Friday , November 22 2024

Rose Novenario

Bandilang half-mast para sa Marawi (Sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

INIUTOS ng Palasyo na ilagay sa half-mast ang watawat sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula kahapon, bilang pagluluksa sa pagkamatay ng mga sundalo’t pulis, at mga inosenteng sibil-yan sa bakbakan sa Marawi City. Hiniling ng Malacañang sa publiko, magkakaiba man ang relihiyon, na umusal ng maikling panalangin, hindi lamang para sa namatay na mga tropa ng gobyerno at inosenteng …

Read More »

US troops kasama ng AFP vs ISIS sa Marawi (Kinompirma ng Palasyo)

KINOMPIRMA ng Palasyo ang presensiya ng tropang Amerikano sa Marawi City ngunit limitado ang kanilang pag-ayuda sa aspektong teknikal sa mga operasyon ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) laban sa mga terorista. “The United States is assisting the Armed For-ces of the Philippines (AFP) in its operations in Marawi but this is limited to technical assistance,” pahayag kahapon ni …

Read More »

Pagkamatay ng 13 Marines ikinalungkot ng Palasyo

LABIS na ikinalungkot ng Palasyo ang pagkamatay ng 13 kagawad ng Philippine Marines sa paki-kipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute /ISIS  Marawi City noong Biyernes. Magiting na nakipag-hamok para sa mga kapa-tid nating Maranao ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista, ayon kay Abella. Ang insidente aniya ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno …

Read More »

Vin d’honneur sa Lunes kanselado

KINANSELA ng Palasyo ang tradisyonal na Vin d’honneur  na nakatakda sa Lunes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan ng Filipinas. Ang Vin d’honneur ay dalawang beses na pagtitipon ng matataas na opisyal ng pamahalaan at diplomatic corps sa Palasyo, na ang Pangulo ang host. Ang unang Vin d’honneur ay tuwing pagsisimula ng taon at ang ikalawa ay …

Read More »

Politikong olat financiers ng terorismo

MAY 230 politiko, karamiha’y mga talunan noong nakalipas na halalan, ang tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pag-ayuda sa Maute terrorist group. Ang pangalan ng supporters ng Maute ay nakatala sa inilabas na Arrest Order 1 at 2 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law administrator sa Mindanao. Kabilang sa Arrest Order #1 ang 24 personahe at 20 naman …

Read More »

Marawi liberation asahan sa Lunes (Vin d’honneur kanselado)

UMAASA ang gobyerno na maitataas na ang watawat ng Filipinas sa Marawi City bilang simbolo ng paglaya ng siyudad sa kamay ng mga terorista. “Rest assured, our soldiers are doing their part, they’re doing their best and are continuing on with this effort on the ground to facilitate the liberation of Marawi hopefully by Monday,” ani Armed Forces of the …

Read More »

Batas militar ipinababawi ng NDF kay Digong (Kapalit ng guerilla warfare bilang tulong vs ISIS)

NAIS ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war policy at  idineklarang  batas militar sa Mindanao bago tumulong sa operasyon ng gobyerno kontra Maute/ Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). “To accomplish ceasefire, coordination and cooperation between the forces of the GRP and the NDFP within Marawi against the aforesaid …

Read More »

Ayon kay Duterte: Corrupt ideology pinayagan ng Maranao sa Marawi City

Duterte Marcos Martial Law

PINAYAGAN ng mga Maranao ang “corrupt ideology” na pumasok sa Marawi City kaya kinubkob ng mga teroristang grupong Maute/ISIS ang kanilang siyudad. “Maranaos allowed corrupt ideology to enter Marawi,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa kampo militar sa Sultan Kudarat kahapon. Binigyan-diin ng Pangulo, drug money ang nagpondo sa mga teroristang grupo sa Mindanao at ang kalakarang …

Read More »

Pakiusap sa netizens: Propaganda ng terorista biguin — Palasyo

DAPAT kolektibong kondenahin at biguin ng mga Filipino bilang isang bansa, ang kasamaan at pagsusumikap ng lahat ng armadong grupong sirain ang Filipinas. Ito ang panawagan ni AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa netizens na ibinabahagi ang mga propaganda ng mga terorista sa social media. “Kaya nga po bilang isang Filipino, bilang isang bansang Filipino, we must collectively condemn. We …

Read More »

Problema mula sikmura hanggang ‘puson’ ng sundalo sagot ni Digong (One call away sa calling card)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na “one call away” lang siya para saklolohan ang kanilang mga problema mula sikmura hanggang puson. Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Leono, sa Brgy. Kalandagan sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ipinamahagi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo ang kanyang calling card upang mabilis siyang matawagan kapag kailangan ng tulong. “For …

Read More »

Balik-eskuwela ng 20K estudyante naunsiyami sa bakbakan (Sa Marawi City)

HINIMOK ng Palasyo ang 20,000 estudyanteng mula sa Marawi City, na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit nasa ibang lugar na sila dahil posibleng magtagal ang pagbabalik sa normal na sitwasyon sa siyudad. Ginawa ni Education Secretary Leonor Briones ang panawagan bunsod ng ulat na 1,391 Marawi students lamang ang nakapag-enrol sa mga lugar sa labas ng siyudad. Nagpayo umano si …

