Tuesday , February 27 2024
lovers syota posas arrest

Sa P68-K shabu
MAG-SYOTA NASAKOTE SA BUYBUST

HINDI nakapalag ang magsyotang markado bilang drug personalities nang malambat sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Arnold Mendoza, 46 anyos, taga-Brgy. San Roque, ng  nasabing lungsod, at Mary Grace Yango, 47 anyos, residente sa Brgy. Longos, Malabon City.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 2:40 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Luis Rufo, Jr., ng buy-bust operation sa Leongson St., Brgy. San Roque nang natanggap ang impormasyon tungkol sa pagbebenta ng shabu ni Mendoza.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon ng P500 halaga ng shabu kay Mendoza at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur buyer ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek, kasama si Yango.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 10 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang P68,000 sa standard drug price at buy-bust money.

Nahaharap ang magsyota sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …