Friday , June 13 2025
Arrest Posas Handcuff

Rank 6 MWP ng Navotas ‘nalambat’  sa Malabon

NAARESTO ang isang lalaking nakatala bilang rank 6 most wanted person (MWP) sa Navotas City dahil sa kasong panggagahasa nang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rommel Declaros, 24 anyos, residente sa Ugnatan St., Brgy. Concepcion, Malabon City.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) District Director, P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. Tañong, Malabon City.

Dakong 1:30 pm, kasama ang CIDG-SOU at DSOU-NPD sa pangunguna ni P/Major Felix Venancio Rivera, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Declaros sa Leaño St., Brgy. Tañong.

Si Declaros ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 9, Navotas City noong 14 Nobyembre 2022, para sa kasong Rape. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Senate CHED

4 na higher education bills ni Cayetano, pasado na sa Final Reading sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado sa 3rd and Final Reading nitong Lunes, 9 Hunyo ang apat na …

Gen Nicolas Torre III

Torre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 HunyoTorreTorre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 Hunyo

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik …

arrest, posas, fingerprints

NAIA employee timbog sa human trafficking

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng empleyado ng …