IPINAGMALAKI ng Palasyo ang pinakamahalagang mensaheng naiparating ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa ASEAN summit sa Laos ay naipamukha sa US na walang karapatan ang Amerika na pumuna sa isyu ng human rights dahil maraming paglabag sa aspektong ito ang Estados Unidos. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, may sariling independent foreign policy ang Filipinas na sinusunod at …
Read More »Duterte sa world leaders: walang puwedeng manghimasok sa PH
IPINAGMALAKI ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, malinaw niyang naiparating ang mensahe sa world leaders sa ASEAN Summit sa Laos na walang bansa na puwedeng manghimasok sa Filipinas. Ipupursige aniya ng kanyang administrasyon ang isang independent foreign policy, isusulong ang tamang kaisipan hinggil sa soberanya, walang puwedeng makialam ngunit sa mapayapang paraan reresolbahin ang mga tunggalian upang mapagsilbihan nang todo ang sambayanang …
Read More »Saludo sa media si Tatay Digong
SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng media na araw-araw na tagapagtala ng kasaysayan ng Filipinas. Sa press briefing sa Davao City International Airport nang dumating mula sa 28th at 29th ASEAN summit sa Laos at state visit sa Indonesia, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag , lalo na ang cameramen na naghahatid nang totoo at tamang impormasyon …
Read More »Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak siya nang malamang wala na ang dalawa sa triplet na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Sinabi ng Pangulo, may tumawag sa kanya habang nasa ASEAN Summit para ibalita ang sinapit ng kanyang mga apo ngunit nasa lobby siya ng National Convention Center sa Vientiane, Laos kaya agad siyang …
Read More »Banta sa kriminal ‘di labag sa batas — Digong
HINDI labag sa batas na pagbantaan ang mga kriminal at kung ano man ang mangyari sa kanila ay hiwalay na usapin, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press briefing sa Davao City International Airport makaraan ang kanyang arrival speech, bilang Punong Ehekutibo at abogado ay may karapatan siyang pagbantaan ang mga kriminal. “It is never wrong, I …
Read More »Tiwaling gov’t officials ipatatapon sa Mindanao (Banta ni Duterte)
IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan. Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Nakasentro ang lakas ng …
Read More »Obama, Ban natameme kay Duterte (Sa isyu ng human rights)
HINDI nakapalag ang world leaders, kasama sina US President Barack Obama at UN Secretary-general Ban Ki Moon nang ipamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang habas na pamamaslang ng tropang Amerikano sa mga Filipino noong Fil-Am War. Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Indonesia kahapon, sinabi ni Duterte na sinamantala niya na nakaharap sina Obama at Ban sa ASEAN-East …
Read More »US military arms aksaya sa pera
AKSAYA sa pera ng bayan ang pagbili ng mga armas pandigma sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na bagama’t nagpapasalamat siya sa pagiging galante ng US sa Filipinas ngunit hindi magagamit nang maayos ng bansa ang mga biniling military equipment sa Amerika dahil kulang ito. Inihalimbawa ng Pangulo ang ibinentang dalawang F50-A ng Amerika na hindi …
Read More »Malacañang reporters ‘kinoryente’ ng EIC ng PND
INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang acting editor-in-chief ng Presidential News Desk (PND) dahil sa isinulat na ‘koryenteng’ press release kaugnay sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa Laos. Nabatid sa tanggapan ni Communications Undersecretary Atty. Enrique Tandan III, pinagpapaliwanag si acting editor-in-chief Liza Ago-ot bunsod sa ginawa ni-yang kalatas kamakalawa na magiging magkatabi sa upuan sa ASEAN gala dinner sina …
Read More »US-PH BFF pa rin — Obama (Digong kabisado na ni Barack)
SUBOK na matibay at matatag ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ‘madugong pakikialam’ ni Uncle Sam sa ibang mga bansa. Sa kanyang press briefing sa Joint Leaders Regional Comprehensive Economic Partnership sa Laos, sinabi ni US President Barack Obama, nagkamayan sila ni Duterte kamakalawa ng gabi at nag-usap …
Read More »Duterte rockstar sa ASEAN
MISTULANG rock star na pinagkaguluhan ng mga dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-unahan sila para makipag-selfie sa Punong Ehekutibo ng Filipinas. Sa press briefing kahapon sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagulat sila nang makita kung gaano kapopular si Pangulong Duterte sa mga dumalong leader at delegado sa ASEAN Summit …
Read More »Digong sa China: We are watching you
WE are watching you. Ito ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China nang ipamahagi sa media ang mga larawan ng Chinese ships malapit sa Scarborough o Panatag Shoal, isa sa inaangking mga teritoryo ng Beijing sa South China Sea. Sa press briefing sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, binigyan ng go-signal ni Pangulong Duterte ang …
Read More »Abu sayyaf kakainin nang hilaw ni Digong (Sisingilin sa Davao bombing)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang kilawin ang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para makapaghiganti sa inihahasik na karahasan sa bansa. “Alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko ‘yang katawan mo, bigyan mo ako, suka’t asin, kakainin kita. Oo, totoo. You, pagalitin mo akong talagang sasagad na, kaya kong kumain ng tao …
Read More »Sagot sa reporter ‘di personal attack kay Obama (Anti-US statement)
HINDI personal attack kay US President Baral Obama ang maaanghang na salitang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika na nagresulta sa kanselas-yon ng bilateral meeting ng dalawang pangulo. Sa kalatas na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media bago magsimula ang ASEAN Leaders’ Summit sa Vientiane, Laos, sinabi niyang walang interes si Pangulong Duterte na personal na …
Read More »Duterte bibisita sa Japan
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Prime Minister Shinzo Abe na bumisita siya sa Japan, sa kanilang bilateral meeting sa sideline ng 28th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon. Binigyan-diin ni Duterte, ang Japan ay “old friend and pre-eminent partner” ng Filipinas. “Japan is an old friend and a pre-eminent partner of the Philippines. The two countries are …
Read More »Sept. 12 Eid’l Adha regular holiday
IDINEKLARA ng Malacañang na isang regular holiday ang Setyembre 12, araw ng Lunes. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 56, nagdedeklarang holiday ang Setyembre 12, bago tumulak ng Laos para dumalo sa ASEAN Summit kamakalawa. Ito ay bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang Eid’l Adha ay ikalawang …
Read More »Galit sa US, lap dogs inilabas ni Digong
HINDI ako tuta ng Amerika. Ito ang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press briefing kahapon sa Davao International Airport bago siya tumulak patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Inaasahan na isa sa makahaharap ni Duterte sa bilateral talks si US President Barack Obama sa sideline ng ASEAN Summit. Sinabi ni Duterte, wala siyang pakialam kay Obama at hindi …
Read More »SLV nilagdaan ni Duterte (Sa bisperas ng ASEAN Summit)
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation on State of National Emergency on Account of Lawless violence bago siya umalis patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Sa press briefing sa Palasyo kagabi, sinabi ni Communications Assistant Secretary Kris Ablan, ang natu-rang proklamasyon ay alinsunod sa kapangyarihan ng isang Punong Ehekutibo base sa 1987 Constitution. Aniya, layunin nito na sugpuin …
Read More »Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina. Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya …
Read More »Palasyo sa publiko: ‘Wag matakot pero mag-ingat, magmatyag
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na huwag pagapi sa takot sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) bagkus ay mamuhay nang normal ngunit maging maingat at mapagmatyag. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, seryoso ang administrasyong Duterte sa pagsusulong ng giyera kontra illegal drugs at terorismo kaya’t inaasahang gaganti sila sa paghahasik ng karahasan. “It is apparent that terrorism and …
Read More »Tulong ng MILF/MNLF ‘di kailangan – Digong (Sa giyera vs ASG)
WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpasaklolo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) para durugin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, may sapat na kakayahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para labanan ang ASG lalo na’t idineklara ni Pangulong Duterte …
Read More »Medialdea PH caretaker habang wala si Duterte
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker officer ng bansa habang nasa Laos siya para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo. “Matutuloy po ang paglipad namin sa Laos kasama po ang ating Pangulong Duterte bukas. Tapos ang magiging caretaker officer po ng ating Pangulo habang nasa ibang bansa ay …
Read More »15 patay, 80 sugatan sa Davao City bombing (State of lawless violence idineklara)
DAVAO CITY – Pumalo na sa 15 katao ang namatay sa pagsabog sa Roxas Street sa bahagi ng night market sa Davao City kamakalawa ng gabi. Sinabi ni Davao PNP Regional Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, bukod sa mga namatay, nasa 80 ang naitalang sugatan sa insidente. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang improvised explosive devised ang ginamit …
Read More »Maging kalmado pero alerto (Palasyo sa publiko)
PINAKAKALMA ng Malacañang ang publiko kasunod nang nangyaring pagsabog sa Davao City night market nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikaalarma ngunit mabuti na ring mag-ingat at maging alerto. “An explosion of still unverified cause occurred at the Davao night market resulting in the death of at least 10 persons and around 60 people …
Read More »EJKs resulta nang paglabag sa Omerta
KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na itinutumba ng mga galamay ng drug syndicates hindi lang ang mga karibal na sindikato, kundi maging sarili nilang mga tauhan na ikinanta sa awtoridad ang kanilang operasyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 18th founding anniversary ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kamakalawa ng gabi, sinadya ng kanyang gobyerno na …
Read More »