Saturday , May 10 2025

Rose Novenario

Paglaya ng political prisoners tuparin (Hamon ng CPP kay Digong)

HINAMON ng Communist Party of the Philippines (CPP) si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangakong palayain ang lahat ng bilanggong politikal bago matapos ang taon. Sa kalatas, inihayag ng CPP na masidhi ang pagnanasa ng rebolusyonaryong puwersa na bumuo ng patriotikong alyansa sa rehimeng Duterte na mahalaga sa pagpapatibay ng postura nitong anti-US. “It will further boost the Duterte …

Read More »

Agenda ng militante tablado sa economic managers ni Digong (Moratorium sa land conversion, across the board wage hike)

neda infrastructure

MAHIGIT tatlong buwan pa lamang ang administrasyong Duterte, lumulutang na ang umpugan ng interes ng mga miyembro ng gabinete na binubuo ng mga progresibo o maka-kaliwa at mga negosyante’t malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Ernesto Pernia sa Philippine Chamber of Commerce Inc. (PCCI) Philippine Business Conference and Expo …

Read More »

‘Lumpen’ magiging produktibo sa drug war ni Digong

NAIS ng Palasyo na maging produktibong mamamayan ang mga tinaguriang “lumpen proletariat” kapag lumabas na sila sa rehabilitation center ng gobyerno alinsunod sa ikalawang yugto ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte. Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Assistant Secretary of the Secretary to the Cabinet Jonas George Soriano, ikinakasa na ang rehabilitation program para sa drug dependents …

Read More »

UN inimbitahan sa EJK probe sa PH

KINOMPIRMA ng Palasyo na naipadala na ang imbitasyon kay United Nations rapporteur Agnes Callamard para bumisita sa bansa at mag-imbestiga sa mga insidente ng patayan bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte. “Executive Secretary Salvador Medialdea said the Palace has sent the invitation to the UN rapporteur Agnes Callamard and is awaiting her response,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella. …

Read More »

3,600 tserman, 6,000 pulis sa narco-list

NAGPAAWAT si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagpapalabas ng narco-list. Ayon sa Pangulo, hindi muna niya mailalabas ang narco list na nagsasangkot sa ilang indibidwal sa operasyon ng illegal drugs dahil hinihintay pa niya ang clearance na ilalabas ng national security na kasalukuyang bumubusisi sa listahan. Sinabi ng Pangulong Duterte, sa oras na bigyan na …

Read More »

Pribatisasyon ng gov’t hospital ikakansela

KAKANSELAHIN ng Malacañang ang lahat ng kontratang pinasok ng administrasyong Aquino na magsaspribado sa mga pampublikong pagamutan sa buong bansa. Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Palasyo, paninindigan ng gobyernong Duterte ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Mantsado aniya ng kaipokritohan ang administrasyong Aquino na ipinangalandakan ang slogan na nagsilbi sila sa “laylayan ng lipunan” o ang …

Read More »

Ex-solon/publisher, ret. general ‘protektor’ ni Colangco

IDINAWIT bilang ‘protektor’ ni convicted robber at murderer Herbert “Ampang” Colangco ang isang dating mambabatas at publisher ng isang tabloid; at ang kanyang bayaw na isang retired police general. Isinalaysay sa pagdinig sa Kamara ni convicted kidnapper Jaybee Sebastian na noong 2013 ay itinalaga ng Bureau of Corrections si Colangco bilang overall spokesperson ng Maximum Security Compound sa (NBP). Sa …

Read More »

P2-M kada ulo ng ninja cops (Pangako ni Duterte)

PAGTATAKSIL sa bayan ang pagre-recycle ng shabu ng mga pulis o ang pagiging  ninja cop. Sa kanyang talumpati kahapon sa pagbisita sa Camp Col. Romeo Abendan sa Mercedes, Zamboanga City, nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyon sa bawat ninja cop na mahuhuli ng mga pulis dahil maituturing na treason ang ginagawa ng naturang pulis na imbes magpatupad ng …

Read More »

Peace talk sa reds positibo sa EU

Duterte CPP-NPA-NDF

UMAASA ang European Union (EU) na maseselyohan na ang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Duterte at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bago matapos ang 2016. Sinabi ni EU Ambassador Franz Jessen sa kanyang open letter sa Facebook website, kahit sa nakalipas na 100 araw ay tinadtad ng batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU, United Nations, …

Read More »

Rights concern dalhin sa tama at ukol na forum

SA kabila ng mga paalala ng mga kaalyado at bantang pagbawi sa foreign assistance, muling nagpakawala nang maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US, United Nations (UN) at European Union (EU). Sinabi ni Pangulong Duterte, akala mo kung sino, lalo na ang US, na makapag-lecture kaugnay sa human rights. Ayon kay Pangulong Duterte, dapat dalhin sa tamang …

Read More »

Duterte very satisfactory sa militante

VERY satisfactory o gradong 8 ang ibinigay ng mga militanteng grupo sa Southern Mindanao sa  unang 100 araw ng administrasyong Duterte. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Southern Mindanao Region  (Bayan-SMR), pa-sado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi-litanteng grupo sa Davao City kung pag-uusapan ang mga nasimulang gawin, ginagawa at gagawin pa. Ngayong ika-100 araw ng Pangulo sa Palasyo, binigyan ni …

Read More »

