Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

‘Ganap’ ‘di kinaya, PCOO exec nagbitiw

NAGBITIW sa tungkulin ang isang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil ‘naguluhan’ sa mga kaganapan sa kagawaran. Batay sa source sa Palasyo, nag-resign bilang assistant secretary for administration si Kissinger Reyes ngunit hindi isinasapubliko ng PCOO. Ang napipisil uma­nong ipalit kay Kissinger ay si Niño “Bonito” Padilla, isang mamamahayag mula sa DZRH-Cebu. Noong nakalipas na linggo’y nagpunta …

Read More »

P60-M DOT ads ‘pinagkitaan’ Tulfos imbestigahan — Duterte

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinu­kuwestiyong P60-M ba­yad sa anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na napunta sa kompanya ng mga Tul­fo. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakarating kay Pangulong Duterte ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa isyu. “I assure you: the Palace will investigate the matter. We cannot of …

Read More »

‘Good news’ ‘di aasahan ng obrero (Ngayong Mayo Uno)

WALANG inaasahang ano mang sorpresang anunsiyo ang labor groups mula sa Malacañang sa Labor Day, pahayag ng lider ng militanteng grupo nitong Lunes. “Wala kaming ina-asahan na pipirmahan niya bukas,” pahayag ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis. Ang tinutukoy ni Adonis ang posibilidad na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exe-cutive order (EO) hinggil sa kontraktruwalisasyon. Magugunitang inihayag …

Read More »

San Beda community aarborin si Sister Fox

Sister Patricia Fox

MAKIKIPAGPULONG ang ilang abogado mula sa San Beda University kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas hinggil sa isyu nang pagpapalayas sa bansa kay Sister Patricia Fox. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya tiyak kung mababago ang desisyon ng Bureau of Immigration na ipa-deport si Sr. Fox dahil sa paglahok sa mga pagkilos na politikal. Umapela ang Catholic Bishops Conference …

Read More »

Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa)

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kaso nang pagpatay sa isang pari ilang minuto matapos siyang magmisa sa Brgy. Peña West, Gattaran, Cagayan kahapon ng umaga. “Will post once Spox has reax,” matipid na tugon ni Communications Assistant Secretary Queennie Rodulfo nang tanungin kung ano ang pahayag ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpatay …

Read More »

Palasyo itinuro si De Castro (Naduwag sa Tulfos?)

KUNG gaano ka-anghang ang mga pahayag ng Palasyo sa mga katiwalian ng ilang mga dating opisyal ng pamahalaan, tila nabahag naman ang buntot nila sa napaulat na P60-M ‘nakurakot’ ng mga Tulfo sa People’s Televison (PTV). Mistulang binuhusan ng malamig na tubig ang ‘taray’ Ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque at itinuro si Tourism Undersecretary …

Read More »

Diskarte vs kahirapan top agenda (Sa 60-day peace talks)

Malacañan CPP NPA NDF

SAPAT ang itinakdang 60-araw para isakatuparan ang peace talks ng gobyernong Duterte at kilusang komunista upang pagkasunduan ang diskarte upang wakasan ang kahirapan na ugat ng armadong tunggalian sa Fi­lipinas. “I don’t think there’s a divergence of views on the root causes of rebellion; it is poverty. So if the government and the CPP-NPA will agree to address the root …

Read More »

Diplomatic protest ng Kuwait sa PH wala sanang implikasyon (Sa labor agreement sa OFWs)

OFW kuwait

UMAASA ang Palasyo na hindi maaapektohan ang ikinakasang labor agreement ng Filipinas at Kuwaiti government para sa overseas Filipino workers (OFWs) doon. Sa harap ito ng paghahain ng diplomatic protest ng Kuwait sa lumabas na video nang isinagawang rescue ng mga kinatawan ng Philippine government sa ilang OFWs, kasama ang mga undocumented kasabay ng pagwawakas ng amnesty program ng Kuwait. …

Read More »

Palasyo walang masamang tinapay sa Aquinos

WALANG iringang namagitan sa mga pamilya ng Duterte at Aquino magmula nang pumasok sa politika si Pangulong Rodrigo Duterte noong 1986 matapos ang EDSA People Power 1 Revolution. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni dating presidential sister Kris Aquino na walang masamang ipinakita sa kanya si Pangulong Duterte sa Davao City noong 2010 presidential elections. …

Read More »

Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma)

PINAUUWI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison upang lumahok sa peace talks. Sa kanyang talumpati sa 24th National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines Annual Convention sa Legazpi City kamakalawa, sinabi ng Pangulo, gusto niyang idaos sa Filipinas ang usapang pangkapayapaan at sagot niya ang lahat …

