Monday , December 23 2024

Rose Novenario

Duterte dumalaw sa puntod ng ina

DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman  Catholic Ceme­tery kamakalawa ng gabi. Ang pagbisita ay kaugnay ng ika-pitong taong paggunita sa death anniversary ni Nanay Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte na pumanaw noong 2012. Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “ Bong” Go, 11:00 pm sila dumating ng Pangulo …

Read More »

Philippine Reclamation Authority (PRA) isinailalim sa pangulo

TINANGGAL sa Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrol sa Philippine Reclamation Authority (PRA) at inalis din sa kapangyarihan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pag-aproba sa reclamation projects. Inilipat sa kapang­yarihan ng Pangulo ng Filipinas ang kontrol at pamamahala sa PRA maging ang pagbibigay ng ‘go signal’ sa reclamation projects, batay sa Exe­cutive Order No. 74 …

Read More »

Chinese lunar year panibagong inspirasyon sa PH at China

PHil pinas China

KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte ng Fili­pino-Chinese commu­nity sa pagdiriwang ng lunar new year. Sa kaniyang men­sahe, sinabi ng pangulo ang pagkakaibigan at kooperasyon na nasel­yohan sa pagitan ng Filipinas at China ay hindi lamang nagdulot ng malaking kaginha­waan at paglago ng eko­no­miya para sa parehong bansa, kundi nagbigay din ng pagkakataon para mapa­ngalagaan ang ka­kaibang kultura ng bawat isa. Hangad …

Read More »

Access sa SALN malabo

HINDI klaro ang pali­wa­nag ni House Majority Leader at  Capiz co­ng­ress­­man Fredenil Castro na mas madaling  ma­kaa-access ang publiko sa SALN ng mga mamba­batas sa pinagtibay na House Resolution 2467. Ito ay ang panga­nga­ilangang maa­pro­bahan muna ng mayorya sa plenary session nang higit 200 kongresista ang isang kahilingang maisapubliko ang SALN ng isang mam­babatas. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, …

Read More »

Digong ‘asar’ sa kupad ng mga mambabatas (2019 national budget nakabitin)

DESMAYADO si Pangulong Rodri­go Duterte sa kabagalan ng mga mam­babatas na maipasa ang 2019 national budget. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Me­dial­dea, malaki ang magi­ging epekto nito para ma­an­tala ang mga pro­yek­tong pang impraes­truk­tura ng administrasyong Duterte. Umaasa  pa rin aniya ang Palasyo na gagawin ng mga mambabatas ang kanilang constitutional duties at maihabol na maipasa ang 2019 budget bago …

Read More »

Ipagdasal n’yo ako… Duterte ‘pinatay’

IPAGDASAL na mapun­ta sa langit ang kanyang kaluluwa. Ito ang pauyam na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ku­ma­lat na balita na siya’y pumanaw na. Tatlong video ang inilathala ng kanyang partner na si Honeylet Avancena sa kanyang Facebook account upang pabulaanan ang ulat na pumanaw na ang Pa­ngulo. Sa ikalawang video, sinabi ng Pangulo na para sa mga naniniwala …

Read More »

Pinoy construction workers ubos na (Chinese pumapalit)

INATASAN ng Palasyo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng kaukulang hakbang upang matugu­nan ang kasalukuyang kakulangan sa Pinoy workers sa construction sites sa ilalim ng government programs.  Ito ang sinabi  ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa gitna ng pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dumaragsa ang mga construction workers na Chinese nationals sa Filipinas. …

Read More »

Sa Batang Bilanggo Bill… 12-anyos aprub kay Duterte

KOMPORTABLE si Pangulong Ro­drigo Duterte na ibaba sa 12 anyos ang criminal liability ng isang Fili­pi­no mula sa 15-anyos, hindi sa 9 anyos. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pagpasa sa second reading ng Batang Bilanggo Bill na 12-anyos ang criminal liability at hindi na 9 anyos gaya ng naunang ipinanukala. “If it’s the final decision, I’m comfortable …

