Thursday , July 25 2024

P28.8-M tinangay ng ghost employees sa PCOO ni PNoy

MARAMING dapat ipaliwanag ang communications group ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Base sa nakalap na impormasyon ng Hataw, milyon-milyong pisong pondo ng gobyerno ang sinasabing nakamal ng isang dating mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at isang kaanak ni dating Presidente Aquino na ipinasuweldo sa “ghost employees” ng Palasyo.

Ayon sa source, may ikinasang media project ang PCOO na ipinasa sa isang private firm na ang trabaho ay i-coordinate ang pagpapakalat ng mensahe sa publiko gamit ang state media outlets, gaya ng PTV4, Philippine Information Agency (PIA), Radyo ng Bayan, Philippine News Agency (PNA), at IBC-13.

Bahagi  ng trabaho nila ang news monitoring, analysis, research, at magpanukala ng kaukulang communications plan at bumili ang gobyerno ng information management system (IMS) at sariling server na nagkakahalaga ng P2 milyon na inilagay  sa tanggapan ng Media ng Bayan Operations Center (MnB OpCen).

Kumuha  ng mga dag-dag na kawani para sa monitoring ng balita, researchers, analysts, computer programmers para imantina ang server at database.

“Gumawa pa ng mala-king IMS program na may programmer at database managers. Siyempre government-owned dapat ang database at IMS program at kasama sa itu-turn-over sa gobyerno ni Duterte pagtapos ng administras-yong Aquino,” anang source.

Sinasabing hindi  kasama sa turn-over sa admi-nistrasyong Duterte ang database at IMS program dahil napunta sa bahay ng private firm na inupahan ng PCOO.

Nabuko rin na tumanggap ng sahod na P40,000 kada buwan mula pa noong nakaraang taon ang 10 ghost employees na hindi kailanman nakita sa tanggapan ng OpCen.

“Napunta sa isang office sa Parañaque na pagmamay-ari ng isang may alyas na Ratala ang database at IMS na binili ng PCOO.

Malapit kay Maria ang isang Alan na may-ari ng Ratala at ang sampung kawani nito’y gob-yerno ang nagpasuweldo. Suki ni Maria ang kom-panya ni Alan sa kanyang media projects” sabi ng source.

Sangkot din umano sa alingasngas ang isang undersecretary at assistant secretary sa PNoy admin at isang mataas na opis-yal ng PIA, pati na ang kadugo ng dating Pangulo.

“Ang puno’t dulo niyan ay si Maria. Hinuhuthutan nila ng pondo ang PCOO para kabigin sa mga project at opisina nila katulad ng EDSA People Power Commission at Gawad Kalinga,” giit ng source.

Panawagan ng source,  isailalim sa special audit ang pondo ng PCOO sa nakalipas na anim na taon dahil puwedeng may malaking ano-malya na matisod ang state auditors.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *