Saturday , November 23 2024

Ruben III Manahan

Pagbaha ng imported na bigas, ginhawa o parusa?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

BABAHA nang murang bigas. Ito ang pagtitiyak ng gobyerno matapos aprobahan ng Senado at Kamara de Representantes sa Bicameral Conference Committee kamakailan ang Rice Tariffication Bill. Matapos ratipikahin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala, pipirmahan na ito ng Pangulong Duterte para maging ganap na batas. Pero bago tayo maglulundag sa tuwa, mainam sigurong tanungin muna natin kung ano …

Read More »

Drug test sa kolehiyo, uumpisahan na

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SIMULA sa susunod na school year (2019-2020), bibigyan ng kapangyarihan ang mga unibersidad at kolehiyo na magpatupad ng man­datory drug testing sa kanilang mga estudyante. Kung mandatory na ang drug testing, maaari nang obligahin ng mga pamantasan ang lahat ng estudyante nila na magpasuri sa droga. Nagulat tayo sa balitang ito dahil wala na­mang bagong batas na naipasa hinggil dito. …

Read More »

ENDO Bill, inuupuan sa Senado?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

MAKAPANGYARIHAN kung tingnan ang Pangulo pero may mga bagay na hindi niya kayang gawin kung wala ang tulong ng Senado at Kamara de Repre­sentantes. Isa na rito ang tuluyang pagbuwag ng Endo o 5-5-5 System. Endo ang pinaigsing salita ng End of Contract. Sa ganitong sistema, tinatanggal ng mga kompanya ang kanilang mga manggagawa sa trabaho bago matapos ang kanilang …

Read More »

15-milyong pamilyang Pinoy gutom dahil sa TRAIN Law

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAKAAALARMA ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Setyembre. Umabot na raw sa 3.1 milyong pamilya sa Filipinas ang nakararanas ng gutom dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung may limang katao sa bawat pamilya, lumalabas na 15.5 milyong Filipino ang nagugutom sa kasalukuyan. Ang masakit pa nito, mukhang simula pa lamang ito ng …

Read More »

Kandidato sa Senado at Kamara, takot sa drug test?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAGKAKAISA ang mga ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa kampanya kontra droga sa panukala na isailalim sa drug test ang lahat ng kandidato na tumatakbo sa May 2019 elections. Mahirap na nga namang mailuklok pa sa puwesto ang mga kandidatong sugapa sa bawal na gamot. Kung mamalasin, baka tulak pa sa droga ang maibotong senador o kongresista. Para sa Philippine …

Read More »

Sikmura ng Pinoy, numero unong problema

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

TULAD ng inaasahan, kinompirma kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang patuloy na pag-akyat ng inflation rate sa Filipinas. Pumalo na ito sa 6.7 porsiyento nitong Setyembre kompara sa 6.4 porsiyento noong Agosto. Ang hindi natin inaasahan, unti-unti nang naiintindihan ng mga Filipino ang ibig sabihin ng inflation. Hindi na ito banyagang salita na pinag-uusapan lamang ng mga ekonomista. Bahagi …

Read More »

Karera sa Senado sumisikip na

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

MALAYO pa ang eleksiyon pero ngayon pa lamang ay halos buo na ang kaisipan ng mga Pinoy kung sino ang mga iboboto nilang senador sa Mayo 2019. Kung paniniwalaan ang huling survey ng Pulse Asia, halos apat na porsiyento (3.6%) na lamang ng mga botanteng Pinoy ang hindi pa tiyak sa kanilang iboboto. Karamihan (96.4%) ay siguradong isusulat nilang pangalan …

Read More »

Kalamidad sa Filipinas, resbak ng kalikasan?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NGAYONG nakalayo na ang bagyong Ompong sa Filipinas, unti-unti nang pumapasok ang mga balita tungkol sa kabuuang pinsala na dala nito sa bansa. Dahil putol ang mga linya ng komunikasyon sa mga lugar na binayo ni Ompong, natagalan bago natin nalaman kung ilan ang namatay at nasugatan sanhi ng ulan at hangin na dala ng bagyo. Nito lamang nakaraang mga …

