Tuesday , December 24 2024

Rose Novenario

Alok ni Digong: P5-M patong sa ulo ni Ardot Parojinog

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 2, 2017 at 11:26am PDT BILANG proteksiyon sa mga pulis ng Ozamiz City na ‘kinakalambreng’ resbakan, makaraang hugutin ang kanilang hepe na si Senior Inspector Jovie Espenido, nag-alok ng P5-milyong pabuya si Pangulong Duterte para sa ikadarakip ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog. Si Ardot ay wanted …

Read More »

CHEd may dalawang executive director, Vitriolo vs Yee

CHED

IGINAGALANG at susundin ng Palasyo ang pasya ng Court of Appeals (CA) sa isyu ng pagkakaroon ng dalawang opisyal sa iisang posisyon na executive director ng Commission on Higher Education (CHEd). “The Office of the President and the Commission on Higher Education (CHEd) will – of course – respect and abide by the decision and order of the Court of …

Read More »

Pagkakaisa panawagan ni Digong sa Eid’l Adha

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 1, 2017 at 12:37pm PDT HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Filipino na magkaisa kasabay nang panawagan sa mga Muslim na paigtingin ang debosyon sa mga aral ng Islam. Sa kanyang Eid’l Adha message, sinabi ng Pangulo, sa gitna ng mga kaguluhan sa bansa, dapat manaig ang …

Read More »

Fil-Am millionaire financier ng poll chair (Sa damage control)

BINUBUHUSAN ng pondo ng isang milyonaryang Fil-Am ang damage control propaganda ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista. Nabatid sa source, inilalako na parang bibingka si Bautista sa mga editor sa iba’t ibang pahayagan, estasyon ng radio at telebisyon upang isalang sa “exclusive interview” at ipaliwanag ang kanyang panig laban sa mga alegasyon ng kanyang esposang si Tisha na …

Read More »

P1.6-B loan ng Lopezes sa DBP bubusisiin

IPINABUBUSISI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagkakautang ng malalaking negosyante sa gobyerno. Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng TESDA kagabi, ipinahiwatig ng Pangulo na sisingilin ng kanyang administrasyon ang mga utang ng mga dambuhalang kapitalista gaya ng mga Prieto sa Mile Long Property. Sinabi ng Pangulo, ang mga Lopez ay may pagkakautang din sa gobyerno partikular sa Development Bank …

Read More »

Lifestyle check kay mabilog hirit ni Duterte (Bahay mala-Palasyo)

IPINASAILALIM sa lifestyle check ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinagurian niyang drug lord na si Iloilo City Mayor Jed Mabilog. Inamin ni Pangulong Duterte kahapon, nagpahiwatig si Mabilog na nais siyang kausapin, pero binubusisi ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang yaman ng alkalde. Mala-Palasyo aniya ang bahay ni Mabilog. “Mabilog has sent word …

Read More »

Resbak ni Mans Carpio: Trillanes desperado, tsismosong senador

DESPERADO at tsismosong senador si Antonio Trillanes IV, ayon kay presidential son-in-law Maneses Carpio. Buwelta ito ni Carpio, asawa ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, kay Trillanes na inakusahan siyang nasa likod ng “Davao Group,” kasama ang bayaw na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, at tumanggap ng suhol para lakarin ang mabilis na pagpasok at …

Read More »

Chief justice, Ombudsman binatikos ni Duterte

EKSPERTO sa “art of selective justice” ang Office of the Ombudsman, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati kahapon sa mass oath-taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na malupit ang Ombudsman sa ilan ngunit malambot sa iba kahit pareho ang mga kaso ng mga akusado. Inihalimbawa ng Pangulo ang pork barrel scam na …

Read More »

‘Bleeding hearts’ sa Customs ‘mole’ ni Ping

NAGSISILBING espiya ni Sen. Panfilo Lacson ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na nabutata ang raket sa pag-upo ni Captain Nicanor Faeldon sa kawanihan mula noong isang taon. Sinabi ng source, isa sa “mole” ni Lacson sa kanyang tara expose ay isang abogado na sinibak ni Faeldon sa pagbibigay ng permiso sa kompanya ng anak na si Panfilo …

Read More »

Salalima, Panelo out sa Duterte cabinet? (Conflict of interests)

DALAWANG miyembro ng gabinete ang maaaring mawala sa opisyal na pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw. Nabatid sa source sa Palasyo, may mga bulungan sa “core group” ni Pangulong Duterte na maaaring buksan ang pinto palabas ng Gabinete para kina Department of Information and Communications Technology (DICT) Rodolfo Salalima at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. …

Read More »

Gold bars, ill-gotten wealth ibabalik ng Marcoses

NAKAHANDA ang pamilya Marcos na ipabusisi at ibalik sa gobyerno ang kanilang yaman na matutuklasan kung hindi talaga sa kanila, pati ang ilang “gold bars.” “The PCGG, they’re investigating the wealth of Marcos. The Marcoses, I will not name the spokesman, sabi nila, ‘we’ll open everything and hopefully return ‘yung mga nakita lang,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa mass oath-taking …

Read More »

Bagong puwesto para kay Faeldon inihahanda — Duterte

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, bibigyan ng bagong puwesto sa kanyang administrasyon si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon Sa panayam sa Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa taguig City, sinabi ng Pangulo, pinayuhan niya si Faeldon na magpahinga muna ng ilang araw makaraan magbitiw sa puwesto at saka nila pag-uusapan ang susunod na “misyon” ng dating rebeldeng sundalo. Tatlong …

Read More »

Magulang ni Kian nagpasaklolo kay Digong (Laban sa banta at para sa seguridad ng pamilya)

HUMINGI ng oras ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang mga magulang ng napaslang na si Kian delos Santos, na hinarap ng pangulo sa Malacañang Golf Clubhouse, upang hilingin ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak. (Larawan mula kay SAP Bong Go) NAGPASAKLOLO kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang mga magulang ng 17-anyos na napatay sa isinusulong niyang drug war. Magkasalo …

Read More »

Mabilog binantaan ng pangulo: Kaugnayan sa drug ring putulin (Espenido itinalaga sa Iloilo)

ISANG drug lord ang alkalde ng Iloilo City na si Jed Mabilog kaya ang babala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, putulin ang ugnayan sa drug syndicate. Sa kanyang talumpati kahapon sa paggunita sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, tahasang sinabi ng Pangulo na itatalaga niya si Chief Inspector Jovie Espenido sa …

Read More »

Lady lawyer na anak ng ‘surot’ kasosyo ni Pampi (Bistado ng Palasyo)

BISTADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aktibidad sa Aduana ng anak ni Sen. Panfilo Lacson at mga ‘kasosyo’ niya. Nabatid sa source sa Palasyo, ibinigay ni outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon kay Pangulong Duterte ang report kaugnay sa mga kompanyang ‘kasosyo’ ni Panfilo “Pampi” Lacson, Jr. sa smuggling ng semento. Isa aniya sa mga kasosyo ni Pampi ay …

Read More »

Isang bansa sa diwa ng mga tunay na bayani (Mensahe sa National Heroes Day ni Digong)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagbibikigsin niya ang bansa sa katulad na prinsipyo ng mga pambansang bayani habang pa-tuloy na nilalabanan ang kawalan ng respeto sa batas, kriminalidad at kahirapan na naging sagka upang makamit ang ganap na potensiyal. “We will harness the same virtues as we continue to fight against lawlessness, criminality and poverty that hinder us from achieving …

Read More »

Pagkamatay ni Kian wake-up call sa anti-poor drug war

KATARUNGAN sa pagpatay sa Grade 11 student na si Kian delos Santos. Ito ang isinisigaw ng grupong Bagong Alyansang Makabayan sa harap ng Department of Justice (DoJ) kasabay ng kanilang panawagan kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipatigil ang pagpatay sa mahihirap na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga. (BONG SON) NANINIWALA ang Palasyo, wake-up call sa isinusulong na drug war …

Read More »

PNA naiskupan sa Faeldon’s exposé story? (‘Kill the story ops’ buking)

ITNUTURING na malaking istorya ang expose ni outgoing Customs commissioner Nicanor Faeldon hinggil sa ‘pagpapalusot’ ng anak ng isang senador ng barko-barkong semento sa iba’t ibang puerto ng bansa pero hindi ito lumabas sa ahensiya ng pagbabalita ng pamahalaan — ang Philippine News Agency (PNA). Tila naiskupan ang mismong ahensiya sa pagbabalita ng pamahalaan nang hindi ito makita sa kanilang …

Read More »

Usec wow mali sa presidential coverage team

MAKALIPAS ang isang taon sa puwesto, tila hindi pa rin gamay ng isang undersecretary sa Palasyo ang mga terminong dapat gamitin sa presidential events o coverage. Noong nakaraang Martes ay nag-host ng dinner si Pangulong Rodrigo Duterte para sa Philippine Air Force Dragon Boat Team dahil sa pagwawagi sa Kadayawan Dragon Boat Festival sa Davao City. Wala sa opisyal na …

Read More »

Smuggling ni Pampi imbestigahan — Palasyo

DAPAT imbestigahan ang ibinunyag ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na sangkot sa bigtime smuggling ang anak ni Sen. Panfilo Lacson. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan din isailalim sa pagsisiyasat ang isiniwalat ni Faeldon laban kay Panfilo “Pampi” Lacson Jr. na sabit sa smuggling. “Well, that also has to be verified, that also has to be — to …

Read More »

Media diskriminado sa Palasyo (Divide and rule tactic)

GUMAGAMIT ng ‘divide and rule tactic’ sa hanay ng media ang dalawang opisyal ng Palasyo sa hangarin na matakpan ang kapalpakan sa trabaho ng media relations group. Sa ikatlong pagkakataon ay nagkasa ng “dinner with the President” kasama ang piniling Palace reporters, sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go at Communications Undersecretary Mia Reyes-Lucas sa Malacañang Golf Clubhouse. …

Read More »

AFP kasado vs kudeta

HINDI mangingimi ang Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) na labanan ang ano mang destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte. “The AFP will not hesitate in acting against forces who shall undermine the stability and security of our country and those who wish to destabilize our nation thru unconstitutional means,” anang pahayag ng AFP na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella …

Read More »

Proteksiyon ng maralita sa anti-poor drug war isinusulong (Inter-agency vs tokhang)

ISANG inter-agency task force ang nais itatag ng isang opisyal ng administras-yong Duterte upang bigyan proteksi-yon ang mga maralita laban sa sinasabing abusadong pagpapatupad ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs operations. “With marching orders from President Rodrigo Duterte to crackdown on abusive policemen conducting anti-drug operations, we are taking the initiative of calling an inter-agency meeting to discuss how to …

Read More »

Pinoys bilib pa rin kay Duterte (Kahit gamitin si Kian vs drug war)

KOMPIYANSA ang Palasyo, bilib pa rin ang mga mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte kahit gamitin laban sa kanya ng mga kritiko ang pagkamatay ng 17-anyos sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Caloocan City. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kahapon, inaasahan na ng Malacañang ang pagsawsaw ng oposisyon sa isyu ng pagkakapatay kay Kian delos Santos, ang …

Read More »

Sandy Cay ‘di isusuko ng PH sa China

PHil pinas China

TINIYAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hindi isusuko ng Filipinas ang paghahabol sa Sandy Cay kahit inaangkin ito ng China. Sa text message sa media, kinompirma ni Esperon na lumapit nang husto ang mga tropang Tsino sa Pag-asa Atoll o Sandy Cay ngunit hindi nila ito sinakop, taliwas sa pahayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na …

Read More »