Leni atat sa foreign aid (Next generations balewala) — Digong

ATAT sa foreign aid si Vice President Leni Robredo at walang pakialam kung sisirain ng illegal drugs ang susunod na henerasyon ng mga Filipino. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Rafael Rodriguez sa Butuan City kagabi. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya, mas gugustuhin niyang alipustahin ng mga kumokontra sa kanyang drug war, manindigan sa dignidad ng …

Read More »

100 days satisfaction rating ibinida ng Palasyo

IBINIDA ng Malacañang ang nakuhang 64 porsiyentong net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw sa puwesto. Ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay isinagawa sa pagitan ng September 24 at 27 sa 1,200 respondents sa buong bansa. Isinagawa ang survey sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte sa international organizations gaya ng …

Read More »

First 100 days ni Digong aprub sa think-tank ni FVR

BUKOD-TANGI ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang 100 araw na panunungkulan sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo ay naimbitahan si dating National Security Adviser Jose Almonte, sinabi niyang bilib siya sa mga hakbang ng Pangulo sa tatlong pangunahing problemang kinakaharap ng Filipinas na ilang dekada nang tinutugunan ngayon. Inihalimbawa niya ang internal problem na tinaguriang …

Read More »

US tiklop sa banta ni Duterte sa EDCA (I will break-up with America – Digong)

NABAHAG ang buntot ng Estados Unidos makaraan ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na puputulin niya ang ugnayan ng Filipinas sa Amerika dahil sa pakikialam sa kanyang drug war. Mula sa pagbatikos ay todo-puri kahapon sina US President Barack Obama at Democrat Party presidential bet Hillary Clinton sa anila’y mahalagang papel ng mga Filipino at Filipino-Americans sa paghubog ng kasaysayan ng …

Read More »

Narco judges ibubuking sa SC

supreme court sc

BIBIGYAN ng sariling kopya ng narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Supreme Court kaugnay sa mga hukom na dawit sa illegal na droga. Ayon sa Pangulo, bahala na ang Korte Suprema na gumawa ng kaukulang hakbang ukol sa ikatlong batch ng narco list. “I think what I would just do is to send it to the Supreme Court or …

Read More »

US bitter sa talo ni Roxas (Hindi maka-move on)

“YOU can go to hell State Department, you can go to hell Obama, you can go to hell EU, you can choose purgatory, puno na ang impyerno, bakit ako matatakot sa inyo?” Ito ang buwelta kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitipon ng mga lokal na opisyal sa Dusit Hotel, Makati City kaugnay sa patuloy na pagbanat ng Amerika sa …

Read More »

Unang 100 araw ni Digong mas kapaki-pakinabang (Kaysa 6 taon ng Aquino admin)

MAS kapaki-pakinabang sa bansa ang unang 100 araw ng administrastong  Duterte kaysa anim taon ng gobyernong Aquino. Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ng mga negosyante na puno sila ng pag-asa sa mga isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee, kung noong nakaraang adminisrasyon ay …

Read More »

Western media pinopondohan ng drug money

HUWAG basta maniwala sa mga naglalabasang balita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa “US-sponsored Western media” dahil ito’y tinutustusan ng drug money. Ito ang paalala ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan. Aniya, ang black propaganda kontra administrasyon ay may bakas ng anino ng mga taksil sa bayan na tatadtarin si Duterte gaya nang ginawa …

Read More »

Magkaisa vs destab plot kay Duterte (CCP nanawagan)

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US. “The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent …

Read More »

Duterte astang Heneral Luna hindi Hitler (‘Artikulo Uno’ kontra droga at korupsiyon)

MAIKLI ang memorya ng mga Filipino sa international media at tila nalimutan na ang kamakaila’y sumikat na kabayanihan ni Heneral Antonio Luna na lumaban sa mga manlulupig na Amerikano kasabay nang pagdisiplina sa hanay ng mga rebolusyonayong Filipino. Ayon sa isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Hene-ral Luna ang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

Digong nag-sorry sa Jews (Sa Hitler remarks)

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa Nazi leader na si Adolf Hitler. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ang mga tao mismo ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya at inihalintulad pa siya kay Hitler kaya’t sinabi …

Read More »

Elitista hinimok lumahok sa drug war

HINIKAYAT ng Palasyo ang mga “elitista” na ibahagi ang mga biyaya ng de-kalidad nilang edukasyon sa pagtulong sa gobyerno na isalba ang mga maralitang pamayanan sa prehuwisyo ng ilegal na droga. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa idineklarang Black Sunday ng Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU) o ang panawagan na magsuot …

Read More »

Amerika BFF pa rin ng PH (Kahit binibira ni Digong)

NANANATILING malakas at importante ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga komentaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Uncle Sam. Ito ang tiniyak kahapon ni US Department of State Deputy Spokesperson Mark Toner sa  press briefing sa Washington DC. Sa antas aniya ng government-to-government ay patuloy ang produktibo, konstruktibo, at malapit na pagtutulungan ng US at Filipinas …

Read More »

‘Hitler’ remarks ipinaliwanag ng Palasyo (Yasay Itinanggi)

KINIKILALA ng Filipinas ang mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo na ang masaklap at mapait nilang kasaysayan. Sa kalatas ng Palasyo kahapon, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minaliit ni Pangulong Duterte ang pagbubuwis ng buhay ng anim na milyong Hudyo noong Holocaust ng World War II. Giit ni Abella, ang pagtukoy ni Pangulong Duterte sa pagkatay …

Read More »