Friday , November 22 2024

Rose Novenario

Pinoys ‘wag maging makasarili — Duterte (Sa 34th death anniv ni Ninoy)

DAPAT maging aral sa mga Filipino ang mga ginawa ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., laging unahin ang kapakanan ng nakararami kapag ito ang kailangan ng sitwasyon kahit maging katumbas ng panganib sa ating buhay. Sa kanyang mensahe sa ika-34 anibersaryo ng pagpatay kay Aquino, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kasaysayan ang testigo kung paano ang trabaho ng …

Read More »

Palasyo nakiramay, atake sa Barcelona kinondena

NAKIRAMAY ang Palasyo sa mga biktima nang pag-atake ng isang van sa Barcelona, Spain na ikinamatay ng 13 katao at ikinasugat nang mahigit 100 iba pa. “Our hearts and prayers go out to the families and loved ones of the innocent victims who pe-rished and those who got injured in Barcelona,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon. Nakikiisa aniya …

Read More »

Babala ni Duterte sa AFP at PNP: Maging handa vs NPA

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar sa pagiging aktibong muli ng New People’s Army (NPA). Ayon sa Pangulo, kailangan baguhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang doktrina bilang paghahanda kontra mga rebelde. “Be careful with the NPAs also. They are very active,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon. “Sabi …

Read More »

Shoot-to-kill sa narco-cops (P2-M reward sa tipster); Kahit kaalyado ‘di patatawarin

DALAWANG milyong pisong pabuya ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino man ang makapagbibigay ng impormasyon sa aktibidad ng pulis na sangkot sa droga. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon, P2 milyon ang patong sa ulo ng bawat narco-policeman at kapag nakompirma ang impormasyon kaugnay sa illegal activities niya ay bigla na lang …

Read More »

Narco-judges isusunod na — Digong (32 itinumba sa Bulacan ikinatuwa)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod na sa drug war ng kanyang administrasyon ang “narco-judges” o ang mga hukom na sangkot sa illegal drugs. “Dito may judges, inihuli ko sa listahan para huli silang patayin,” ani Duterte habang hawak ang updated narco list at itinuturo ang mga pangalan ng mga husgadong pasok sa illegal drugs. Grabe aniya ang “injustice” …

Read More »

AFP ‘berdugo’ ng manok

HINDI lang kaaway ng estado ang obligasyong ‘likidahin’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kundi maging mga manok na may sakit na avian influenza o bird flu. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag kinakailangan ng sitwasyon ay magpapadala ng mga tauhan ang AFP upang kumatay ng mga manok na may bird flu dahil hindi ito maituturing na maliit …

Read More »

Paglobo ng HIV/AIDS sa PH isinisi ni Aiza sa gov’t

NANINIWALA si National Youth Commission (NYC) chairperson Aiza Seguerra, lolobo ang kaso ng may HIV/AIDS sa Filipinas dahil hindi ganap ang suporta ng pamahalaan para labanan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. “Kahit ano pong gawin naming seminar, kahit ano pong gawin namin na… kahit anong gawin namin, if we cannot get the full support of the government, of everyone, tataas …

Read More »

Suspensiyon sa Uber aprub sa Palasyo

SUPORTADO ng Palasyo ang pasya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin nang isang buwan ang Uber Transport Systems, isang transport network company, sa kabila ng pagtutol ng commuters. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat kagyat na lutasin ng Uber at LTFRB ang kanilang problema upang hindi maapektohan nang husto ang mga pasahero. “We will leave …

Read More »

Impeach raps vs komolek na Comelec chief aprub kay Duterte

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang hakbang, maging ang pagsasampa ng kasong impeachment, na magpupurga sa burukrasya at wawalis sa korupsiyon. “Without making references to any particular individual, the President, of course, is highly supportive of all moves that will set the house, the Philippine government in order,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin ng media …

Read More »

Maute hostages gagamiting suicide bombers (Kinondena ng Palasyo)

MARIING kinondena ng Palasyo ang desperadong hakbang ng teroristang Maute Group na gamitin ang kanilang mga bihag bilang suicide bombers kapag nakorner ng mga tropa ng pamahalaan sa kanilang kuta sa Marawi City. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakatanggap ng ulat ang Malacañang mula sa mga nakatakas na hostage na binabalak ng mga terorista na gawing suicide bombers ang …

Read More »

Panawagan ng Palasyo: Maging kalmado sa bantang atake ng NoKor sa US

NANAWAGAN ang Palasyo na maging mahinahon sa harap ng bantang pag-atake ng North Korea. “The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella. Tinututukan aniya ng Philippine Embassy sa Seoul at ang Consulate …

Read More »

Banta ng DDS netizen sa reporter inalmahan ng PTFMS

PUMALAG si Presidential Task Force on Media Security chief Joel Egco sa pagbabanta ng isang netizen na umano’y Duterte Diehard Supporter (DDS) sa isang TV reporter sa isyu ng accreditation ng Palasyo sa bloggers para makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sa post sa Facebook, nagbabala si Egco kay Guillermo Alciso na pananagutin kapag may masamang nangyari …

Read More »

Info for sale vs NPA aprub sa AFP

NPA gun

PINABORAN ng Armed Forces of the Philippines ang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros na mag-alok ng pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay daan sa pagdakip o neutralisas-yon ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, “welcome” sa militar ang inisyatiba ng Negros provincial go-vernment na …

Read More »

