Monday , December 23 2024

Rose Novenario

Palasyo umalma sa bintang ng Rappler

UMALMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pag­ka­kataon, tinawagan siya sa telepono kamakalawa ng gabi ng Pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa …

Read More »

Rappler hinamon ni Digong

PINALIGUAN ng sermon at hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online news site Rappler na maglabas ng ebidensiya sa akusasyon laban kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nakialam sa bidding ng mga bagong kagamitan para sa mga barko ng Philippine Navy. Iwinagayway ni Duterte sa harap ng Rappler reporter sa CAAP event kagabi ang inilimbag na …

Read More »

CHEd chair nagbitiw (Resignation tinanggap ng Palasyo)

NAGBITIW sa puwesto si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan nitong Lunes, sinabing panahon na para umalis maka­raan makatanggap ng tawag mula sa Malacañang. Sinabi ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong weekend at inutusan siyang bumaba sa puwesto bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo 2018. “I have decided it is time to go. It …

Read More »

Press freedom hindi isyu — Palasyo

WALANG kinalaman ang isyu ng press freedom sa pasya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler. Binigyan-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang punto ng SEC decision ay paglabag ng Rappler sa probisyon ng Saligang Batas na dapat ay 100% Filipino ang may-ari at namamahala ng kompanya ng mass media …

Read More »

Rappler’s registration kinansela ng SEC

IGINAGALANG ng Palasyo ang de-sisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler dahil hindi mga Fi-lipino ang mayorya ng may-ari nito. “We respect the SEC decision that Rappler, the strict requirements of the law, that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” sabi …

Read More »

Duterte dadalhin ng digital PTV sa kanayunan

MAAARI nang makasalamuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga nakatira sa liblib na bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Digital Terrestial Television Broadcasting System ng People’s Television (PTV). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa inilunsad na digital PTV kamakailan ay libre at mas malinaw na mapapanood ng mga nakatira sa kanayunan ang mga programa ng pamahalaan gayondin ang babala …

Read More »

Heart-to-heart talk hirit ni Digong kay Prof. Joma

ISANG heart-to-heart talk kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte. “I want Sison to come here. The two of us will talk. Only the two of us in this room,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Mindanews noong Biyernes ng gabi. Kamakailan ay nanawagan si Sison kay …

Read More »

South Korean telco gusto mag-3rd player sa PH

internet slow connection

ISANG South Korean telecommunications company ang interesadong makipagtunggalian sa China upang maging third party player sa Filipinas. Sa cabinet meeting kamakalawa, inihayag ni Department of Information and Communications Technology Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr., nais ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T), kasama ang Korean telecom company, na mag-operate sa bansa. “DICT Acting Secretary Rio mentioned that so far two (companies) …

Read More »

Wage hike ng titser hindi una sa Palasyo

salary increase pay hike

HINDI prayoridad ng gobyerno ang umento sa sahod ng 600,000 pampublikong guro sa buong bansa, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno. Sa press conference kahapon, sinabi ni Diokno, mas tututukan ng pamahalaan ang mga proyektong pang-empraestruktura sa ilalim ng Build,Build, Build program, pagkakaloob ng proteksiyong panlipunan at pagkalinga sa mahihirap. “I think that is not our priority at this time. …

Read More »

Propaganda war kakasahan ng Palasyo

PALALAKASIN ng Palasyo ang kanilang propaganda at hahasain ang kakayahan ng mga propagandista ng pamahalaan upang labanan ang ipinakakalat na pekeng balita laban sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, magkakaroon ng “strategic communication center” sa gusali ng Philippine Information Agency (PIA) sa Quezon City para gamitin training ground ng mga propagandista ng pamahalaan mula lokal hanggang pambansang …

Read More »

Piyansa ni Reyes kanselahin — Ombudsman (Aprobado sa Palasyo)

IKINAGALAK ng Palasyo ang hirit ng Ombudsman sa Sandiganbayan na kanselahin ang inilagak na piyansa ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanya. “That’s how it should be! I commend OMB for the order,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga mamamahayag kahapon. Sa pahayag ng Ombudsman, may pangangailangan para pigilin maulit …

Read More »

Diño nasa DILG na (Itinalaga ni Duterte)

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG). Nagsilbi si Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)  ngunit dahil sa Executive Order No. 42 ni Duterte na nagtatakda na iisang opisyal na lang ang magsisilbing chairman at administrator ng SBMA, natanggal siya sa puwesto noong Setyembre …

Read More »

Narco-list rerepasohin, LGUs pupurgahin

Duterte narcolist

PUPURGAHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hanay ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at tatanggalan ng kontrol sa pulis ang mga sangkot sa illegal drugs makaraan repasohin ang narco-list. Ito ang inihayag ng Pangulo sa cabinet meeting kamakalawa , ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “I’m sure it’s all connected. But I guess the President mentioned in the Cabinet …

Read More »

