KUWENTONG kutsero ang mga inilahad ni Edgar Matobato, ang testigong inilantad ni Sen. Leila de Lima bilang pangunahing testigo kaugnay sa sinasabing matagal nang pagkakasangkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, puro kasinungalingan ang inilako ni Matobato sa Senate hearing kamakalawa at masyadong halata na ginagamit lang siya para siraan si …
Read More »P600-M/buwan ibinulsa ng sindikato sa PCSO
MAHIGIT kalahating bilyong piso kada buwan ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at napupunta sa bulsa ng sindikato dahil sa korupsiyon. Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagsabwatan ang nakaraang administrasyon ng PCSO sa gambling lords para maging prente ng jueteng ang small town lottery (STL) at …
Read More »P171.14-B infra projects aprub kay Duterte
UMABOT sa P171.14 bilyong halaga ng mga proyekto ang inaprobahan sa unang National Economic and Development Authority (NEDA) sa ilalim ng administrasyong Duterte. “Once implemented and completed, these approved projects will help attain our medium and long-term development goals of making the agricultural sector competitive, improving mobility by making our transport system safer and more efficient, increasing disaster resiliency, and …
Read More »Energy plant inabsuwelto ng PNoy admin sa P7-B tax
UMPISA na nang paglalantad sa ‘baho’ ng administrasyong Aquino. Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaduda-dudang patakaran ng administrasyong Aquino na nagbigay pabor sa mga dambuhalang negosyante at naging dehado ang gobyerno. Tinukoy ng Pangulo ang pag-absuwelto ng administrasyong Aquino sa pagbabayad ng buwis ng isang kompanyang sangkot sa pagpapatakbo ng energy plant. Ayon kay Duterte, dapat ay may pitong …
Read More »Kaklase itinalaga ni Duterte sa JBC
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council ang kaklase niya na nagbasura sa mga kaso ng anak ni dating Communist Party of the Philippines (CPP) Gregorio “Ka Roger” Rosal. Sa transmittal letter ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ipinaalam ang nominasyon ng Pangulo kay retired Pasig Regional Trial Court …
Read More »Nur Misuari ‘sanggang-dikit’ ng Abu Sayyaf
NANATILI ang alyansa ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa 48th anniversary ng ika-250 Presidential Airlift Wing sa Villamor Air Base, Pasay City kahapon, ibinuko ni Pangulong Duterte ang direktang koneksiyon ni Misuari sa ASG. Hindi aniya makapagpasya si Misuari kung …
Read More »CPP bumilib sa posturang anti-US ni Duterte
HINANGAAN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang positibong kahalagahan ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipupursige ang independent foreign policy. Sa kalatas ng CPP, inihayag ng grupo na bagama’t bilib sila sa sinabi ni Duterte na dapat nang lumayas ang tropang Amerikano ay dapat siyang magsagawa nang kongkretong hakbang upang maipatupad ang independent foreign policy bilang kauna-unahang …
Read More »White House desmayado sa anti-US sentiment ni Duterte
HINDI masaya ang Estados Unidos sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi natatakot ang White House na magsalita at maging prangka hinggil dito. Sa press briefing sa White House kamakalawa, sinabi ni Spokesperson John Kirby, hindi niya alam kung may direktang epekto sa relasyon ng dalawang bansa ang pinagsasasabi ni Duterte laban sa Amerika. “I’m not aware that …
Read More »Armas bibilhin sa China, Russia (Para sa modernisasyon ng AFP)
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mamili ng armas sa Russia at China dahil sa naturang mga bansa ay “no strings attached” at transparent ang transaksiyon. “Sabi ko there are countries that offered us so many sabi nila mamili ka lang doon, I’d like to tell you some of our guys there, you can also …
Read More »Yankees go home (Sibilyan o US troops) — Duterte
PINALALAYAS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Amerikano sa Mindanao, kasama ang US troops, upang ‘patayin’ ang negosyong kidnap-for-ransom ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Sa kanyang talum-pati sa mass oathtaking sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, si-nabi ni Pangulong Duterte, hindi lang niya nasabi kay US President Barack Obama sa East Asia Summit sa Laos, na kailangan …
Read More »Duterte ‘di makikialam sa desisyon ni Widodo (Sa Veloso case)
HINDI makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa ano man magiging pasya nI Indonesian President Joko Widodo sa magiging kapalaran ni Filipina drug convict Mary Jane Velosp. “Follow your own laws. I will not interfere,” ani Pangulong Duterte kay Widodo ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella. Giit ni Abella, walang direktang pahayag si Pangulong Duterte kay Widodo na ituloy ang pagbitay …
Read More »B-day message kay FM sa Official Gazette inulan ng batikos
HUMINGI ng paumanhin ang Palasyo sa publiko dahil tinadtad ng netizens ang birthday message sa Official Gazette ng pamahalaan sa paggunita sa ika-99 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Binago na ng Presidential Communications Office ang nag-viral na birthday card post sa gov.ph na umani ng negatibong reaksiyon na nagsasaad na bumaba sa puwesto si Marcos upang maiwasan ang pagdanak …
Read More »Istayl ni Digong may hugot sa history (Galit sa imperyalistang mananakop)
