Wednesday , April 16 2025

Rose Novenario

Goma umalma vs balik-probinsya (Protocols binalewala sa COVID-19)

PINALAGAN ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez sa aniya’y ‘pambubulag’ sa mga alkalde at kawalan ng koordinasyon sa kanila ng mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi ng programang Balik-Probinsiya. Ayon kay Goma, nabulaga siya sa isang text message sa kanya ng regional officer ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon ng umaga na nagsabing tanggapin nila ang …

Read More »

SAP ng ECQ mabagal, maaberya 4.2-M Pinoys ‘nagutom’ (Kahit maraming nakatanggap)

BILYON-BILYONG pondo man ang pinakawalan ng administrasyong Duterte, naging malala pa rin ang naranasang ‘involuntary hunger’ ng mga mamamayan sa halos tatlong buwang pag-iral ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa mabagal at maaberyang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) na nagresulta sa kulelat at banderang kapos na ayuda ng pamahalaan. Inihayag ito ni dating Kabataan party-list representative at …

Read More »

Palasyo pumalag sa 2nd wave ni Duque (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

SINANSALA ng Palasyo ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ang pandemyang coronavirus ( COVID-19) sa Filipinas. Inilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa first wave ng pandemyang COVID-19 ang bansa at hindi pa ‘napapantay ang kurba’ taliwas sa pahayag ni Duque. “Tama ang ating Presidente dapat gumawa tayo ng mga hakbang para …

Read More »

‘Iregularidad’ sa rapid test kits, ‘sumingaw’ na rin sa PNP (Hindi lang sa DOH)

LIBRE ang rapid test kits na gagamitin sa mga pulis upang malaman kung sila’y positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binayaran na ng gobyerno ang rapid test kits para sa mga pulis. “Ang pulis po ay libre, binayaran na po ang rapid test kits ng gobyerno,” pagtitiyak ni Roque sa virtual …

Read More »

IATF ‘Kagulo’ sa Covid -19 second wave ni Duque  

NAGULAT at kinontra ng dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na pinakamalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Inter-Agency Task Force ( IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease  chairman at Health Secretary Francisco Duque na nasa second wave na ang pandemyang coronavirus ( COVID-19) sa bansa.   Kapwa itinanggi nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher …

Read More »

Padrino ni Sinas lumutang (Bata ko ‘yan — Duterte)

TINAPOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi ang dalawang linggong palaisipan sa publiko kung bakit hindi nasibak si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. General Debold Sinas na nagdaos ng Voltes V-themed birthday party kamakailan. Inamin ni Pangulong Duterte na siya ang padrino ni Sinas at nagpasya na hindi sibakin ang heneral kahit may paglabag sa quarantine …

Read More »

160 PSG personnel positive sa COVID-19 rapid test — Durante

Covid-19 positive

ISANDAAN at animnapung kagawad ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa rapid test pero isa lamang sa kanila ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Sinabi ni PSG commander Col. Jesus Durante, matagal nang nakarekober sa COVID-19 ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Hindi aniya detailed bilang close-in …

Read More »

Sagot ng Meralco sa ERC hintayin — Palasyo (Sa patong-patong na singil sa consumers)

DAGDAG na pasensiya ang hiningi ng Malacañang sa publiko para hintayin ang resulta ng aksiyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa dagsang reklamo ng mga konsumer sa patong-patong at napakataas na singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa konsumo sa koryente habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).   Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque nag panawagan ng paghihintay …

Read More »

Disimpormasyon ng estado garapal — Ex-solon (Sa mass testing)

GARAPAL na disimpormasyon ang inihayag kahapon ng Palasyo na walang bansa sa buong mundo na nakapagsagawa ng mass testing. “It is shameless state disinformation to state that no mass testing was ever conducted around the world,” ayon kay dating Kabataan party-list representative at Infrawatch convenor Terry Ridon kasunod  ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon na walang bansa ang …

Read More »

Covid-19 mass testing tablado sa Palasyo (‘Bayanihan’ naging ‘bahala kayo d’yan’)

IMBES Bayanihan, naging ‘bahala kayo d’yan’ ang naging aktitud ng Palasyo nang ipasa ang responsibilidad sa pribadong sektor para sa pagsasagawa ng mass testing bilang bahagi ng pagkontrol o paglaban sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19). Matapos puwersahang ikulong sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan, isara ang mga kompanya’t pabrika, at eskuwela sa loob ng mahigit dalawang buwan para mapigilan …

Read More »

COVID-19 ‘wag gamiting ‘alibi’ sa jeepney phase-out (Manggagawa ‘wag pahirapan)

NAGBABALA ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno laban sa paggamit sa community quarantines dulot ng coronavirus disease (COVID-19) bilang ‘alibi’ para ituloy ang plano ng gobyernong jeepney phase-out.   Sinabi sa kalatas ng KMU na dapat ay bigyan ng ayudang pinansyal ang mga manggagawa sa transportasyon na mahigit dalawang buwang walang kinita dahil sa ipinatupad na ECQ.   Anang KMU, …

Read More »

Sa maagap na pagkilos kaysa Palasyo… Guimaras, Dinagat Is., Ormoc City Covid-19 free (Doktor, HR lawyer, at aktor pinuri sa pag-aaral)

HINDI umubra ang bagsik ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga lugar na pinamumunuan ng doktor, human rights lawyer, at isang aktor kahit walang ayuda ang Malacañang. Tinukoy ni Raymund de Silva, isang Mindanao-based political activist, ang katang-tanging mga lokal na opisyal na sina Guimaras Governor Samuel Gumarin, isang doktor; Dinagat Governor Arlene Bag-ao, isang human rights lawyer, at Ormoc City …

Read More »

OFWs isosoga sa COVID-19 global pandemic (Kahit daan-daang libo hindi matulungan)

OFW

KAYSA mamatay nang gutom sa Filipinas, mas nanaisin ng overseas Filipino na sumabak sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa para itaguyod ang kanilang pamilyang nagdarahop dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).   Inianunsiyo ng Palasyo kahapon na inaprobahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF- MEID ) ang Resolution …

Read More »

Payo ng Palasyo sa GCQ: Kung walang company ‘shuttle’ ‘wag magbukas ng negosyo

HUWAG magbukas kung walang ilalaan na transportasyon para sa kanilang mga empleyado. Payo ito ng Palasyo sa mga kompanya sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine simula bukas (MECQ). “We do not want to be like other countries that reopened their economies and then experienced a second wave. If the company cannot provide a shuttle or if …

Read More »

Criminal, admin charges vs Sinas & his Voltes gang — Malacañang

SASAMPAHAN ngayon ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Mgen. Debold Sinas, at ang senior officials na dumalo sa kanyang Votes V-themed birthday party habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine ECQ dulot ng pandemyang coronavirus (COVID-19). “Per my latest conversation with Philippine National Police chief PGen. Archie Gamboa, a criminal …

Read More »

HR violators na pulis pananagutin — PNP chief (Sa pagpapatupad ng ECQ)

PARURUSAHAN ang mga pulis na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang  enhanced community quarantine (ECQ ) laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).   Tiniyak ito ng Palasyo, kasunod ng ulat ng United Nations Council for Human Rights, na ikaapat ang Filipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19-related human rights violations kasunod …

Read More »

P13-B ex-deal hirit ni Lorenzana sa Filipino insurgents (Kapalit ng armed struggle)

NAG-ALOK ng exchange deal si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Filipino insurgents na binabatikos ang planong pagbili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng attack helicopters.   Sinabi ni Lorenzana, payag siya sa suhestiyon ng mga makakaliwang grupo na ibigay na lang sa tao ang P13 bilyones pondo ng AFP para ipambili ng attack helicopters kung ititigil ng New …

Read More »

Ikulong si Sinas — Gabriela (Sa Voltes V birthday mañanita)

KUNG “shoot them dead” ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ‘pasaway’ sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), nais naman paimbestigahan muna nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) Gen. Archie Gamboa ang kontrobersiyal na mga retrato ng papiging ni    National Capital Region Police Office (NCRPO) Director …

Read More »

1.5-M tambay na Pinoy Dahil sa ECQ isosogang COVID-19 contact tracer (Walang alam sa medisina)

philippines Corona Virus Covid-19

ISASABAK kontra pandemyang coronavirus (COVID-19) ang may 1.5 milyong Pinoy na nawalan ng trabaho mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa iba´t ibang parte ng bansa.   Iminungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo para bigyan ng trabaho bilang contact tracer ang may 1.5 milyong obrero na nawalan ng hanapbuhay dulot …

Read More »

Modified ECQ ibinaba sa NCR, Laguna, Cebu City

COVID-19 lockdown

ISASAILALIM sa modified enhanced community quarantine simula sa Sabado, 16 Mayo, hanggang sa 31 Mayo ang Metro Manila, Laguna at Cebu City, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, itinuturing ang mga nasabing lugar bilang high risk para sa coronavirus disease (COVID-19) infection batay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease Resolution No. 35. …

Read More »

Duterte dapat managot sa “criminal neglect”— CPP

DAPAT managot si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang kapabayaan sa pagsugpo sa coronavirus disease (COVID-19) na nagresulta sa nararanasang humanitarian crisis sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Inihayag ito sa kalatas ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ipinadala sa media kahapon. Ayon sa CPP, literal na nasa bingit ng kamatayan ang milyon-milyong pamilya dahil sa …

Read More »

3 Marawi generals vs Covid-19 palpak din — Pol activist (‘Virus’ sa Maranao’s haven siege hindi napuksa)

NAGBABALA ang isang Mindanao-based political activist sa papel ng tatlong retiradong “Marawi generals” sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Nakasaad ito sa artikulo ni Raymund de Silva, isang political activist na nakabase sa Mindanao sa loob ng tatlong dekada, na may titulong COVID-19: Its Impact on the Philippines para sa Europe Solidaire Sans Frontiers at inilathala …

Read More »

Religious activities para payagan… Simbahan hinimok manawagan sa lokal na pamahalaan

HINIMOK ng Malacañang ang mga lider ng mga Simbahan sa mga lokal na pamahalaan na manawagan para payagan makabalik ang religious activities habang umiiral ang enhanced at general community quarantine bilang pag-iingat laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang tumanggi sa pagbabalik ng religious activities dahil imposibleng …

Read More »

Sec. Andanar nag-memo: PCOO social media pages cross posting bawal na

Martin Andanar PCOO

IPINAGBAWAL na sa official social media pages ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang cross posting ng ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa hindi awtorisadong paskil ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) sa kanilang social media pages kaugnay sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN noong Sabado.   Sa inilabas na Department …

Read More »

Ayuda sa mahihirap ‘wag kanain — Palasyo (‘Scam’ sa SAP)

HUWAG ‘kanain’ ang ayuda para sa mahihirap. Nagbabala kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque na aarestohin ng mga pulis at ikukulong sa quarantine facilities ang mga opisyal ng barangay na magnanakaw sa mga ayuda ng pamahalaan para sa mga maralita. “Kinakailangang ikulong sila nang maturuan ng leksiyon na huwag pong ‘kanain’ ang ayuda na nakalaan para sa pinakamahihirap sa ating …

Read More »