Read More »

40 mangingisda na napiit sa Indonesia aarborin kay Widodo

IDUDULOG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng 40 mangingisdang Filipino na nakapiit sa Indonesia, sa kanilang paghaharap ni President Joko Widodo sa 32nd ASEAN Leaders Summit sa Singapore ngayong linggo. Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos salubungin ang 31 mamamalakayang Filipino mula sa Indonesia sa Camp Feranil Naval Station sa Panacan, Davao City …

Read More »

VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust

NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pang­kat sa Holocaust …

Read More »

BI wow mali kay Sister Fox

Sister Patricia Fox

  INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang …

Read More »

Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duter­te  kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung …

Read More »

Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)

HINAMON ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ipagpatuloy ang nasimulang transpormasyon sa mga sistema ng NFA Council upang maipatupad sa National Food Authority. Si Piñol ang pumalit kay Evasco bilang bagong NFA Council chairman. “I call the new Chairperson to take advantage of what we have started and continue the systems transformation, so that …

Read More »

Ayon kay Duterte: Palarong Pambansa hulmaan ng next PH leaders

NAGSISILBING hulmaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang Palarong Pambansa dahil ito’y nagtataguyod nang pagsusumikap, disiplina, teamwork, integridad at pagmamahal sa bayan. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur kahapon. Binigyan diin ng Pangulo, ang sports ang nagsisilbing daan upang maiwaksi ang …

Read More »

SAP Bong Go kabalikat ng OFWs

TINIYAK ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, makakamit ng pamilya ng OFW na si Ronald Jumamoy ang hustisya sa pagkamatay niya sa Saudi Arabia noong 2016. Dininig kahapon ni Go, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Attache Nasser Mustafa, ang hinaing ng pamilya Jumamoy sa Davao City at siniguro ang masusing pagsisiyasat sa …

Read More »

Labor attache sa HK nanatili sa puwesto

INIANUNSIYO ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa harap ng libo-libong Filipino sa Hong Kong, hindi muna aalisin ang labor attache na si Jalilo de la Torre. Inimbita si Go ng mga kababayan natin sa HK at nagpasalamat sa kanyang pagiging matapat na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng mahabang panahon. Katulad ng kanyang sinasabi …

Read More »

Bong Go, et al inendoso ni Digong para senador (Sa Filipino community sa HK)

HINDI na napigilan ang endoso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kaniyang trusted aide na si Special Asistant to the President (SAP) Bong Go para sa Senado sa 2019 elections. Sa pagharap ng pangulo sa tinatayang 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) Hong Kong kagabi, ipinakilala niya si Secreatry Go bilang ‘paborito’ niyang senador. Positibo ang naging pagtanggap ng mga Filipino …

Read More »

Filipino dream ipinagmalaki ni Digong sa Boao Forum

KUNG may American Dream noon, mayroong Filipino Dream ngayon sa ilalim ng Duterte administration. Sa kanyang mensahe sa pagbukas ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Asian leaders at business leaders, unti-unti nang nakakamit ang Filipino Dream. “For far too long, the Philippines has nurtured the dream of a comfortable life …

Read More »

Duterte, ipinakilala sa int’l community si Inday Sara

MAGIGING regular na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international events ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sa kauna-unahang pagkakataon ay kasama sa official delegation ni Pangulong Duterte sa international engagement ang anak  na si Sara. Sa ipinadalang mga retrato sa Malacañang Press Corps,  makikitang kasama ng Pangulo sa Boao Forum for Asia si Sara, na ayon …

Read More »

Albayalde bagong PNP chief (Kapalit ni Gen. Bato)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, na si PNP-National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde ang papalit kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police. “May bago tayong chief PC. I’m going to announce it now, it’s Albayalde,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa GAWAD SAKA 2017 at Malinis at Masaganang Karagatan 2017. Ang …

Read More »

Aguirre out Guevarra in (Sa Justice department)

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Vitaliano Aguirre II bilang justice secretary. “But may I just also tell you now that I conferred with the officials. I accepted the resignation of Vit Aguirre, my fraternity brother, as Secretary of Justice. I am now looking for a replacement,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Gawad Saka 2017 sa Palasyo …

Read More »

Bora isinara (Sa loob ng 6 buwan)

boracay close

ANIM na buwan sarado ang Boracay Island simula ngayong 26 Abril. Ito ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte batay sa rekomendadyon ng  inter-agency task force na kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT). Ang ulat ay batay sa inisyal na impormasyon ni Presidential …

Read More »