Suweldo ng titser itataas ni Digong

UMENTO sa sahod ng mga guro ang susunod na aatupagin ng Palasyo makaraan lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint resolution ng Kongreso na nagtaas sa suweldo ng mga unipormadong puwersa ng bansa. “The President also stated that with the second tax reform package, he has instructed DBM and all other agencies to find means to increase the salary of …

Read More »

Double pay ng pulis, sundalo, uniformed personnel simula na

MAGSISIMULA nang tanggapin ng mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel ang kanilang dobleng sahod makaraan aprubahan ni Pangulong Duterte ang joint resolution ng Kongreso na nagtataas sa kanilang base pay schedule. Inilabas nitong Martes ng Malacañang ang kopya ng Joint Resolution No. 1, na inaprubahan ng Kongreso nitong Disyembre 2017 at ni Pangulong Duterte nitong 1 Enero, nagpapakita …

Read More »

17 PAGCOR casinos ibebenta

IBEBENTA ng gobyeno ang ilang casino na pinangangasiwaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang makalikom ng pondo. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang pagsasapribado ng mga casino ng PAGCOR ay matatapos sa mga susunod na buwan. Hindi aniya madali ipagbili ang mga casino dahil may mga kontrata na dapat isaalang-alang. …

Read More »

Absuwelto kay Reyes ng CA iaapela (Palasyo aayuda sa Ortega case)

GAGAWIN ng Palasyo ang lahat ng paraan upang mabaliktad ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-absuwelto kay dating Palawan Gov. Joel Reyes sa kasong murder kaugnay sa pagpatay kay journalist at environmentalist Gerry Ortega. “We will exercise all legal options to reverse this decision by the Court of Appeals,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press …

Read More »

Digong most trusted & approved chief exec

NANINIWALA ang mayorya ng mga Filipino na mas magaling na presidente si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kompara kay dating Pangulong Benigno Aquino III. Ito ang lumabas sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong 8-16 Disyembre 2017. Batay sa SWS survey, 70 porsiyento ang naniniwalang mas maganda ang performance ni Duterte kompara kay Aquino habang walong porsiyento …

Read More »

P786-B buwis target sa TRAIN (PH para hindi mabaon sa utang)

INAASAHANG lilikom ng P786-B buwis sa loob ng limang taon ang implementasyon ng tax reform ng administrasyong Duterte upang tustusan ang malawakang infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Domi­nguez sa press briefing sa Palasyo kahapon, umaa­sa ang pamahalaan na masasagot ang dalawang trilyong piso sa P8 trilyong  project  pipeline  upang hindi matambakan …

Read More »

Marina chief sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng kanyang administrasyon alinsu­nod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon. Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagtanggal sa puwesto kay Maritime  Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III. “The President has tasked me to announce that he has terminated the services of Mr. Marcial QC Amaro, administrator of …

Read More »

TRAIN ‘pasakit’ sa bayan (Palasyo aminado)

AMINADO ang Palasyo na kaila­ngang pasanin ng taong bayan ang ipapataw na dagdag buwis para pondohan ang mga proyektong pang-impraestraktura sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na 80 milyong Filipino ang makararanas ng negatibong epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kahit iabsuwelto …

Read More »

Joma’s wish (Peace talks ituloy) tablado sa Palasyo

TABLADO sa Palasyo ang New Year’s wish ni Communist Party of the Philip­pines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na ituloy ang peace talks sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyang sitwasyon, malabong umu­sad muli ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF. Ani Roque, kailangan patunayan ng rebeldeng komunista ang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan. “As of now, …

Read More »

Paalala ng Palasyo: Masaya, ligtas na Bagong Taon (vs illegal fire crackers)

IPINAALALA kahapon ng Palasyo sa publiko ang mga pinapayagan at ipinagbabawal na mga paputok batay sa umiiral na Republic Act 7138. Base sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ipinabatid sa mga Filipino na nagbebenta at bumibili ng mga paputok para sa pag-iingay sa pagsalubong ng 2018. Ayon sa Palasyo, bawal ang mga firecracker at pyrotechnic …

Read More »

Digong dumistansiya sa pagbitiw ni Polong

DUMISTANSIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City. Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Southern Philippines Medical Center, ipinauubaya niya sa anak ang pagpapasya kung itutuloy ang resignation. “Well, sa kanya ‘yun. You… Hindi kita masagot. Hindi ako ‘yung nag-resign e. But nagtanong siya kagabi. Doon kami, nagkita-kita …

Read More »

16,355 killings inamin ng Palasyo (Imbestigasyon patuloy)

INAMIN ng Palasyo na 16,355 ‘killings’ ang iniimbestigahan ng mga awtoridad  mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa 63-pahinang year-end accomplishment report na inilabas ng Palasyo kahapon, klasipikado ang unsolved killings bilang “Homicide Cases under Investigation.” Ngunit ipinagmalaki ng Palasyo, may 4,747 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-free sa loob ng isang taon at kalahati ng adminis-trasyong …

Read More »