 Pork Senators tiniyak ni De Lima

KOMPIYANSA si Justice Sec. Leila de Lima na uusad ang mga kasong naisampa sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Aniya, umaasa silang tulad ng Office of the Ombudsman, makikita rin ng Sandiganbayan ang probable cause sa plunder at graft charges na naisampa laban sa ilang senador, kongresista at agents na kasabwat ni Janet Lim-Napoles. Ayon kay De Lima, maingat …

Read More »

Ikukulong sa Crame off gadgets — PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kapag nakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang mga senador na sangkot sa PDAF scam ay mahigpit nilang ipagbabawal ang paggamit ng gadgets. Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellular phones, iPads at iba …

Read More »

Sex video muling itinanggi ni De Lima

DIRETSAHANG itinanggi ni Justice Sec. Leila de Lima kahapon na siya ay may sex video at pinabulaanan din ang iba pang personal na pag-atake sa kanyang pagkatao. Tahasan niyang sinabi na walang ganoong sex video at kung meron man, malamang peke ito. Ayon kay De Lima, labis siyang nasasaktan at na-offend sa aniya’y ‘foul’ na paratang dahil paglapastangan ito sa …

Read More »

PNP nakatutok sa high profile cases — Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na kumikilos ang Philippine National Police para malutas ang pinakabagong mga krimen na naganap kamakailan, kabilang ang pagpatay sa dalawang prominenteng tao. Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inatasan ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang pulisya na lutasin ang kaso ng pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor at sa negosyanteng si Richard …

Read More »

Pasahe P8.50 na

SINIMULAN nang ipatupad kahapon ang dagdag na P0.50 sa pasahe para sa mga public utility jeepneys (PUJs) na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ipinatupad ang dagdag-pasahe mula P8 ay P8.50 na sa Metro Manila Area, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions. Kasabay nito, mariiing pinaalalahanan ni LTFRB chairman Winston Ginez ang jeepney drivers na dapat sumunod …

Read More »

5 Pasay PNP officials sinibak

WALANG kinalaman sa mga ulat na pagtaas ng krimen sa hurisdiksyon ang nangyaring pagbalasa sa limang opisyal ng Pasay City Police. Ito ang paglilinaw ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, na nagsabing kinakailangan lamang palitan ang ilang opisyal dahil sa pagiging “pamilyar” na sa kanilang puwesto at para na rin sa tinatawag na “career development.” Kabilang sa …

Read More »

3 studes tinubo mag-utol na sekyu kalaboso

KALABOSO ang magkapatid na sekyu matapos hampasin ng tubo ang tatlong estudyante sa Echague, Isabela. Nakapiit ngayon ang magkapatid na suspek na sina Jestoni Chito Antonio at Jestom Antonio, kapwa security guard ng Ugad National High School. Habang naka-confine sa ospital ang mga biktimang itinago sa mga pangalang Enti, Alfred at Erol, pawang estudyante ng nasabing paaralan. Kuwento ng mga …

Read More »

Hotel mogul, int’l car racing champ itinumba (Sa Davao at QC)

PATAY ang isang prominenteng Cebu businessman makaraan pagbabarilin sa loob ng kanyang hotel sa Davao City habang binawian din ng buhay ang isang international car racing champion nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Desmayado ang grupo ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa nangyaring pamamaslang kay hotel mogul Richard Lim King sa …

Read More »

Plunder, Graft vs 3 Pork Senator ini-raffle na

INI-RAFFLE na ng Sandiganbayan kahapon ng umaga ang kasong plunder at graft na inihain ng Ombudsman laban sa tatlong senador kaugnay sa multibillion-peso pork barrel scam. Pinagsamasama ng anti-graft court ang 45 criminal information na kanilang natanggap, 42 ang graft at tatlo ang plunder. Ang plunder case at graft cases ni Senador Juan Ponce Enrile ay hahawakan ng Sandiganbayan 3rd …

Read More »

Kidnapper arestado sa rescue operation (Anak ng bank manager dinukot)

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kamakalawa ng gabi ang isang lalaki na dumukot sa anak ng isang bank manager sa Ermita, Malate, Maynila. Kinilala ni PO3 Rodel Benitez ng MPD General Assignment Section ang suspek na si Arturo Kalaw, Jr., ng Brgy. Gonzales, Tanauan City, Batangas. Napag-alaman, dinukot ng suspek ang biktimang si Jenna Mae Trinidad …

Read More »

85,000 profs masisibak sa K-12 (287 pribadong kolehiyo pinayagan sa tuition hike)

MAHIGIT 85,000 faculty members ang mawawalan ng trabaho sa pagsisimula ng 2016 kapag ipinatupad na ang dalawang dagdag na taon sa high school, ayon sa grupo ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities. “Ang sinasabi nga namin, wala talagang mag-eenroll sa first year college (sa 2016), dahil ‘yung fourth year (high school) mag-e-enroll na sila sa Grade …

Read More »

Kawatan inasintang parang ibon tigok (Nakakapit sa barandilya ng condo)

PATAY ang isang lalaking tinaguriang tirador ng manok na panabong, makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakakapit sa bintana ng isang condo unit sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi pa nakikilala ang biktimang tinatayang 40-anyos, 5’8 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng shorts at walang saplot na pang-itaas. Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila …

Read More »