Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

‘Laging Handa’ butata sa COVID-19

TALIWAS sa paulit-ulit na panawagan sa publiko ng programang Laging Handa sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), desmayado ang ilang empleyado ng state-run network sa tila pagpapabaya sa kanila kaya’t may 19 kawani ang nagpositibo sa nasabing sakit. Batay sa source, noong 5 Hulyo, napaulat na nagpositibo …

Read More »

Mega web of corruption: P1.5-B DepEd project, obrero ng IBC-13 etsapuwera (Ika-limang Bahagi)

ni Rose Novenario HUMIHIRIT ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Kongreso na dagdagan ang budget ng state-run network ng P1.5 bilyon para tustusan ang modernisasyon ng mga pasilidad at kagamitan nito bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Naging malaking palaisipan sa mga magulang, mag-aaral at akademista kung aabot sa napipintong pagbubukas …

Read More »

Go nakiusap: Kalayaan gamitin nang tama

“PLEASE use your freedom wisely.” Payo ito ni Sen. Christopher “Bong” Go sa publiko kasunod ng ulat na nagpadala ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isang estudyante dahil sa pag-share ng isang post sa social media na kritikal sa senador. Paliwanag ni Go, kinikilala niya ang kalayaan sa pamamahayag bilang batayang karapatan ng bawat Filipino ngunit kailangan …

Read More »

Mega web of corruption: Ikinakasang DepEd online education hi-tech pero ‘pabigat’ at komersiyalisado

deped Digital education online learning

ni ROSE NOVENARIO NAG-VIRAL sa social media noong nakaraang buwan ang mga larawan ng mga guro sa Davao de Oro na nagkumpulan sa tabi ng kalsada para makakuha ng malakas na data connection signal bilang paghahanda sa mekanisno ng distance learning batay sa ipinaiiral na health protocols sa panahon ng pandemyang COVID-19. Bukod sa mga guro, napaulat din na ilang …

Read More »

Mega web of corruption: DepEd project ‘niluto’ over cups of coffee (Ikatlong Bahagi)

DepEd Money

PIPING saksi ang apat na sulok ng isang restawran sa five-star hotel sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa ‘pagluluto’ ng mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ehekutibo ng isang state-run television network sa panukalang proyekto sa Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na tinatayang aabot sa halagang …

Read More »

Jerry Gracio, sariling resignasyon iginiit sa KWF

NAPUNO na ang salop.   Hindi na kinaya ng isang opisyal ng gobyerno na magsilbi sa isang administrasyon na aniya’y walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado.   “Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag …

Read More »

Mega web of corruption: Bloated salary scheme ng TV execs bistado (Ikalawang Bahagi)

bagman money

NAKAKITA ng oportunidad ang ilang ehekutibo ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) hindi para ibangon ang naghihingalong state-run TV network kundi para ‘patabain’ ang kanilang sariling bulsa.   Isasakatuparan umano ito sa pamamagitan ng pinalobong suweldo ng mga kukunin nilang mga empleyado sa implementasyon ng panukalang proyekto ng Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang IBC-13 na tinatayang …

Read More »

Palasyo ‘kabado’ sa People’s Initiative(Sa ABS-CBN franchise)

abs cbn

MAAARING pagka­looban ng bagong prankisa ang ABS-CBN sa pamamagitan ng people’s initiative o ang kapangyarihan ng mga mamamayan na magpanukala at mag­pasa ng batas, mag-aproba o magbasura ng isang batas na naipasa ng Kongreso. Lumutang ang nasabing isyu matapos ibasura ng  Committee on Legislative Franchises ng Kamara sa botong 70-11 ang hirit na prankisa ng ABS-CBN. “We also take note …

Read More »

Mega web of corruption: State-run TV station ‘pitaka’ ng execs (Unang Bahagi)

PAANO nakatutulog nang mahim­bing sa gabi ang isang opisyal ng gobyerno ng isang ‘naghihingalong’ state-run TV station na sumasahod ng P200,784.58 kada buwan habang may mga kawaning sumusuweldo lamang ng mahigit P6,000 hanggang P8,000 isang buwan? Tanong ito matapos mabatid na ang president and chief executive officer ng Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13), isang government-owned and controlled corporation (GOCC), ay tumatanggap …

Read More »

Duterte sa leftist at communist groups: Terorista kayo!

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Anti-Terrorism Law ay kanyang nilagdaan para maging legal na armas laban sa mga makakaliwa at komunistang grupo. Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa pagtatwa ng ilang miyembro ng kanyang gabinete na walang dapat ikatakot ang mga leftist at mga komunista dahil hindi para sa kanila ang kontrobersiyal na Republic Act 11479 o …

Read More »

Palasyo sumuko sa gera vs Covid (Ipinasa kay ‘Juan dela Cruz’)

DUMISTANSIYA na ang Palasyo sa obligasyon na sugpuin ang pandemyang coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas at ipinauubaya na sa mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan ang responsibilidad na mapabagal ang pagkalat ng sakit. Sa virtual press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dahil wala nang ayudang maibibigay ang national government kaya mas malaki na ang responsibilidad ng …

Read More »

Emotional, mental health ng pangulo apektado ng ‘rubout

AMINADO ang Palasyo na labis na ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “rubout” sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu kaya matamlay at tila apektado ang kanyang mental health nang humarap sa mga military sa Zamboanga City noong nakaraang Biyernes. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi isyu ng pisikal na kalusugan ang sanhi ng panlulumo ng Pangulo at panginginig …

Read More »

Meralco bill ‘overpriced’ (Dahil sa ‘anti-consumer billing process’)

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na dapat pag-aralan ng gobyerno ang pagsasampa ng kaso laban sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa hindi maayos at nakababalisang ‘billing charges.’ Sa pagdinig ng Senate Energy Committee na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Hontiveros na ang kanyang posisyon ay base sa ‘anti- consumer billing process’ ng Meralco na kanilang ikinasa sa …

Read More »

Kinatawan sa BARMM iginiit ni Alonto

BARMM

NANAWAGAN si Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Zia Alonto Adiong kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng kina­tawan ng Bangsamoro sa bubuuing Anti-Terrorism Council (ATC) na magpapa­tupad ng Anti-Terrorism Act (ATA). Dapat aniya ay may kinatawan ang BARMM sa ATC para maipa­liwanag ang konteksto ng terrorism on the ground. Sabi ni Adiong, hindi kinonsulta ang BARMM …

Read More »

‘Destabilizer’ lagot sa Anti-Terrorism Act

KABILANG sa mga delikado sa Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) ang mga mahilig magpakana ng pang-aagaw sa kapang­yarihan dahil saklaw ng krimeng terorismo ang seryosong pagsusulong ng destabilisasyon laban sa pamahalaan at may parusang habambuhay na pagkabilanggo. “It is also clear that any terroristic act mentioned in Section 4 must be done ‘to intimidate the general public or a …

Read More »

Misteryo sa army intel agents rubout, hahalukayin ni Año

HAHALUKAYIN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang ‘misteryo’ sa pagpaslang ng mga pulis sa apat na intelligence officers ng Philippine Army (PA) sa Jolo, Sulu upang mabigyan ng hustisya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may personal interest si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman ang …

Read More »

Hari ng kalsada balik-pasada na

BALIK-KALSADA na ang anim na libong tradisyonal na pampasaherong jeepney simula ngayon, Biyernes, 3 Hulyo,  ayon sa Palasyo. “Papasada na po bukas, a-tres ng Hulyo, ang mahigit na 6,000 roadworthy traditional jeepneys sa Metro Manila sa may apatnapu’t siyam na ruta,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa Palace virtual press briefing kahapon. Tinukoy ni Roque ang mga pamantayan na …

Read More »

9 pulis sa ‘rubout’ wanted kay Digong

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na iharap sa kanya ang siyam na pulis na sangkot sa “rubout” sa apat na sundalo ng Philippine Army sa Sulu. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bago nagsimula ang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inihayag ng …

Read More »

Cimatu natuliro sa Cebu  

MISTULANG sinisi ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagbabalik sa Cebu City ng overseas Filipino workers (OFWs) at locally stranded individuals (LSIs) sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa siyudad na itinuturing ngayong epicenter ng pandemya sa Filipinas. Isinugo ni Pangulong Rodrigo Dutere si Cimatu sa Cebu City upang maging troubleshooter at tutukan ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa …

Read More »

Palasyo, olats sa Covid-19 (Wagi umano sa UP experts)

IPINAGBUNYI ng Palasyo ang ‘panalo’ laban sa prediksiyon ng University of the Philippines (UP) experts na aabot sa 40,000 ang kaso ng coronovirus disease sa bansa sa katapusan ng Hunyo 2020. “Congratulations Philippines!” masayang winika ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing sa Malacañang dahil 36,438 ang naitalang kaso ng COVID-19 kahapon o mas mababa sa taya ng …

Read More »

Formula ni Goma ginagad ni Año (Bawal ang home quarantine)

GINAYA ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease member at DILG Secretary Eduardo Año ang “Goma’s formula” o ang pagbabawal ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa home quarantine para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).   Inihayag kahapon ni Año, hindi na papayagan na isailaim sa home quarantine ang COVID-19 patients sa Cebu at ilalagak …

Read More »

Untouchable? Palasyo deadma sa petisyon ng Cebuanos vs. Dino

MAY tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino kahit isang petisyon ang umuusad na humihiling na ipatanggal siya sa puwesto dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at sinabing pagkakasangkot sa iregularidad sa P1-bilyong pondo ng Cebu City kontra COVID-19. Sa Palace virtual press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, habang …

Read More »

Oust Mike Dino, hirit ng Cebuanos kay Duterte (P1-B anti-COVID-19 budget ng Cebu imbestigahan)

PATALSIKIN si Mike Dino bilang presidential assistant for the Visayas. Inihirit ito ng mga Cebuano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online petition na may titulong “Replace OPAV Dino” na pinangunahan ng isang Juan Alfafara bunsod ng umano’y paggamit ni Dino sa kanyang puwesto para sa personal na interes, at panlalait nang tawagin na “Mga bogo silang tanan” (Mga …

Read More »

GMRC, Values Education ibinalik ng palamurang si Presidente Duterte

IBINALIK ng isang Pangulo na mahilig magmura at magbanta, ang isang batas na itinatakda ang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education sa elementary at high school. Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 na nagsasaad na dapat isama sa K-12 curriculum ang komprehensibong GMRC at Values Education program kapalit ng Edukasyon sa …

Read More »