Read More »

Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa

TINIYAK ng Malacañang, nakahanda ang pamahalaan na ayudahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar sakaling maapektohan sila ng tensiyon sa Gitnang Silangan. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng magkaroon ng epekto sa OFWs ang pagputol ng diplomatikong ugnayan ng Saudi Arabia, UAE, Egypt, Bahrain sa Qatar kaya tinututukan ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan ang sitwasyon at ikinasa …

Read More »

Military junta ‘maluwag’ na ibibigay ni Digong (Kudeta ‘di kailangan)

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto at ipasa ang po-der sa ikinasang “military junta” sakaling madesmaya ang mga sundalo sa kanyang liderato. “Hindi na kailangan kayong mag-coup d’état-coup d’état. Dagdagan ko lang ng opisyal ‘yung iba, e ‘di kayo na, inyo na. Kompleto na,” sabi ng Pangulo sa pagbisita sa mga sundalo sa Brigadier General Benito N. …

Read More »

Mosque at ospital bobombahin (Kapag pinagkutaan ng terorista)

HINDI mangingimi ang tropa ng pamahalaan na bombahin kahit ang Mosque kapag doon nagtago ang hinahabol na mga terorista sa Marawi City. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press brifieng sa Palasyo kahapon. “There are provisions, may exception ‘yun maski sinong taong armado na nag-harbor sa isang lugar maging …

Read More »

Ulo ng Maute, ISIS ‘hiniling’ ni Duterte

PATAYIN na ninyo lahat ng hawak ninyo hindi ako makikipag-usap sa inyo. Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagdedeklara na hindi na siya makikipag-negosasyon sa Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) dahil kamatayan ang katapat ng terorismong inilunsad nila sa Marawi City. “I will not negotiate. Wala akong pakialam kung anong gawain ninyo ngayon diyan. You do …

Read More »

Trump sinopla ng Palasyo (Umepal sa Casino tragedy)

SINUPALPAL ng Palasyo si United States (US) President Donald Trump sa mabilis na pagdedeklara na pag-atake ng terorista ang naganap sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City. Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Trump ang pakikiramay sa mga Filipino sa pag-atake ng terorista sa Resorts World, kahit wala pang lumalabas na inisyal na resulta ng imbestigasyon mula …

Read More »

AFP nabulag sa pagpaslang ng Maute sa intel officer

AMINADO si Lorenzana na ‘nabulag’ ang AFP sa galaw ng Maute sa Marawi nang paslangin ng mga terorista si Major Jerico Mangalus, ang intelligence officer na may malalim na kontak sa teroristang grupo. Inilaglag aniya ng mismong asset si Mangalus kaya tinambangan ng Maute members noong nakaraang Pebrero. Mula noon aniya ay nahirapan na ang militar na makakuha muli ng …

Read More »

8 dayuhang Jihadists patay sa military (ISIS umatake sa Marawi)

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod nang pag-atake sa Marawi City. “Alam mo iyong rebellion ngayon sa Minda-nao, it’s not Maute, it’s purely ISIS with different brands kasi sila ang nag-umpisa. Actually, iyang Maute brothers went to Libya and another one,” aniya sa talumpati sa mass oath taking sa Palasyo …

Read More »

NDFP peace panel diretso sa hoyo (Pagbalik sa PH)

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang lahat ng bumubuo ng peace panel ng komunistang grupo pagbalik sa bansa mula sa The Netherlands. Nanawagan ang Pangulo sa mga leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP), na huwag magtangkang umuwi sa Filipinas dahil ipabibilanggo niya lahat kahit ang matatatanda na. “I am …

Read More »

Duterte inuurot sa giyera vs China (Noynoy, Carpio sugo ng gulo)

GUSTONG isoga sa giyera si Pangulong Rodrigo Duterte gayong sina dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pumayag na dumami ang mga ipinatayong estruktura ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, panay ang daldal ni Carpio laban sa kanyang hindi paggigiit sa arbitral tribunal ruling na pabor sa …

Read More »

ISIS kay Nobleza nagpapadala ng pondo sa PH

TINANGGAP ng isang lady police colonel ang malaking halagang ipinadala ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa mga teroristang grupo sa Filipinas. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, lumabas sa imbestigasyon, kay PNP Supt. Cristina Nobleza ipinadala ang malaking pondo ng ISIS para sa …

Read More »

Duterte niresbakan si Chealsea: “Where were you when your father was f****ng Lewinsky?”

BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ni talunang US presidential bet Hillary Clinton na si Chelsea, sa pagbatikos sa kanyang mapang-uyam na pahayag hinggil sa rape. Sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersasryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, inilabas ni Pangulong Duterte ang ngitngit kay Chelsea na tinawag siyang “murderous thug” sa isang Tweet noong Sabado …

Read More »

Palasyo sa terorista: Sumuko na kayo

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga teroristang nagkukuta pa rin sa Marawi City, na sumuko na habang may natitira pang oportunidad. “We call on the remaining terrorists to surrender while there is an opportunity,” sabi ni Pre-sidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon. Nais aniya ng Palasyo na sumurender ang mga terorista upang mabawasan ang pinsala at naapektohang …

Read More »