Saturday , January 10 2026

Blog List Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

14 law violators kinalawit sa Bulacan

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 14 kataong pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 3 Hulyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, unang naaresto ang limang suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng mga himpilan ng pulisya ng Baliwag, …

Read More »

 ‘Damo’ ibinenta sa pulis big time tulak tiklo

marijuana

HINDI nakapalag ang isang big time na tulak nang dakmain ng mga awtoridad matapos bentahan ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana ang isang pulis na umaktong poseur buyer sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Kenneth Ryan Rodolfo, …

Read More »

Bumatak muna bago umatake
KAWATAN TIMBOG SA BULACAN

arrest, posas, fingerprints

PARA lumakas ang loob, bumabatak muna ng marijuana ang isang pinaniniwalaang magnanakaw na naaresto ng pulisya sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si Arwin Abergas, residente sa Brgy. Saog, bayan ng Marilao, …

Read More »

DonBelle excited sa kanilang US tour concert show 

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA ang loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa excited na mag-show out of the country kasama ang iba pang mga Star Magic talent para sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour concert series. First time na makakasama ang DonBelle sa Star Magic tour kaya kakaiba ang saya nila. Ayon kay Donny dapat sana’y may project sila ni …

Read More »

Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.

Bulacan Airport Special Economic Zone

IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing Special Economic Zone and Freeport Zone ang Bulacan Airport City. Batay sa liham ni Marcos, Jr., na ipinadala sa tanggapan ng Senate President, sinabi niyang hindi niya sinusuportahan ang naturang bill dahil salungat ito sa layunin ng gobyerno na bumuo ng tax system. Bagaman kinikilala …

Read More »

Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens

Malacañan

DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na idinaos sa Malacañang, dalawang araw matapos maluklok bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas ang kanyang tanging anak na lalaki, Ferdinand Marcos Jr.                Ipinagdiwang ni Gng. Marcos ang ika-93 kaarawan noong Sabado, 02 Hulyo 2022. Kahit kumalat sa social media …

Read More »

Nasamsam ng PDEA
P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 

Nasamsam ng PDEA P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L

UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon ang nakompiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy bust operation sa Quezon City at Cavite nitong Linggo. Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto sa isang …

Read More »

Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. “Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag niya. Giit ng kalihim, kapos ang panukalang batas ng mga sangkap upang iugnay sa ibang batas, patakaran at regulasyon dahil hindi nakasaad dito na sakop ito ng audit provisions ng Commission on Audit (COA), “procedures for the expropriation of lands awarded to agrarian reform beneficiaries and a master plan for the specific metes and bounds of the economic zone.” Binigyan diin ni Angeles, lahat ng transaksiyon sa pananalapi ng gobyerno ay isinasailalim sa audit procedures ng COA at hindi dapat absuwelto sa naturang proseso ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ani Angeles. Inilinaw ni Angeles, tuloy ang konstruksiyon ng P740-billion international airport sa Bulacan dahil ang “San Miguel franchise to operate the airport” ay aprobado ng Senado at Kamara noong 11 Oktubre 2020. “The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB 7575 entirely unconstitutional,” paliwanag niya.

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on …

Read More »

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

ombudsman

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City Mayor Eric B. Africa at pitong tauhan ng lungsod dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P107.2 milyong cash advances bago ang May 9 elections. Ang kaso ay isinampa ni Lipa City resident at taxpayer Levi Lopez noong 29 Hunyo. Kabilang sa mga kinasuhan sina Africa, City …

Read More »

Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN

PPA DoTr

TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na pagkakataon, upang ipakita ang suporta at tiwala. Pero ang tradisyong ito ay nasagasaan sa mapanganib na diskarte ng ilang bagong namumuno. Tinukoy ng ‘isang opisyal,’ ang insidente ay eksaktong tumutugma kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez nang kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment kay Christopher …

Read More »

P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo

Erwin Tulfo

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangakong P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na matatanggap ng 12.4 milyong benepisaryong Filipino sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing …

Read More »

Mag-asawang Cecilia at Pedro Bravo pinarangalan sa 9th Social Media Awards 

Ma Cecilia Pedro Pete Bravo

MATABILni John Fontanilla MULING tumanggap ng panibagong award ang mag-asawang Ma. Cecilia at  Pedro Pete Bravo ng Intele Builders and Development Corporation sa kakatapos na  9th Social Media Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila last June 30. Ginawaran ang kanilang komoanya bilang  2022 Star Brand Innovative Telecommunications Company, samantalang ginawaran naman ng Most Empowered Woman in Business Managemenent and Entrepreneurship 2020 si Ma. …

Read More »

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal na pagbabalik sa tungkulin sa ika-apat na pagkakataon. Kasama ni Mayor Lani si Senator Alan Cayetano sa panunumpa gayondin ang buong Team Lani Cayetano na kinabibilangan ni Vice Mayor Arvin Alit, 2nd District Congresswoman Pammy Zamora, at mga konsehal ng Distrito Uno at Dos. (EJ …