Read More »

Ilang pulis-Pritil walang modo

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

BATA pa lamang tayo, idolo na natin ang mga pulis. Sa elementarya nga noon, halos lahat ng kalalakihan sa klase natin ay pangarap maging pulis. Iginagalang kasi ang mga pulis noon at san­digan ng mga inaapi. Sa kinalakihan nating lugar sa ‘Tundo,’ mataas ang respeto sa uniporme ng pulis. Hindi lang kasi sila lumalaban sa mga kriminal; tagapamayapa rin sila …

Read More »

Politika at kasibaan sa likod ng rice crisis

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

AMININ man ng gobyerno o hindi, may krisis na tayo ngayon sa bigas. Wala nang mabiling murang bigas sa palengke. Sa ilang lugar na pinapalad pang makapagbenta ng murang bigas galing sa National Food Authority (NFA), metro-metrong pila naman ang kailangang bunuin ng mamimili. Sa Zamboanga City na lamang, napilitang mag-deklara ng ‘state of calamity’ ang lokal na pamahalaan dahil …

Read More »

Bawas-badyet sa 2019 kahit may dagdag-kita sa TRAIN

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

MATAPOS ang ilang linggong pagpapaliban, ipinag­patuloy na muli ng Kamara de Repre­sentante ang congressional hearing sa 2019 pambansang badyet na isinumite ng Mala­kanyang sa Kongreso. Kaiba sa pagtalakay ng badyet ng nakalipas na mga taon, inaaasahan na magiging madugo ngayon ang diskusyon sa nasabing usapin. Hindi kasi matanggap ng mga kongresista ang lalim ng mga ibinawas sa badyet ng ilang …

Read More »

FDA lubayan ninyo si Dr. Farrah!

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

HINDI gaanong pinansin ng national media ang napabalitang pag-raid ng mga ahente ng Food and Drug Administration (FDA) at Philippine National Police (PNP) sa isang medical center sa Victoria, Tarlac, noong isang Biyernes, 17 Agosto 2018. Hindi kasi gaanong sikat ang nasabing medical center at malayo sa atensiyon ng mga taga-Metro Manila. Hindi rin gaanong kilala ang may-ari nito, si …

Read More »

Census ng pulis sa barangay, naaayon ba sa batas?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAPUKAW ang ating atensiyon sa mga tanong ng isang kaibigan na nai-post niya sa Facebook kamakailan lang. Legal bang magsagawa ng census ang mga lokal na pulis sa mga bahay-bahay sa barangay? May karapatan ka bang tumanggi na sagutin ang Census Form? Ayon sa kaibigan natin, nagbahay-bahay ang mga pulis sa kanilang barangay sa Cainta nitong Sabado. May dalang ‘barangay …

Read More »

4-araw na pasok solusyon sa trafik?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SABI nila, sa kamatayan lang daw nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang mayayaman at mahihirap. The ‘great equalizer’ ‘ika nga. Bilyonaryo ka man o isang-kahig, isang tuka, sa libingan pa rin ang bagsak mo. Pero sa panahon ngayon, maituturing na rin ang trapik sa Metro Manila na ‘great equalizer.’ Magarang kotse man o karag-karag na jeep, tiyak na titirik sa kalye dahil …

Read More »

Warning system sa baha, palpak pa rin!

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NITONG Sabado, nabulaga naman ang mga taga-Metro Manila nang biglang magtaasan ang baha sa lahat ng siyudad na nakapaloob dito. Bagamat may manaka-nakang pag-ulan sa umaga dala ng pinagsamang Habagat at bagyong Karding, kampante ang lahat at normal ang daloy ng buhay. Marami ang lumabas ng bahay nang walang inaalalang panganib. Pasado alas-dos ng tanghali nang makatang­gap tayo ng babala …

Read More »

264,000 bakanteng trabaho sa gobyerno, bakit ‘di punan?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

OPO, mga katoto, tama ang nababasa ninyo. May 264,000 bakanteng trabaho sa gobyerno na may badyet na pero hindi pa rin napupunuan hang­gang ngayon. Hindi ito Job Order o kontraktuwal na trabaho, kundi plantilla o permanenteng trabaho. Maging si Secretary Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management (DBM) ay nagtataka kung bakit singkupad ng pagong ang mga ahensiya ng …

Read More »

50,000 Pinoy sapol ng HIV

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

‘SILENT KILLER’ kung tawagin, isa ang HIV o Human Immunodeficiency Virus sa mga epidemya na kinatatakutan sa panahon ngayon. Hindi naman daw nakamamatay ang HIV, maliban na lamang kung humantong ito sa AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Wala rin namamatay sa AIDS. Ang siste nga lamang, pinahihina ng nasabing sakit ang immune system ng isang tao kung kaya’t nawawalan …

Read More »

P150-bilyong ayuda sa purdoy, kasali ka ba?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

PURDOY. Una kong narinig ang salitang iyan taong 1975 nang manirahan muli kami sa Davao City galing sa Maynila. “Pasensya ka na, Dong, purdoy lang tayo,” unang bati ng Lolo Paeng ko matapos akong makapagmano. Ilang buwan ang nakalipas bago ko tuluyang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang “purdoy.” Iyon pala ang tawag sa pamilyang kumakain ng giniling …

Read More »

Baha, sagot ni Mayor o ni Digong?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

ILANG araw mula nang tumila ang ulan dala ng bagyong Josie, napansin natin na apaw pa rin ang baha sa ilang bahagi ng Luzon. Hindi lang ito baha na lampas sakong kundi lampas tuhod o lampas balakang. Normal na para sa mga taga-Metro Manila ang lumusong sa baha. Prehuwisyo ito para sa mga pumapasok sa trabaho at sa paaralan pero …

Read More »

‘Ending’ ng Endo posible pa ba?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SA dami ng sinabi ng Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), isa ang mariing tumatak sa ating isipan. Inamin ng Pangulo na hindi niya kayang tapusin ang problema ng ‘endo’ sa bansa. Ayon sa Pangulo, imposibleng mabigyan ng solusyon ang problemang ito kung hindi siya tutulungan ng Kongreso. Hindi umano siya binigyan ng Konstitusyon ng …

Read More »

‘Like’ at ‘dislike’ sa gobyernong Duterte

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

IKATLONG State of the Nation Address o SONA ngayon ni Pangulong Duterte. Dalawang taon nang pinamumunuan ng dating Mayor ng Davao City ang pamamahala sa buong bansa. Sa araw na ito, asahan ang pagpapahayag ng mag­kakaibang pananaw kung nakabuti nga ba o nakasama sa bansa ang pagkakahahal kay Pangulong Duterte. Tiyak, sampu-singko ang debate ngayong araw kung guminhawa nga ba …

Read More »

Pera sa basura, diskarteng Pinoy

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

HINDI maikakaila, mahirap ang buhay ngayon. Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin. Pati galunggong na sagisag ng kahirapan noon, hindi na abot-kaya sa presyong P220 bawat kilo. Para makatipid, marami ang nagkakasya sa sinabawang sardinas bilang tanghalian o hapunan ng buong pamilya. Isang lata ng sardinas na pakukuluan sa tubig para mapagkasya sa limang katao. Pumula lang ang …

Read More »

Gera sa Mindanao tatapusin ng BBL?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

HABANG abala ang lahat sa pakikipag-debate tungkol sa samot-saring isyung hinaharap ngayon ng bayan, isang napakahalagang isyu ang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin: ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Bakit nga naman pag-aaksayahan ito ng panahon ng mga taga-Luzon at Visayas, e, ‘di ba problema lang ito ng mga taga-Mindanao? Malayo sa bituka, ‘ika nga. Kaya nga tila walang pumapansin …

Read More »

Pisong dagdag-pasahe hudyat na ng kalbaryo

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SIMULA noong Biyernes, pinayagan na ng LTFRB ang mga tsuper ng jeep na maningil ng dagdag-piso, mula P8 tungo sa P9, para sa pasahe sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON. Dangan nga raw kasi, hindi na mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng langis at diesel pati na rin ng spare parts ng mga sasakyan. …

Read More »