Monday , December 23 2024

Rose Novenario

Digong sa China: We are watching you

PHil pinas China

WE are watching you. Ito ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China nang ipamahagi sa media ang mga larawan ng Chinese ships malapit sa Scarborough o Panatag Shoal, isa sa inaangking mga teritoryo ng Beijing sa South China Sea. Sa press briefing sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, binigyan ng go-signal ni Pangulong Duterte ang …

Read More »

Abu sayyaf kakainin nang hilaw ni Digong (Sisingilin sa Davao bombing)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang kilawin ang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para makapaghiganti sa inihahasik na karahasan sa bansa. “Alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko ‘yang katawan mo, bigyan mo ako, suka’t asin, kakainin kita. Oo, totoo. You, pagalitin mo akong talagang sasagad na, kaya kong kumain ng tao …

Read More »

Sagot sa reporter ‘di personal attack kay Obama (Anti-US statement)

HINDI personal attack kay US President Baral Obama ang maaanghang na salitang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika na nagresulta sa kanselas-yon ng bilateral meeting ng dalawang pangulo. Sa kalatas na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media bago magsimula ang ASEAN Leaders’ Summit sa Vientiane, Laos, sinabi niyang walang interes si Pangulong Duterte na personal na …

Read More »

Duterte bibisita sa Japan

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Prime Minister Shinzo Abe na bumisita siya sa Japan, sa kanilang bilateral meeting sa sideline ng 28th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon. Binigyan-diin ni Duterte, ang Japan ay “old friend and pre-eminent partner” ng Filipinas. “Japan is an old friend and a pre-eminent partner of the Philippines. The two countries are …

Read More »

Sept. 12 Eid’l Adha regular holiday

IDINEKLARA ng Malacañang na isang regular holiday ang Setyembre 12, araw ng Lunes. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 56, nagdedeklarang holiday ang Setyembre 12, bago tumulak ng Laos para dumalo sa ASEAN Summit kamakalawa. Ito ay bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang Eid’l Adha ay ikalawang …

Read More »

Galit sa US, lap dogs inilabas ni Digong

HINDI ako tuta ng Amerika. Ito ang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press briefing kahapon sa Davao International Airport bago siya tumulak patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Inaasahan na isa sa makahaharap ni Duterte sa bilateral talks si US President Barack Obama sa sideline ng ASEAN Summit. Sinabi ni Duterte, wala siyang pakialam kay Obama at hindi …

Read More »

SLV nilagdaan ni Duterte (Sa bisperas ng ASEAN Summit)

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation on State of National Emergency on Account of Lawless violence bago siya umalis patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Sa press briefing sa Palasyo kagabi, sinabi ni Communications Assistant Secretary Kris Ablan, ang natu-rang proklamasyon ay alinsunod sa kapangyarihan ng isang Punong Ehekutibo base sa 1987 Constitution. Aniya, layunin nito na sugpuin …

Read More »

Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina. Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya …

Read More »

Palasyo sa publiko: ‘Wag matakot pero mag-ingat, magmatyag

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na huwag pagapi sa takot sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) bagkus ay mamuhay nang normal ngunit maging maingat at mapagmatyag. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, seryoso ang administrasyong Duterte sa pagsusulong ng giyera kontra illegal drugs at terorismo kaya’t inaasahang gaganti sila sa paghahasik ng karahasan. “It is apparent that terrorism and …

Read More »

Tulong ng MILF/MNLF ‘di kailangan – Digong (Sa giyera vs ASG)

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpasaklolo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) para durugin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, may sapat na kakayahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para labanan ang ASG lalo na’t idineklara ni Pangulong Duterte …

Read More »

Medialdea PH caretaker habang wala si Duterte

  ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker officer ng bansa habang nasa Laos siya para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo. “Matutuloy po ang paglipad namin sa Laos kasama po ang ating Pangulong Duterte bukas. Tapos ang magiging caretaker officer po ng ating Pangulo habang nasa ibang bansa ay …

Read More »

15 patay, 80 sugatan sa Davao City bombing (State of lawless violence idineklara)

DAVAO CITY – Pumalo na sa 15 katao ang namatay sa pagsabog sa Roxas Street sa bahagi ng night market sa Davao City kamakalawa ng gabi. Sinabi ni Davao PNP Regional Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, bukod sa mga namatay, nasa 80 ang naitalang sugatan sa insidente. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang improvised explosive devised ang ginamit …

Read More »

Maging kalmado pero alerto (Palasyo sa publiko)

PINAKAKALMA ng Malacañang ang publiko kasunod nang nangyaring pagsabog sa Davao City night market nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikaalarma ngunit mabuti na ring mag-ingat at maging alerto. “An explosion of still unverified cause occurred at the Davao night market resulting in the death of at least 10 persons and around 60 people …

Read More »