Read More »

Palasyo ‘nanahimik’ sa Batang Bilanggo bill

arrest prison

DUMISTANSYA ang Pala­syo sa panukalang ba­tas na may layuning ibaba sa 9-anyos ang cri­minal liability mula sa 15 anyos ng isang Filipino. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinu­sulong na ‘Batang Bilang­go Bill’ na lumusot sa Justice Committee ng Ma­babang Kapulungan bagama´t nais din niya na ibaba ang edad ng criminal liability. …

Read More »

DFA dapat mag-imbestiga sa ban ng US vs Pinoys

PINAKIKILOS  ng  Pala­syo ang Department of Foreign Affairs at emba­hada ng Filipinas sa Amerika upang silipin kung may basehan ang naging hakbang ng Esta­dos Unidos na huwag munang mag-isyu ng working visa sa mga Filipino hanggang isang taon. Kasunod ito ng na­ging direktiba na inisyu ng US Department Home­land Security bunsod ng umano’y paglala ng mga kaso ng overstaying ng …

Read More »

Digong inip na sa Federalismo (Kongreso makupad)

NAIINIP na si Pangulong Rodrigo Duterte sa maba­gal na usad ng Charter change sa Kongreso kaya nais niyang unahin ang amyenda sa ilang eco­nomic provisions. Paliwanag ni Presi­dential Spokesman Salvador Panelo, naiinip ang Presidente sa galaw ng Kongreso tungkol sa federalismo at walang nakikitang seryosong hakbang sa hanay ng mga mambabatas para ito’y maisakatuparan. Inihayag ni Panelo bagama’t nais ng …

Read More »

Palasyo pinuri si Manny

NAKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipi­no sa pagdiriwang sa pagkopo ni Sen. Manny Pacquiao sa WBA wel­ter­weight title laban sa Amerikanong si Adrien Broner. Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokes­man Salvador Panelo na hindi naging hadlang ang 11 taon tanda ni Pacquiao kay Broner sa ipinamalas na gilas ng mambabatas sa paki­kihamok sa American boxer. “We thank our pound-for-pound King …

Read More »

Banta kay Duterte: Tantanan mo kami! — Taguiwalo

NANAWAGAN si dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paninira sa kanya at iba pang matitinong kawani ng pama­halaan, gaya ng mga guro. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Taguiwalo, hindi krimen ang igiit ang demokratikong kara­patan na maging kritikal sa mga patakaran at pro­gramang kontra-mama­mayan at kontra-mahi­rap. “I call on the President to …

Read More »

Ambush sa politiko ugat ng pagsibak sa Bacolod PNP officials

IT’S a strange behavior. Ito ang obserbasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala sa ospital ng hepe ng Bacolod City Police na si S/Supt. Francis Ebreo sa isang local politician at kan­yang misis na tinamba­ngan sa siyudad noong nakaraang buwan. Sa ambush interview kahapon, iginiit ng Pa­ngu­lo na isang dekada na ang nakalilipas ay nasa listahan na umano ng Philippine …

Read More »

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit at uhaw sa dugong rehimen kaya walang humpay na inaatake ang Simbahan. Ito ang pahayag ni Fr. Santiago Salas, pinuno ng National Democratic Front –Eastern Visayas, kaugnay sa patuloy na pagbatikos sa simbahang Katolika. “The GRP president’s attacks against the …

Read More »

Bacolod COP sinibak ni Duterte (Sangkot sa ilegal na droga)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng pulisya sa Baco­lod City dahil sa pagkaka­sangkot sa illegal drugs. “I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” anang Pangulo sa kanyang ta­lum­pati sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City kama­kalawa. “In your involvement in …

Read More »

Kidnap-torture sa COA officials biro lang — Palasyo

NAUNA rito inilinawng Palasyo na ‘biro’ lang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaki-kidnap niya at ipato-torture ang mga taga-Commission on Audit (COA). Binanggit ito ng Pa­ngu­lo sa harap ng libo-libong punong barangays, kaga­wad, mga alkalde at iba pang bisita sa gina­wang Bara­ngay Summit for Peace and Order sa Pasay city, na sinundan ng malakas na tawanan ng audience.  Sinabi ni …

Read More »

HIV/AIDS law nilagdaan ng Pangulo

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philip­pine HIV and AIDS Policy Act of 2018. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglagda ng Pangulo ay  maituturing na napapa­nahon at mahalaga sa harap ng report ng Department of Health (DOH) na nagsa­sabing ang Filipinas ang may pinakamataas na porsiyento ng pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV sa Asia Pacific …

Read More »

NUJP pumalag vs red-baiting

KINONDENA ng Natio­nal Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang patuloy na pag-uugnay sa kanilang grupo sa rebolu­syo­nar­yong komunistang grupo na maaaring pakana upang takutin sila para manahimik. “The National Union of Journalists of the Philippines denounces continued efforts to link us to the communist revolutionary movement, which we see as part of an orchestrated effort to intimidate us …

Read More »

Red-baiting ‘inamin’ ng Palasyo (Walang masama — Panelo)

MAY dapat ikatakot ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil kilala ang organisasyon bilang kaalyado ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na isang terrorist group, ayon sa Palasyo. “On their part. Because if you are doing certain illegal acts or you are identified with the left which is now considered, I mean, …

Read More »

Bicolandia tablado sa P46-B road user’s tax (3 manok ni Digong kapag olat sa 2019 senatorial derby)

TABLADO ang rehiyon ng Bicol sa P46-B road user’s tax kapag natalo ang tatlong manok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 senatorial derby. Ito ang inihayag ng Pangulo sa post-disaster briefing noong Biyernes sa Camarines Sur na sinalanta ng bagyong Usman. “I brought along my three candidates for senator,” anang Pangulo na ang tinutukoy ay sina dating Presidential political adviser …

Read More »

‘Drug war’ ng estado ‘walang pipiliin’

WALANG pakialam ang estado sa panlipunan at pampolitikang katayuan ng isang taong sangkot sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte kaya maging ang iisang dating alkalde sa Mindanao na nasa narcolist ay napaslang nang manlaban sa mga awtoridad. “Regardless of the social and political status of persons involved and/or engaged in the illegal drug industry, the same fate will …

Read More »

Joma Sison ilusyonado — Palasyo

MAHILIG mag-ilusyon si Communist Party of the Philippines (CPP) found­ing chairman Jose Ma. Sison gaya ni Sen. Antonio Trillanes IV. “E… just like the rebel senator, he is an illusionist; a visionary that has become illusory. Palagay ko panahon na magka­roon siya ng enlighten­ment,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa paha­yag ni Sison na prayo­ridad ng CPP-NPA na patalsikin …

Read More »

Working permit sa dayuhan ipinatitigil ng DOLE

GUSTO nang ipatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng Bureau of Immigra­tion ng “permit to work” sa mga dayuhang gustong magtrabaho sa Filipinas. Sa harap ito nang nadis­kobreng paglobo ng bilang ng mga dayuhang nagta­trabaho sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na  umaabot na ngayon sa 115,000 ang …

Read More »

NPA taga-tumba ng ‘kalaban’

HINDI dapat magpa­gamit ang New People’s Army (NPA) bilang ‘taga-tumba’ ng mga kalaban ng mga poli­tiko. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kama­kalawa ng gabi sa Daraga, Albay, na hindi dapat nakikialam sa ganitong pamamaraan ang NPA bagkus ay haya­ang pumili ang mga tao kung sino ang gusto nilang iluklok sa puwesto. Ayon sa Pangulo, kahit pa asal-hayop o aso ang …

Read More »