PORMAL na binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang bagong renovate na sports complex bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng lungsod. Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para sa gym. “The Navotas Sports Complex bore witness to some of our city’s milestone events. …
Read More »
Sa Caloocan City
MALAPITAN, SPEAKER ROMUALDEZ, NANGUNA SA PAGDIRIWANG NG IKA-125 INDEPENDENCE DAY
PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Filipinas sa makasaysayang Bonifacio monument. Sinimulan ni Mayor Along ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng pagkilala sa sakripisyo ng mga pambansang bayani na nagdulot ng malaya at magandang kinabukasang tinatamasa ngayon ng mga Filipino. “Noong ipinaglaban …
Read More »
Inatake ng epilepsy
TANOD NALUNOD
PATAY ang isang barangay tanod matapos malunod sa ilog nang atakehin ng epilepsy sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Richard Balong Orque, 51 anyos, tanod ng barangay sa San Rafael Village ng lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon nina P/CMSgt. Aurelito Galvez at P/SSgt. Allan Bangayan, pinuntahan ng biktima ang bagong biling steel sheet sa gilid ng …
Read More »
Inakalang babarilin ng negosyante
BOGA INAGAW NG ‘KLASMEYT’
SINUNGGABAN at inagaw ng dating kaklase ang baril ng isang negosyante na ipagyayabang sana ngunit inakala ng biktima na gagamitin ito sa kanya ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Bengie Nalogoc at P/Cpl. Rocky Pagindas, nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan si Arnold Arigadas, 40 anyos, ng 134 Sitio Santo Niño, Governor Pascual St., Brgy. …
Read More »
Mula sa Commission on Audit (COA)
NAVOTAS NAGKAMIT MULI “UNMODIFIED OPINION”
NAKAMIT muli ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) at pinananatili nito ang rekord sa loob ng magkakasunod na walong taon. Tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang COA report mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit. Mula noong 2016, ang Navotas ay nakakuha ng “unmodified opinion,” bukod tanging lokal …
Read More »
Sa isang-linggong transport strike
F2F CLASSES SA NAVOTAS, SUSPENDIDO
INIANUNSIYO ng pamahalaang lungsod ng Navotas na suspendido muna ang onsite o face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod simula 6 Marso hanggang 12 Marso 2023. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay para hindi maabala ang mga mag-aaral at masiguro ang kanilang kaligtasan habang may transport strike. “Distance learning modality through online …
Read More »Camanava LGUs, nagbigay ng Libreng Sakay sa commuters
UPANG tiyakin ang kaligtasan at hindi maabala ang commuters sa kanilang pupuntahan sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada, agad umalalay at nagbigay ng Libreng Sakay ang mga local government units (LGUs) ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela. Sa Caloocan, higit 65 sasakyan ang ipinakalat ng pamahalaang lungsod upang magbigay ng libreng sakay sa iba’t ibang ruta sa buong lungsod, …
Read More »Rank 8 most wanted person ng Nueva Ecija, huli sa Vale
NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang lalakingnakalistang rank no. 8 most wanted person (MWP) sa Central Luzon matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Cpt. Ronald Sanchez, hepe ng Valenzuela City Police Station Intelligence Section (SIS) ang naarestong akusadong si Celestino Collantes, Jr., 51 anyos, residente sa Diam St., Barangay Gen. T. De …
Read More »
Parokyano huli rin
2 BEBOT NA TULAK TIMBOG SA PARAK
SWAK sa kulungan ang dalawang babaeng tulak ng ilegal na droga, kasama ang kanilang parokyano sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang mga suspek na sina Imelda Ilagan, alyas Dang, 30 anyos; Jennifer Tolentino, alyas Jenny, 40 anyos; kapwa ng Brgy. 4, Caloocan City; …
Read More »
Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO
BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga suspek na sina Ferdinand Contreras, 38 anyos, ng C Raze St. Brgy. Lingunan at Eric Magtalas, 47 anyos, residente ng 7th St. Fortune 5, Brgy. …
Read More »Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust
KULONG na ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” matapos makuhanan ng nasa 570 gramo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Jomari Casbadillo, 28 anyos, (pusher/listed) at Mark Joseph Nicandro alyas …
Read More »
Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE
HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory rape ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura ang suspek na si Johnny Vacual, residente ng #18 B. Ilang-Ilang St., Brgy. Marulas ng nasabing siyudad. Ayon kay …
Read More »Rank 6 MWP ng Navotas ‘nalambat’ sa Malabon
NAARESTO ang isang lalaking nakatala bilang rank 6 most wanted person (MWP) sa Navotas City dahil sa kasong panggagahasa nang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rommel Declaros, 24 anyos, residente sa Ugnatan St., Brgy. Concepcion, Malabon City. Sa report …
Read More »‘Tulak’ timbog sa P.1-M droga
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P100,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang pinagsususpetsahang drug pusher na naaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Noel Delos Santos, 44 anyos, residente sa Malaria 1, Tala Road, …
Read More »
Sa Caloocan City
10 SUGATAN SA AUV, 4 MOTORSIKLONG INARARO NG SUV DRIVER NA SENGLOT
SAMPU-KATAO ang napaulat na nasugatan matapos ararohin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang isang Asian utility vehicle (AUV) at apat na motorsiklo bago banggain ang harapan ng isang botika sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Isinugod sa magkakaibang pagamutan sa Tala Hospital, Bernardino Hospital, at Caloocan North Medical Center ang mga biktimang sina Rogelio Desiderio, 37 anyos, ng San …
Read More »Navotas namahagi ng livelihood packages
NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan program ng NavotaAs Hanapbuhay Center. Sa bilang na ito, 30 ang senior citizens, 10 ang persons with disabilities (PWDs), 20 ang parents of child laborers, at 20 ang retired o displaced overseas Filipino workers (OFWs). Hinikayat ni Cong. Toby Tiangco ang mga benepisaryo …
Read More »
Sa P68-K shabu
MAG-SYOTA NASAKOTE SA BUYBUST
HINDI nakapalag ang magsyotang markado bilang drug personalities nang malambat sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Arnold Mendoza, 46 anyos, taga-Brgy. San Roque, ng nasabing lungsod, at Mary Grace Yango, 47 anyos, residente sa Brgy. Longos, Malabon City. Ayon kay Col. …
Read More »3 napinsala sa sunog
TATLO-KATAO ang napaulat na nasugatan matapos sumiklab ang sunog bago ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City, Sabado ng hapon. Kinilala ang mga sugatang sina Jay ar Perez, 32 anyos, nasugatan sa kanang kamay, Jeffrey Magtango, 28 anyos, sugat sa kaliwang pulso, at Mark Allen Palomata, 24 anyos, nagtamo din ng sugat sa kaliwang kamay. Sa inisyal na imbestigasyon …
Read More »13 sugatan sa 2023
UMABOT sa 13 indibidwal ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City. Sa report ni P/SSgt. Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, noong 8:00 am ng 1 Enero 2023, 13 indibidwal ang naitala na dinala sa Navotas City Hospital (NCH) dahil sa mga pinsalang may kinalaman sa …
Read More »P16.1-M shabu nasabat sa big time (HVI) tulak
ARESTADO ang isang notoryus drug pusher na nakatala bilang high-value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek si Noel Herrera, alyas Toto, 55 anyos, residente sa Margarita St., Brgy. Niugan. Sa kanyang ulat kay Northern Police …
Read More »
Express delivery office nilooban ng walong armado
EMPLEYADONG BEBOT BINOGA
MALUBHANG nasugatan ang isang babaeng empleyado nang barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express, dahil sa tig-isang tama ng bala sa …
Read More »P.3-M shabu kompiskado sa notoryus tulak sa Kankaloo
ARESTADO ang isang notoryus na drug pusher, nakatala bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan city police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jovanie Monis, alyas Vanie, 42 anyos, ng Bagong Silang, Brgy. 176, ng …
Read More »Kelot timbog sa boga
SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jeffrey Gumaru, 37 anyos, residente sa 3rd Avenue, Brgy. 118 ng nasabing lungsod. Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. …
Read More »
Pekeng Makita products bibili
TSEKWANG NEGOSYANTE HULI
ARESTADO ang isang Chinese national na sinabing sangkot sa pagbebenta ng mga counterfeit na Makita products sa bisa ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Erosita Miranda ang inarestong suspek na si Hong Xiao Bao, alyas Ben Ong, 34 anyos, owner/manager ng Credibility Logistics …
Read More »
P.4M shabu, nasabat
2 TULAK TIMBOG SA DRUG – BUST
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhaan ng halos P.4 milyong halaga ng shabu nang malambat sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Jomarie Amaro, alyas Oman, 27 anyos, at …
Read More »