EJKs resulta nang paglabag sa Omerta

KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na itinutumba ng mga galamay ng drug syndicates hindi lang ang mga karibal na sindikato, kundi maging sarili nilang mga tauhan na ikinanta sa awtoridad ang kanilang operasyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 18th founding anniversary ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kamakalawa ng gabi, sinadya ng kanyang gobyerno na …

Read More »

Magturingan tayo bilang magkapatid (Duterte sa China)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na ituring na mga “kapatid” ang mga Filipino imbes kaaway. “I hope you (Chinese) treat us as your brothers and sisters and not your enemies. After all, there is a Chinese blood in me. I know the dynamics inside China. The Chinese people might find a place in their hearts for the Filipinos. …

Read More »

P4.7-B benefits ng WWII veterans at AFP retirees ibibigay na

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipamahagi ang P4.7 bilyon benepisyo ng mga biyuda ng World War II veterans at mga retiradong sundalo. Sinabi ni Pangulong Duterte sa mensahe niya sa paggunita ng National Heroes Day kahapon sa Libingan ng mga Bayani, P3.5 bilyon ay para sa kabayaran ng “arrears” ng mga …

Read More »

P28.8-M tinangay ng ghost employees sa PCOO ni PNoy

MARAMING dapat ipaliwanag ang communications group ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Base sa nakalap na impormasyon ng Hataw, milyon-milyong pisong pondo ng gobyerno ang sinasabing nakamal ng isang dating mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at isang kaanak ni dating Presidente Aquino na ipinasuweldo sa “ghost employees” ng Palasyo. Ayon sa source, may ikinasang …

Read More »

Libreng anti-drug ads mapapanood na ng publiko

ILALABAS ng pangunahing himpilan ng mga radio at telebisyon nang libre ang ginawang anunsiyo ni awarad-winning director Brillante Mendoza bilang ayuda sa pinaigting na kampanya  kontra illegal drugs ng administrasyong Duterte. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, mapapanood ang serye ng public service announcements (PSA) videos sa government-controlled PTV4 at nagpahayag na rin ang ABS-CBN na ilalabas ito nang libre …

Read More »

1st phase ng drug war tagumpay – Palasyo

TAGUMPAY ang unang yugto ng drug war ng administrasyong Duterte kaya umuusad na sa second phase ang kampanya kontra droga. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, ang unang yugto ay pagsuko ng 700,000 drug addicts sa mga awtoridad. “Kung makikita po natin ‘yung first phase ng laban kontra droga ay nagwagi na tayo, ‘yung first phase po ito. Ito …

Read More »

166 records ‘di kasali sa FOI

INIREREPASO ng Palasyo ang mga ibinigay ng Department of Justice (DoJ) at Office of the Solicitor General (Solgen) na mga impormasyong hindi maaaring isapubliko sa ilalim ng Executive Order on the Freedom of Information. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, pinag-aaralan ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legislative Affairs (ODESLA) ang mga tinukoy na exceptions ng DoJ …

Read More »

Barangay, SK elections pabor si Digong iliban (Drug money babaha)

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre dahil nangangamba siyang babaha ng drug money. Sa ika-10 anibersayo ng Eastern Mindanao Command kagabi sa Davao City, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya na popondohan ng drug lord ang mga manok nilang kandidato sa barangay elections. Kapag nahalal aniya ang …

Read More »

CPP-NPA-NDF nagdeklara ng indefinite unilateral ceasefire (Sa first round ng peace talk)

NAGDEKLARA ng indefinite unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kahapon sa pagtatapos ng first round ng peace talks sa Oslo, Norway. Sa nilagdaang joint statement ng mga kinatawan ng gobyernong Duterte at CPP-NPA-NDF, nakasaad na magbubuo ng ceasefire monitoring committees ang magkabilang panig sa layuning makabuo ng bilateral indefinite ceasefire declaration sa loob …

Read More »

‘Hello Ronnie’ tape magdidiin kay De Lima — Palasyo

IHAHAIN sa hukuman ang wiretapped conversation ng sinasabing driver-lover ni Sen. Leila de Lima at isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) para patunayan ang illegal drug trade sa pambansang piitan. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, kasama sa ilalabas na ebidensiya laban sa mga personalidad na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sabit …

Read More »

US walang paki (Duterte vs De Lima)

DUMISTANSYA ang Amerika sa pagdawit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima sa operasyon ng illegal drugs. Pinaigting ng US ang panawagan sa administrasyong Duterte na tiyakin ang mga tagapagpatupad ng batas ay tumatalima sa obligasyong igalang ang karapatang pantao ngunit walang pakialam ang Amerika kung ang pinakamahigpit na kritiko ng extrajudicial killings sa bansa na si Sen. …

Read More »

SOMO, respeto sa ceasefire hiniling ni Digong sa AFP, PNP

INATASAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magpatupad na ng suspension of military operations (SOMO) laban sa rebeldeng komunista sa buong bansa kaugnay na rin ng ginagawang peace negotiations ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF sa Oslo, Norway. “In the meantime that we have the ceasefire because of the Oslo talks, …

Read More »