30,000 Marawi bakwit may war shock

HINDI nababahala ang Palasyo sa ulat na may 30,000 bakwit ang may war shock bunsod ng trauma na idinulot ng krisis sa Marawi. Sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima ng Office of Civil Defense, walang dapat ikalaarma sa report na may umiiral na “mental crisis” sa mga bakwit dahil tinutugunan ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakatutok …

Read More »

Ayon kay Lorenzana: Martial law scenario sa PH ikinakasa ng CPP-NPA

IKINOKONDISYON ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang isipan ng publiko sa mga ilulunsad nilang mga ‘aktibidad’ bilang ganti sa pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyong pangkapayapaan sa kanilang hanay. Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakababahala ang isiniwalat ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison, na may sabwatan ang Central Intelligence Agency (CIA) at Armed …

Read More »

P2-M kada police hitman ng Parojinogs (Dead or alive may pabuya si Digong)

duterte gun

DALAWANG milyong pisong pabuya ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino mang makapagtuturo sa bawat pulis na sangkot sa Ozamis mass killings na kagagawan ng pamilya Parojinog. “P2 million per head, dead or alive. Better dead because I have to pay for the funeral parlor expense,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 116th Police Service Anniversary sa …

Read More »

Convicted drug lords itutumba (Drug trade ‘pag tuloy sa Bilibid) — Duterte

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung maulit ang insidente ng pagpaslang ng mga pulis kay Albuera City Mayor Rolando Espinosa sa loob ng bilangguan. Ayon kay Pangulong Rodrigo, ipinagpapatuloy ng mga sentensiyadong kriminal ang drug trade kahit nasa Bilibid kaya ang utos niya sa mga pulis, barilin sila kapag nagpakita ng kahit katiting na paglaban kapag sinita nila. “It’s …

Read More »

Joint strike ng PH-US vs ISIS nega sa Duterte Tillerson meet

HINDI pinag-usapan ang paglulunsad ng joint US-PH air strike sa Marawi City nang magharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of State Rex Tillerson sa Palasyo, kamakalawa ng gabi. Kinompirma nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., hindi tinalakay sa pulong nina Duterte at Tillerson ang napaulat na humirit ang Pangulo ng ayudang air …

Read More »

Digong sa ASEAN: Kaunlaran, kapayapaan responsibilidad ng kasaping bansa

RESPONSIBILIDAD ng bawat bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pairalin ang ganap na seguridad, katatagan at pinagsamang kaunlaran sa rehiyon. Binigyan-diin ito ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang talumpati sa 50th anniversary ng ASEAN sa PICC kahapon. “We want a region that is secure — where our people can live without fear from the lawless …

Read More »

Kill Duterte & Joma plot tinawanan ni Lorenzana

PINAGTAWANAN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na balak itumba ng sabwatang Central Intelligence Agency (CIA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison. “What? A plot to eliminate them? Laughable!” reaksiyon ni Lorenzana sa umano’y …

Read More »

Rufino-Prieto mabubulok sa kulungan — Digong

MABUBULOK sa kulungan ang pamilya Rufino-Prieto sa kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanila ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kagabi, no bail ang kasong economic sabotage na isasampa ng gobyero sa pamilya Rufino-Prieto sa pagtangging ibalik sa pamahalaan ang Mile Long property sa Makati City na ipinaupa lang sa kanila. Nauna nang inihayag ng Pangulo …

Read More »

AFP kontra kaaway ng estado: Isang text lang kayo

ONE text away na lang ang pagbibigay ng impormasyon ng publiko sa militar kapag nakakita ng armadong grupo sa kanilang pamayanan. Sa Mindanao Hour press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni AFP Spokesman B/ Gen. Restituto Padilla, mas mainam na mabantayan ang bawat sulok ng bansa, magtulungan ang bawat Filipino upang mapangalagaan ang “peace and order situation.” Napakaliit aniya ang …

Read More »

Grace Poe adik sa yosi

MALAKAS manigarilyo si Sen. Grace Poe, ayon kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Aniya sa press conference kagabi sa Palasyo, lingid sa kaalaman ng publiko, malakas manigarilyo ang anak ni Fernado Poe, Jr. Kinantiyawan ng Pangulo si Poe na mahilig sa motherhood statement nang batikusin ang kanyang pagmumura. Ipinagmalaki ng Pangulo na mas grabe pa ang kanyang pagmumura noong panahon ng …

Read More »

Ex-pNoy may ‘tama’ gunggong — Duterte

EMOTIONALLY unstable si dating Pangulong Benigno Aquino III kaya walang pakialam sa paglaganap ng illegal drugs sa panahon ng kanyang administrasyon. Sa press conference kagabi sa Palasyo, inilabas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang hinanakit sa pagbatikos sa kanyang drug war. Aniya, walang emosyon si Aquino dahil mayroon siyang ‘sakit’ kaya emotionally unstable o manhid sa mga problema, gaya ng …

Read More »

20,000 tropa ng AFP itatapat kontra ISIS

ITATAPAT ng Palasyo sa mga terorista sa Mindanao ang inihihirit sa Kongreso na dagdag budget para sa 20,000 tropa ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang dagdag na 20,000 tropa ay bahagi nang pinaigting na posturang panseguridad upang bantayan ang mga lugar sa Filipinas, na patuloy na nahaharap sa banta sa seguridad. “The request of the Pre-sident for …

Read More »