Friday , March 31 2023

All-out war vs CPP-NPA-NDF idineklara ni Duterte

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war laban sa New People’s Army kahapon.

Sa kanyang talumpati sa programang “Isang Pagpupugay sa Huling Tikas Pahinga” sa Bonifacio Global City sa Taguig City, sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na abisohan ang matataas na pinuno ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nakabase sa The Netherlands na tinuldukan na niya ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Giyera na lang at hindi na peace talks ang isusulong ng administrasyong Duterte sa CPP-NPA-NDFP kaya kailangan niyang palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

“As of yesterday I have decided to cut talks with NPAs. Sinabi ko kay Dureza pati kay Bello, you tell the guys there sa Netherlands, I’m no longer available for any official talk. Giyera na lang tayo. So I have to build a strong army,” anang Pangulo.

Inamin ng Pangulo na ang pakikipag-alyado niya sa mga rebeldeng komunista noong alkalde pa siya ng Davao City ay pamomolitika lang.

Kahit sino aniyang lokal na politiko ay napipilitan makipagma­butihan sa mga rebeldeng komunista para makahakot ng boto.

“Magprangkahan lang talaga, boto ‘yan. On the local level, boto ‘yan. So if you have the support of the guys there, on all probability, you’ll have the edge,” anang Pangulo.

Iba na aniya ang sitwasyon niya bilang Pangulo ng bansa, hindi na niya kayang ibigay ang mga hinihingi ng NPA sa kanya bukod pa sa hindi humihinto ang mga rebelde sa pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

“Pero noong Presidente na ako at marami na silang hinihingi na hindi ko naman kayang ibigay because it is not mine to give and since they are very unreasonable at sabi ko, ‘yung…stand down, hindi naman nasusunod. Inambus (ambush) nila ‘yung pulis in Mindanao tapos pati ‘yung bata na four months old, tinamaan kaya napundi talaga ako,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Duterte na idedeklara niyang terrorist organization ang CPP-NPA-NDFP dahil sa walang tigil na pamamaslang, paninira at panununog sa mga ari-arian.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *