Thursday , June 4 2026

P60-M DOT ads ‘pinagkitaan’ Tulfos imbestigahan — Duterte

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinu­kuwestiyong P60-M ba­yad sa anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na napunta sa kompanya ng mga Tul­fo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakarating kay Pangulong Duterte ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa isyu.

“I assure you: the Palace will investigate the matter. We cannot of course — we have to accept the findings of the COA. I understand this is the final finding. But the Palace will investigate on its own,” ani Roque sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Nais aniyang malaman ng Pangulo ang puno’t dulo ng isyu.

Matatandaan, makailang beses nang sinabi ng Pangulo na hindi niya kokonsintihin ang ano­mang uri ng korupsiyon kahit na bulung-bulungan lang.

Batay sa COA report, ang P60 milyong ibinayad ng DOT sa PTVNI ay napunta sa Bitag Media Unlimited, Inc., na pagmamay-ari ni Ben Tulfo, host ng programang Kilos Pronto at kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …