Thursday , June 4 2026

IATF ‘Kagulo’ sa Covid -19 second wave ni Duque  

NAGULAT at kinontra ng dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na pinakamalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Inter-Agency Task Force ( IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease  chairman at Health Secretary Francisco Duque na nasa second wave na ang pandemyang coronavirus ( COVID-19) sa bansa.

 

Kapwa itinanggi nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang pahayag na second wave ng COVID-19 sa bansa ni Duque.

 

“Alam mo hindi pronouncement ng Presidente ‘yan or ano. Kailan ba lumabas ‘yang second wave? That we will have to see. Because as far as I know, wala pa tayo sa second wave,” ayon kay Medialdea.

 

Pakiusap ni Medialdea, huwag nating asahan ang second wave at dahil malakas magdasal ang mga Pinoy hindi ito dapat mangyari.

 

“Wala pa tayo sa second wave. E idinadasal natin. Malakas ho siguro tayo magdasal.  ‘Wag nating i-expect, ‘wag nating asahan, puwede ba?” ani Medialdea.

 

Nanindigan si Go na wala pang COVID-19 second wave sa bansa at mahihirapan ang bansa kapag nangyari ito.

 

“Wala pa. Mahirapan tayo pag nasa second wave,” ani Go.

 

Sa virtual Senate hearing kahapon, inilinaw ni Duque na itinuturing na first wave ang pag-uumpisa ng COVID-19 sa bansa.

 

Base aniya sa epidemiologist, nangyari ang first wave ng nakahahawang sakit noong Enero kung kailan naitala ang unang tatlong COVID-19 cases sa Chinese nationals mula Wuhan City.

 

Kumikilos aniya ang DOH upang ma-flatten ang curve ng COVID-19 at magkaroon ng sapat na panahon ang gobyerno upang mapaunlad ang kapasidad ng health system sa bansa. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …