Tuesday , December 6 2022

Blakdyak nag-rambo arestado

KASONG maliscious mischief, alarm and scandal at pag-iingat ng drug paraphernalia  ang kinakaharap ng comedian/singer nang magwala sa loob ng isang apartelle sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Quezon City Police District  Public Information Office (QCPD-PIO) Sr. Insp. Maricar Taqueban,  kinilala ang suspek na si Joey Amoto mas kilala bilang si Blakdyak, 44-anyos.

Nabatid sa ulat, inaresto si Blakdyak sa loob ng Tiza Apartelle nasa Imperial St.,Cubao, dakong 6:00 a.m.

Sinasabing nag-ugat ang pagwawala ni Blakdyak nang sitahin siya ng staff ng apartelle dahil sa paghahanap sa kanyang girlfriend.

Napag-alamang walang paalam na pumasok si Blakdyak at hindi dumaan sa front desk kaya’t siya’y sinita.

Sa pagwawala ni Blakdyak, nasira ang mga gamit sa apartelle kaya humingi ng tulong sa pulisya ang establisyemento, dahilan para maaresto ang komedyante.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply