ILOILO CITY – Arestado ang punong barangay at tatlong iba pa sa buy-bust operation sa Dumangas, Iloilo kamakalawa Kinilala ang mga nahuli na sina Punong Brgy. Teofisto Gomez, 56, ng Brgy. Calao, Dumangas; Michael Libo ng Brgy. Cuartero, Jaro, Iloilo City; Mark Jason Diamante ng Brgy. Poblacion, Dumangas, at Judy Demafilis ng Brgy. Ilaya III, Dumangas. Ang mga suspek ay …
Read More »Blog List Layout
Karibal sa tong tinarakan
PATAY ang isang lalaki nang tadtarin ng saksak ng kanyang karibal sa ‘tong’ sa padyak drivers sa tapat ng isang KTV bar sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang kinilalang alyas Baho, 40-anyos, ng Brgy. North Bay Boulevard South sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Agad naaresto ang suspek na …
Read More »Briton ninakawan ng syotang Pinay
INIREKLAMO sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng British national ang kanyang Pinay girlfriend nang tangayin ang kanyang mamahaling gamit at pera sa tinutuluyang hotel sa Maynila. Sa reklamo ni Michael Stevenson Peter, 67, tubong England, pansamantalang nanunuluyan sa Room 502 ng Orange Nest Hotel, 1814 San Marcelino St., Malate, anim beses na siyang pinagnakawan ng girlfriend na si …
Read More »Fish trader hinoldap ng tandem
ISANG negosyante ang natangayan ng pambili ng isda nang tutukan ng baril at agawin ang kanyang bag ng riding in tandem, sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw. Hindi nakapalag ang biktimang si Eva Arguelles, 47, fish trader, residente ng Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat. Mabilis tumakas ang dalawang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo tangay ang bag na may …
Read More »Pinay nurse nasa ICU sa MERS-CoV
POSITIBO ang asawa ng isang Filipina nurse sa Riyadh, Saudi Arabia na gagaling pa ang kanyang kabiyak na kina-quarantine sa pinagtatrabahuan na ospital dahil hinihinalang nahawa ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV. Sinabi ni alyas Toto ng Negros Occidental, sa kabila ng pagkakalagay ng kanyang misis sa Intensive Care Unit (ICU) at may tubo na inilagay sa baga …
Read More »Ginang dedbol sa ratrat
DEDBOL ang isang ginang makaraang pagbabarilin sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Patay noon din sa harap ng isang sari-sari store ang biktimang si Aurora Ramos-Lumahan, 48-anyos, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 ba-ril sa ulo. Ayon sa isang Rolando Paraiso, may-ari ng tindahan, narinig niya nang kumatok ang biktima habang sila’y nano-nood ng TV sa loob …
Read More »P1.5-M ari-arian naabo sa QC fire
Tinatayang nasa P1.5 milyon ari-arian ang naabo nang masunog ang isang lumang bahay sa Banawe St., Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Sa ulat, dakong 7:58 a.m. nag-umpisa ang sunog sa garahe ng dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Richard Tan. Sinabi ng nakasaksi, nakita ng caretaker na may narinig silang pumutok mula sa bahay. Ayon kay Sr. …
Read More »Napoles list installment muna – Poe
PINAYUHAN ni Senadora Grace Poe si Justice Secretary Leila de Lima na gawing installment ang paglalabas ng lista-han ng mga sangkot sa pork barrel scam. Ipinaliwanag ni Poe na kung nangangamba si de Lima na madamay ang mga walang kasalanan ay unang ilabas ang pa-ngalan ng nga kompirmadong dawit sa scam. Nababahala si Poe na habang tumatagal ang paglabas ng …
Read More »2 bus nagkarera sa tollway 1 todas, 40 sugatan
ISA ang patay habang 40 ang sugatan makaraan bumaliktad ang isang bus sa Star Tollway sa Malvar, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ang namatay na si Genora Sorat ng Makati City. Sinabi ni Malvar police Chief Insp. Gaudencio Aguilera, nawalan ng kontrol ang driver ng JAM Liner bus makaraan masagi ng DLTV bus. Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nag-kakarerahan ang …
Read More »40 sibilyan hostage ng NPA sa ComVal
DAVAO CITY – Patuloy ang isinasagawang negosas-yon para sa agarang paglaya ng 40 sibilyan na hostage ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mahayahay, bayan ng Maragusan sa Compostela Valley. Sinabi ni 10th Infantry Division spokesman Ernest Carolina, sinimulang i-hostage ang mga biktima 10 a.m. kamakalawa. Tinipon ang mga bihag ng mga armadong rebelde at hindi pa pinapakawalan. Ayon …
Read More »“Recall petition” vs Bulacan governor tuloy!
