Sunday , July 14 2024

Broadcaster, irereklamo sa KBP sa hindi patas na pag-uulat

Irereklamo sa Kapisanan ng mga Broadcaster  ng Pilipinas (KBP) ni Boracay West Cove chief executive Crisostomo Aquino si ABS-CBN broadcaster Ted Failon sa halos tatlong taon nang paninira sa naturang establisimyento nang hindi ibinibigay ang kanilang panig.

“Halos tatlong taon nang binabanatan ni Failon ang Boracay West Cove sa kanyang mga programa sa radio at telebisyon pero kahit minsan ay hindi niya ibinigay ang aming panig,” ani Aquino. “Masyado niya akong pinepersonal sa kanyang mga programa, bakit ang West Cove lang ang nakikita niya?”

Dinismis kamakailan ng Office of Ombusdman sa Visayas ang dalawang kasong isinampa ni Gen. Tinio (Nueva Ecija) Mayor Virgilio Bote  laban kay Aquino at sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)  at  Malay, Aklan.

Nilinaw sa desisyong inaprubahan ni Ombusdman Conchita Carpio Morales na ang DENR ang may solong hurisdiksiyon sa Boracay West Cove sanhi ng Flag-T contract nito para para paunlarin ang nasabing lugar na isang kagubatan o forest land kaya hindi kabilang sa 25 plus 5 meters easement na ipinatutupad sa Boracay shoreline.

May hinala si Aquino na si Bote ang nasa likod ni Failon kaya laging paksa sa programa niyang “Failon Ngayon” sa radio at telebisyon ang paninira sa Boracay West Cove.

“Ang daming puwedeng banatan ni Failon pero ang Boracay West Cove ang nakikita niya kahit tumutupad kami sa batas sa bisa ng Flag-T contract sa DENR,” diin ni Aquino. “Lagi siya sa Boracay, bakit hindi niya makita ang mga lumalabag sa 25 plus 5 buffer zone kapag high tide?”

Inihabla na rin ni Aquino si Bote ng kasong falsification of public documents sa paggamit ng mga pekeng dokumento para kamkamin ng kompanya nitong ATOM ang dalawang ektaryang lupain sa tabi ng Boracay West Cove. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *