Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

3-buwan P10K ayuda at price control dapat ibigay ng gobyerno sa mahihirap (Para makabangon sa epekto ng pandemya)

KAGYAT na bigyan ng P10,000 ayuda sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang mga pamilyang mahihirap at kontrolin ang presyo ng mga bilihin, ang dapat iprayoridad ng administrasyong Duterte upang maisalba sa matinding dagok ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Ipinanukala ito ng research group na Ibon Foundation sa pamahalaan sa gitna ng kawalan ng trabaho at pagbagsak ng kita …

Read More »

Minors 10-14 anyos stay at home pa rin

philippines Corona Virus Covid-19

KINATIGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng mga doktor na huwag munang pahin­tulutang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 hanggang 14 anyos. Ang desisyon ng Pangulo ay taliwas sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Disease na payagan nang lumabas ang mga batang 10-14 anyos sa mga lugar na nasa ilalim …

Read More »

Pera ng Juan, sulit sa Iskolar ng Bayan

NAPAPAKINABANGAN ng sambayanang Filipino ang mga resulta ng pagsasaliksik ng mga nagtapos sa University of the Philippines (UP) lalo sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic taliwas sa akusasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kuta ang unibersidad sa pagrerekluta ng mga komunistang grupo. Sa paglulunsad ng Saliva CoVid-19 testing ng UP katulong ang Philippine Red Cross kahapon ay ipinagmalaki …

Read More »

Parlade ‘buminggo’ ulit sa 4 NCR universities

BUMINGGO na naman ang walang pakun­dangang pag-aakusa ni Southern Luzon Command (SolCom) chief at gov’t anti-communist mouthpiece Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., sa apat na unibersidad sa Metro Manila bilang “recruitment havens” ng mga grupong komu­nista. Sa inilabas na joint statement, tinuligsa ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, at ng Far Eastern University …

Read More »

‘Red-tagging’ ng AFP butata (Lorenzana nag-sorry)

ni ROSE NOVENARIO WALANG kapatawaran ang kahihiyang ginawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang isama ang ilang nagtapos sa University of the Philippines (UP) sa listahan ng umano’y narekrut ng New People’s Army (NPA). Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagkamali ang AFP at tinawag ito na isang “unpardonable gaffe.” Tiniyak niya na hihingi ng paumanhin ang …

Read More »

Duterte tiwala pa rin kay Diokno

BUO pa rin ang tiwala at kompiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kahit inakusahan siyang sabit sa umano’y maanomal­yang P1.75-bilyong national ID system contract. Tiniyak ito kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing. “In fact, he trusted him so much that he promoted him to become Central Bank Governor,” …

Read More »

Palasyo umaasang PH-US relations magpapatuloy (Sa administrasyon ni Biden)

UMAASA ang Malacañang na magpa­patuloy ang pagtutu­lungan ng Filipinas at Amerika tungo sa mas malaya at mas mapa­yapang mundo sa pag-upo ni Joe Biden bilang ika-46 pangulo ng US. “We in the Philippines look forward to continuing our long-standing partnership with the United States in working together for a freer, more peaceful world,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa …

Read More »

Duque, Galvez, mag-walkout kayo — Duterte (Kapag binastos sa Senate hearing)

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa niyang opisyal na mag-walkout sa Senate hearing kaugnay sa national vaccination program kapag binastos ng mga senador. Narinig umano ni Presidential Spokesman Harry Roque ang direktiba ni Pangulong Duterte kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., sa kanilang pulong noong Lunes. Humingi aniya ng pahintulot si Galvez sa …

Read More »

Roque ‘sumabog’ sa hamon ng UP prof na tuligsain si Lorenzana

ni ROSE NOVENARIO MISTULANG machine gun na niratrat ni Secretary Harry Roque si The Source anchor Pink Webb nang hingin ang kanyang reaksiyon sa hamon ni UP journalism professor Danilo Arao sa lahat ng UP faculty at alumni na matataas na opisyal ng administrasyong Duterte na tuligsain ang pagkansela ni Lorenzana sa kasunduan. “There is one more reaction sir that …

Read More »

Kanselasyon ng 1989 UP-DND accord diskarte ni Lorenzana (Duterte ‘di kinonsulta)

ni ROSE NOVENARIO SARILING diskarte ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi ikinonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela sa 1989 UP-DND Accord, ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga campus ng University of the Philippines (UP). Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw matapos ihayag na suportado ng …

Read More »

Buntot ni Digong ‘nabahag’ sa Senado

WALA pang 24-oras mula nang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado sa imbestigasyon sa vaccine procurement deal ng administrasyon at akusahan ang ilang senador na pinapaboran ang paggamit ng mga bakuna ng Pfizer ay inatasan niya si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ipaalam kay Senate President Tito Sotto ang mga kasunduan sa pagbili ng gobyerno ng CoVid-19 vaccines. …

Read More »

Pagkamatay ng 25 Norwegians, ipinanakot ni Duterte sa mga senador

GINAWANG panakot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na sinabing kursunada ang Pfizer CoVid-19 vaccine ang pagkamatay ng 25 Norwegian elders na naturukan ng bakunang gawa ng pharmaceutical company. “Ayan ‘yung sa Pfizer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo,” ayon kay Duterte sa …

Read More »

Duterte pabor sa kanselasyon ng 1989 UP-DND Accord

ni ROSE NOVENARIO PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkansela ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 UPD-DND Accord o ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga pamantasan ng University of the Philippines (UP) System. “Si Secretary Loren­zana is an alter ego of the President. Of couse, the President supports the …

Read More »

Harry Roque vs Vice Ganda, panlaba hanggang bakuna nag-upakan sa social media

BINUWELTAHAN ng Palasyo si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa pagbatikos sa administrasyong Duterte sa pahayag na hindi dapat maging choosy sa CoVid-19 vaccine dahil libre naman. Matatandaan, bilang sagot sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa CoVid-19 vaccine, sinabi ng Kapamilya comedian sa isang tweet, “Sa sabong panlaba nga choosy …

Read More »

‘Pandemic quarantine’ gamit sa political agenda ng Duterte regime

ni ROSE NOVENARIO SINASAMANTALA ng rehimeng Duterte ang pandemya upang isulong ang political agenda mula Anti-Terror Law hanggang Charter change at supilin ang mga protesta. Inihayag ito ng Second Opinion, isang grupo ng mga doktor at siyentista na nagsisilbing alternatibong boses sa mga usapin kaugnay ng CoVid-19. “Quarantine is now being used to quell dissent while the Duterte regime pushes …

Read More »

PH senior citizens puwera sa bakuna — Galvez (23 Norwegian seniors patay sa vaccine)

ni ROSE NOVENARIO ETSAPUWERA muna ang mga senior citizen sa pila ng mga prayoridad na tuturukan ng CoVid-19 vaccine sa Filipinas. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., napag-usapan nila ni Health Secretary Francisco Duque III na uunahing bakunahan ang 18-anyos hanggang 59-anyos at saka na lamang tuturukan ng CoVid-19 vaccine ang senior citizens kapag mayroon nang bakuna na angkop …

Read More »

‘President Sara Duterte,’ tablado kay Tatay Digong

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uudyok sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na lumahok sa 2022 presidential derby. “And my daughter inuudyok naman nila. Sabi ko, ‘My daughter is not running.’ I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa daraanan niya na dinaanan ko,” aniya sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway …

Read More »

Duterte ‘med rep’ ng Sinovac

NAGMISTULANG medical representative ng Sinovac si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatanggol sa bakuna kontra CoVid-19 na gawa ng China. Sa kanyang talk to the people kamakalawa ng gabi, ginarantiyahan ni Pangulong Duterte na “safe, sure and secure” ang Sinovac dahil matalino ang mga Intsik na gumawa nito. “Now, the bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any …

Read More »

Kahit #1 red-tagger Duterte BFF ng communist China

KAHIT nangunguna sa red-tagging sa ilang progresibong mamba­ba­­tas at organisasyon sa Filipinas, itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na BFF o best friend forever ang komunistang bansang China. Kilalang red-tagger at ninanais ipatanggal ni Pangulong Duterte sa 1987 Constitution ang probisyon kaugnay sa partylist system upang hindi na makalahok sa eleksiyon ang mga progresibong partylist representatives na iniuugnay niya sa Communist …

Read More »

Cha-cha ni Duterte desperadong tangka para kumapit sa poder, kritiko nais patahimikin

DESPERADONG pagta­tang­ka ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangunyapit sa puwesto at patahimikin ang mga kritiko sa isinusulong na Charter change o pag-amyenda sa 1987 Constitution sa Kongreso, ayon sa mga progresibong personalidad. Sa kalatas ay sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro na hindi na siya magugulat kung isasama ng mga mambabatas ang pagtatanggal ng term limits upang pangalagaan ang kanilang …

Read More »

Bakuna ng China “soft power diplomacy” sa katunggaling bansa

MAAARING magamit ng China ang mga ginawa nilang bakuna kontra CoVid-19 para mapalam­bot ang posisyon ng mga bansang kaalitan o kaagaw nila sa teritoryo. Ang pagsusumikap ng China na bigyang prayoridad sa kanilang bakuna ang hindi maya­ya­mang bansa ay posi­bleng maging kasangka­pan para gumanda ang imahen at  isulong ang ‘soft power’ diplomacy, ayon kay Yangzhong Huang, isang senior fellow for global …

Read More »

5 bansa idinagdag sa travel restriction

IDINAGDAG ang lima pang bansa sa ipinatutu­pad na  travel restriction sa Filipinas dahil sa bagong CoVid-19 variant. Inihayag ni Presidential spokes­person Harry Roque na kasama sa travel restriction ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman. “Ipinagbabawal po ang pagpasok ng mga dayuhan galing sa mga bansang ito, galing po roon sa mga lugar iyon effective January 13, 2021 at noon …

Read More »

Bakunang aprobado ng FDA ligtas (Palasyo kibit-balikat sa Kritisismo)

HINDI natinag ang Palasyo sa mga kritisis­mo sa pahayag na hindi puwedeng maging ‘choosy’ ang mga Pinoy at nanindigan na go­byerno ang masusunod at hindi puwedeng mamili ang mamama­yan ng tatak ng CoVid-19 vaccine alinsunod sa national immunization program. Katuwiran ng Malacañang, lahat ng tatak ng bakuna na aaprobahan at bibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug …

Read More »

200k Pinoys turok-bakunakada araw — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO TARGET ng gobyernong mabaku­nahan laban sa CoVid-19 ang may 200,000 Pinoy kada araw. Upang maisaka­tuparan ito’y suma­sailalim sa training ang 25,000 vaccinators, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez. Inihahanda aniya ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ang listahan ng mga indibidwal na maba­bakunahan. Nais aniya ng gobyer­no na makabili ng 148 milyon doses ng CoVid-19 …

Read More »