TULOY ang pagrerebisa ng Commission of Elections sa “recall petition” matapos ma-lift nitong Biyernes ang inihaing temporary restraining order (TRO) na hiningi ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, walang jurisdiction ang Regional Trial Court sa Comelec at irregular ang TRO na inilabas ni 2nd Vice Executive Judge Albert Fonancier. Matatandaang isinampa noong April 28, 2014 …
Read More »Mag-asawang senior citizen patay sa QC fire
PATAY ang mag-asawang senior citizen habang nasugatan ang kanilang anak, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, iniulat kahapon ng umaga. Kinilala ni QC District Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez ng Bureau of Fire Protection ang mag-asawa na sina Lara, 65, at Severino Macabinguil,70, kapwa ng 25 O’Donel st., Brgy. Holy Spirit. Nasugatan ang kanilang …
Read More »Facebook, Google pumalag kay Uncle Sam
PATULOY na ipinaaalam ng Silicon Valley sa kanilang mga users ang data requests ng mga awtoridad sa pamamagitan ng subpoena sa kabila ng ‘utos’ na ilihim ang kahilingan nila. Ipinahayag ng Apple, Facebook, Google, Microsoft at Yahoo, na kanilang ipinapaalam sa sa kanilang mga kliyente na hinihingan sila ng mga awtoridad para isumite ang mga natatanging impormasyon pero hindi nila …
Read More »Bebot sinakal ng tuwalya sa hotel
HINALANG pinatay sa sakal ang natagpuang bangkay ng babae sa loob ng Selenna hotel sa Aurora Blvd., Cubao, Quezon City, iniulat kamakalawa ng umaga. Patay na ang hindi pa nakikilalang biktima nang natagpuang nakapulupot sa kanyang leeg ang isang tuwalya. Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay sa Room 331 Selenna …
Read More »Student journalists sumugod sa Mendiola
NAGSAGAWA ng kilos-protesta sa paanan ng Chino Roces bridge sa Mendiola ang ilang grupo ng mga estudyanteng mamamahayag sa paggunita ng World Press Freedom Day. Mariing kinondena ng student journalists ang hindi pa rin matigil na pagpatay sa mga mamamahayag. Pinakahuli rito ang pagpaslang sa tabloid reporter na si Rubylita Garcia noong Abril 6. Sa datos ng Center for Media …
Read More »P3-M shabu nakompiska sa buy-bust
TINATAYANG P2.7-milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cadiz City, Negros Occidental. Sa ulat na ipinaabot kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac, Jr., nakuha ang nasabing epektos sa nahuling suspek na kinilalang si Jonathan Badilles, na nakuhaan ng halos kalahating kilong shabu. Nakatakas ang kasabwat ni Badilles na kinilala ng …
Read More »Aquino yumaman
AMINADO si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na lumago ng P1.3 million ang kanyang kayamanan sang-ayon sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN). Naisumite na sa Office of the Ombudsman ang kanyang SALN at bukas ito sa publiko. Noong nakaraang taon ang kayamanan ng Pangulo ay nasa P65.13 million at ngayong taon ay naging P66.43 million. Sinabi ng …
Read More »Tangke sumabog welder natusta
NATUSTA ang katawan ng isang trabahador ng Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic, Zambales nang masabugan ng ginagamit acetylene tank makalawa. Agad namatay si Randy Dapos, nakatalaga sa Erection Part 2 keep up section ng kompanya. Nagwe-welding ang biktima nang aksidenteng sumabog ang tangke na naging sanhi ng pagkasunog ng kanyang buong katawan. Sa ngayon ay hindi pa rin …