HINDI de-kahon ang estilo ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t kailangang unawain ng media na ang kanyang mga pahayag at patakaran ay nakabase sa perspektiba ng kasaysayan. “Hindi siya ganoon, he works out of the box, you know. You know, like who am I? I’m his press secretary, and I can tell him this and that, e paano kung sasabihin sa …
Read More »May panahon ng pagtutuos – Duterte (Banta sa terorista)
TINIYAK kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabayaran ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inihahasik nilang karahasan, lalo na ang pambobomba sa Davao City night market kamakailan, ngunit tumanggi ang Punong Ehekutibo na idetalye ang susunod na mga hakbang ng mga awtoridad kontra-terorismo. “Oh, we’re pursuing leads. Too early to be talking about it. I said do not ask me …
Read More »HR violations ng US mas marami (Walang karapatang pumuna)
IPINAGMALAKI ng Palasyo ang pinakamahalagang mensaheng naiparating ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa ASEAN summit sa Laos ay naipamukha sa US na walang karapatan ang Amerika na pumuna sa isyu ng human rights dahil maraming paglabag sa aspektong ito ang Estados Unidos. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, may sariling independent foreign policy ang Filipinas na sinusunod at …
Read More »Duterte sa world leaders: walang puwedeng manghimasok sa PH
IPINAGMALAKI ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, malinaw niyang naiparating ang mensahe sa world leaders sa ASEAN Summit sa Laos na walang bansa na puwedeng manghimasok sa Filipinas. Ipupursige aniya ng kanyang administrasyon ang isang independent foreign policy, isusulong ang tamang kaisipan hinggil sa soberanya, walang puwedeng makialam ngunit sa mapayapang paraan reresolbahin ang mga tunggalian upang mapagsilbihan nang todo ang sambayanang …
Read More »Saludo sa media si Tatay Digong
SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng media na araw-araw na tagapagtala ng kasaysayan ng Filipinas. Sa press briefing sa Davao City International Airport nang dumating mula sa 28th at 29th ASEAN summit sa Laos at state visit sa Indonesia, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag , lalo na ang cameramen na naghahatid nang totoo at tamang impormasyon …
Read More »Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak siya nang malamang wala na ang dalawa sa triplet na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Sinabi ng Pangulo, may tumawag sa kanya habang nasa ASEAN Summit para ibalita ang sinapit ng kanyang mga apo ngunit nasa lobby siya ng National Convention Center sa Vientiane, Laos kaya agad siyang …
Read More »Banta sa kriminal ‘di labag sa batas — Digong
HINDI labag sa batas na pagbantaan ang mga kriminal at kung ano man ang mangyari sa kanila ay hiwalay na usapin, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press briefing sa Davao City International Airport makaraan ang kanyang arrival speech, bilang Punong Ehekutibo at abogado ay may karapatan siyang pagbantaan ang mga kriminal. “It is never wrong, I …
Read More »Tiwaling gov’t officials ipatatapon sa Mindanao (Banta ni Duterte)
IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan. Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Nakasentro ang lakas ng …
Read More »Obama, Ban natameme kay Duterte (Sa isyu ng human rights)
HINDI nakapalag ang world leaders, kasama sina US President Barack Obama at UN Secretary-general Ban Ki Moon nang ipamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang habas na pamamaslang ng tropang Amerikano sa mga Filipino noong Fil-Am War. Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Indonesia kahapon, sinabi ni Duterte na sinamantala niya na nakaharap sina Obama at Ban sa ASEAN-East …
Read More »US military arms aksaya sa pera
AKSAYA sa pera ng bayan ang pagbili ng mga armas pandigma sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na bagama’t nagpapasalamat siya sa pagiging galante ng US sa Filipinas ngunit hindi magagamit nang maayos ng bansa ang mga biniling military equipment sa Amerika dahil kulang ito. Inihalimbawa ng Pangulo ang ibinentang dalawang F50-A ng Amerika na hindi …
Read More »Malacañang reporters ‘kinoryente’ ng EIC ng PND
INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang acting editor-in-chief ng Presidential News Desk (PND) dahil sa isinulat na ‘koryenteng’ press release kaugnay sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa Laos. Nabatid sa tanggapan ni Communications Undersecretary Atty. Enrique Tandan III, pinagpapaliwanag si acting editor-in-chief Liza Ago-ot bunsod sa ginawa ni-yang kalatas kamakalawa na magiging magkatabi sa upuan sa ASEAN gala dinner sina …
Read More »US-PH BFF pa rin — Obama (Digong kabisado na ni Barack)
SUBOK na matibay at matatag ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ‘madugong pakikialam’ ni Uncle Sam sa ibang mga bansa. Sa kanyang press briefing sa Joint Leaders Regional Comprehensive Economic Partnership sa Laos, sinabi ni US President Barack Obama, nagkamayan sila ni Duterte kamakalawa ng gabi at nag-usap …
Read More »Duterte rockstar sa ASEAN
MISTULANG rock star na pinagkaguluhan ng mga dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-unahan sila para makipag-selfie sa Punong Ehekutibo ng Filipinas. Sa press briefing kahapon sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagulat sila nang makita kung gaano kapopular si Pangulong Duterte sa mga dumalong leader at delegado sa ASEAN Summit …
Read More »