Thursday , December 1 2022

MMDA enforcer bumangga sa poste tigok

PATAY ang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang salpukin ng kanyang minamanehong motorsiklo ang poste ng Meralco sa kanto ng Julia Vargas at Lanuza Sts., sa lungsod ng Pasig.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Abelardo Villacorte, EPD-director, kinilala ang namatay na si Joel  Acanto, nasa hustong gulang, MMDA enforcer.

Sa imbestigasyon ni P03 Cristino Silayan, sakay ang biktima ng motorsiklo (3599-WN) nang biglang sumalpok sa poste ng Meralco dakong 12:00a.m.

Ayon sa mga nakasaksi, posibleng nakaidlip si Acanto dahil sa matinding pagod sa kasasaway sa mga driver na sumusuway sa batas trapiko.

Isinugod ng mga tauhan ng rescue team sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dakong 2:00 a.m.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Stab saksak dead

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang …

120122 Hataw Frontpage

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

ni Rose Novenario NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson …

illegal fishing with the use of explosives

P2-M gamit muro-ami , ilegal na huling isda nasabat sa Quezon

AABOT sa halos P2-milyong halaga ng mga fishing gear at tools ang nasabat mula sa …

Land Transportation Office LTO

Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa …

Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial …

Leave a Reply