Read More »GMA pinayagan ma-check up sa St. Luke’s
PINAYAGAN ng Sandiganbayan na madala si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Lukes Medical Center para sumailalim sa ilang pagsusuri. Ayon sa abogado ni Arroyo na si Atty. Medesto Ticman, ngayong araw sana ang nais nilang schedule ngunit napag-alaman ng anti-graft court na sarado ang pagamutan sa nasabing araw kaya pinaaga ang nasabing check-up. Kaugnay …
Read More »P40-M isinoli ni Tuason pasok bilang state witness
PINAGBIGYAN ng Office of the Ombudsman ang hiling ni Ruby Chan Tuason na magkaroon ng immunity sa kaso ukol sa pork barrel fund scam. Ayon kay Asst. Ombudsman Asryman Rafanan, nakitaan ng kredibilidad ang mga testimonya ni Tuason kaya sinang-ayonan ng prosekusyon. Kasabay nito, nagsauli si Tuason ng P40 milyon na kanyang kinita sa mga transaksyon kay Janet Lim-Napoles at …
Read More »Lolo, 3 pa kulong sa sabong ng gagamba
KULONG ang 65-anyos lolo at tatlong iba pa, nang maaktohan sa pagsasabong ng gagamba na may pustahan, sa Navotas City kamakalawa ng hapon . Kinilala ang mga suspek na sina Crispin Aningat, 65, at Jeffrey Villanueva, 40-anyos, kapwa ng A.R. Cruz, St., Erto Bautista, 22, ng J.B.Santos St., at Ramil Guiuan, 46, ng M. Valle st., pawang ng Brgy. Tangos …
Read More »Kagawad ng Maynila binoga sa tabi ng anak
PATAY ang barangay kagawad nang barilin sa loob ng kanyang bahay habang natutulog katabi ang anak, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay bago idating sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jesus Lita, 54, Barangay Kagawad ng Barangay 288, Zone 26, Binondo. Sa ulat, inilarawan ang suspek na 5’4″ ang taas, katamtamang pagangatawan, naka-asul jacket at …
Read More »Tserman, 2 pa patay sa ambush
KORONADAL CITY – Patay ang isang barangay chairman at dalawang iba pa sa ambush sa Sitio Linangkat, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Brgy. Chairman Perfecto Travilla, 49; Jason Mundo, 16, at Alex Tumbaga, 29, pawang mga residente ng Sitio Bahar, Brgy. Pandan sa bayan ng South Upi. Sa inisyal na imbestigasyon ng South Upi …
Read More »Pamilya minasaker ng 4 pamangkin (2 patay, 2 kritikal)
LEGAZPI CITY – Matagal nang alitan sa pamilya at away sa lupa ang tinitignang anggulo ng mga awtoridad sa pagmasaker sa isang pamilya sa Brgy. Togbon, Oas Albay kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na ang mag-amang sina Pavian Rectin Sr. at Pavian Rectin Jr., kapwa agad binawian ng buhay makaraan pagtatagain. Habang kritikal sa ospital ang mag-ina ni Rectin Sr. …
Read More »Insentibo imbes wage hike sa gov’t workers
MAS ikinokonsidera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbibigay ng insentibo imbes na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno. Sa harap ito ng panukala ni Sen. Antonio Trillanes na taasan ang sahod ng government employees upang maiwasang matukso sa katiwalian. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t ambisyon niyang maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, masyado itong …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com