Read More »

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon kay Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Myra Quiambao kasama ang 1 Muntinlupa party members, ang nag-iisang Comelec accredited local party na may itinatakdang prinsipyo at plataporma ng gobyerno tungo sa ikauunlad ng lungsod. Kasama rin sa oathtaking ceremony ang mga konsehal at nangako …

Read More »

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at anak na si Vice Mayor April Aguilar, kay Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Yu-Guray, kasama ang mga nanalong konsehal sa nakalipas na May 9 elections. Ginanap ang panunumpa sa tanggapan ng Punong Lungsod, Las Piñas City Hall kahapon Huwebes, 30 Hunyo …

Read More »

Jeffrey Tam kakaiba ang magic

3in1 Jeffrey Tam

HARD TALKni Pilar Mateo MAGIC? Kahit yata malayo na tayo sa kinagisnang kabataan, gusto pa rin nating makapanood ng mga mahika blanca sa mga bating pinag-aralan din naman ang sining na ito. Isa sa hinahangaan sa naturang larangan itong si Jeffrey Tam. Isang komedyante rin na napapanood sa TV at pelikula. Inusisa ko ito dahil gusto ko panoorin ang palabas na 3 …

Read More »

Ima at Sephy nagpatalbugan sa Funpasaya sa Fiesta 2022

Ima Castro Sephy Francisco Funpasaya sa Fiesta 2022

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang mini-concert via Funpasaya sa Fiesta 2022 nina Ima Castro at Sephy Francisco sa Socorro, Surigao Del Norte kamakailan na ginanap sa Plaza Bucas Grande Island. Nakasama nina Ima at Sephy sa mini-concert ang Club 690 performers na sina Cherry Pie, Aikee The Black Butterfly, at Fire Diva Daryl na talaga namang mabentang-mabenta sa mga taong naroroon. Sobrang pinahanga nina Ima at Sephy ang mga nanood sa …

Read More »

2 pa sa miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng Covid

Ben&Ben

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKANSELA ang sana’y concert ng Ben&Ben sa July 2 sa  Santiago, Isabela dahil dalawa sa miyembro nito ang tinamaan ng COVID-19 kamakailan. Nagpositibo sa COVID-19 ang lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at si Toni Muñoz, ang percussionist at vocalist din ng band. Naka-isolate na ang dalawa at nagpapagaling na. Sa official Twitter page ng Ben&Ben, inihayag ng grupo na  na-reschedule …

Read More »

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang linggo ang 19 doktor at mga nurse upang magsagawa ng eye surgical mission sa Borja Hospital na pinangunahan at inorganisa ng Philippine Gift of Life. Ayon kay Fancy Baluyot, CEO ng Philippine Gift of Life, nagpatala ang 1,065 indigent na Boholano para libreng maoperahan ang …

Read More »

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

Bongbong Marcos BBM

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa takda ang mismong Chief Justice ang mangangasiwa sa kanyang panunumpa. Ayon kay Assistant Minority leader and ACT Teachers Partylist Rep. France Castro: “We were no longer surprised with the decision of the Supreme Court dismissing the disqualification case against …

Read More »

 ‘Vape bill’ pekeng malasakit sa health ibasura

062922 Hataw Frontpage

‘FAKE health act’ ang kontrobersiyal na Vape Bill, kung kaya’t dapat itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kanyang termino sa 30 Hunyo 2022. Ito ang nagkakaisang posisyon nina Senadora Pia Cayetano at isang grupo ng mga doktor na mariing tumututol sa pagsasabatas ng naturang panukala. Nauna rito, kinastigo ni Cayetano ang aniya’y ‘last-minute transmittal’ ng Kamara ng …

Read More »

Panawagang pagkansela ng mga quarry sa Masungi, sinuportahan ni Belmonte

Masungi Geopark Project Quarrying

SUPORTADO ni QC Mayor “Joy” Belmonte ang panawagan na tuluyan nang kanselahin ang mga kasunduan sa quarrying sa Masungi Geopark Project at sa Upper Marikina Watershed. Matatandaang apat na alkalde ng mga siyudad sa Metro Manila at iba pang mga opisyal ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa hindi pagkansela ng DENR ng tatlong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na sumasaklaw …

Read More »

Para sa ikalawang termino
GOV. FERNANDO NANUMPA NA

Daniel Fernando nanumpa

“WALA tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel Fernando para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa para sa kanyang ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng …

Read More »

Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE

Arrest Posas Handcuff

SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, naglunsad ang mga operatiba ng Rizal MPS ng Manhunt Charlie Operation sa Purok 5, Brgy. Cabucbucan, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG

Bulacan Police PNP

NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law offenders sa inilunsad na isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 27 Hunyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, inaresto ang 125 indibidwal sa serye ng anti-drug bust na ikinasa ng Station …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches