Saturday , November 23 2024

Hataw

Dalagita tinurbo ng 3 kelot sa harap ng BF

BUTUAN CITY – Tinutugis ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 (BCPS-1) ang dalawa sa tatlong lalaking tumakas makaraan halinhinang gahasain ang isang dalagita sa harapan ng kanyang kasintahan sa Butuan By The River. Unang nadakip ang isa sa mga suspek base na rin sa kompirmasyon ng 17-anyos biktima na itinago sa pangalang “Inday” nang makita ang suspek …

Read More »

Karapatan ng mangingisda segurado kay Ebdane

TINIYAK ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na ang mga karapatan ng daan-daang mangingisda ay maipagkakaloob bilang kaagapay sa kanilang pangkabuhayan sa oras na maipasubasta ang mga ‘palutang’ o ang Chinese dredge floaters na natagpuan sa karagatang sakop ng Brgy. Sto. Cristo, na binabantayan na ng provincial government ang nasabing mga palutang. Ipinunto ni Ebdane ang Article 719 ng Civil …

Read More »

Butz Aquino pumanaw na

Pumanaw na si dating Sen. Agapito “Butz” Aquino, 76. Ayon sa kanyang pamangkin na si Sen. Bam Aquino, binawian ng buhay ang dating senador dahil sa kom-plikasyon habang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan. Si Aquino dalawang terminong nagsilbi bilang senador. Si dating Sen. Butz Aquino ay kilala noon na malamig sa politika at walang balak na kumandidato …

Read More »

Grace ayaw kay ‘Frankie’(Sasagot kay Mar sa tamang panahon)

SINABI ni Senadora Grace Poe na katulad ni Yaya Dub ayaw niyang mapunta kay Frankie Arinoli ng Aldub phenomenon, kaya’t pinag-aaralan niyang mabuti at sasabihin sa tamang panahon kung siya ay tatakbo sa mas mataas na posisyon.  Ito ang naging reaksiyon ng senadora makaraan aminin na nagtungo sa kanyàng tahanan kamakalawa ng gabi si DILG Secretary Mar Roxas kasama ang …

Read More »

10 bagong helicopter ‘di gagamitin sa West PH Sea

NILINAW ni Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lt. Gen. Jeffrey Delgado, hindi gagamitin sa maritime patrols sa West Philippine Sea ang 10 brand new helicopters na binubuo ng walong Bell-412 EPs utility helicopter, at dalawang Augusta Westland attack helicopter. Ayon kay Delgado, kanilang ide-deploy sa Mindanao,Visayas at Luzon ang mga helicopter at walang plano ang Hukbong Panghimpapawid na i-deploy …

Read More »

DoJ probe sa INC muling idinepensa ng Palasyo

BINIGYANG-DIIN ng Malacañang na “no one is above the law” o walang nakatataas sa batas. Sa harap ito nang pahayag ni Atty. Harry Roque na hindi raw dapat nakikialam ang Department of Justice (DoJ) sa internal affairs ng Iglesia ni Cristo (INC). Ito ay kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng DoJ sa pamamagitan ng NBI sa sinasabing nagkaroon ng abduction at …

Read More »

Parating na bagyo category 4 na

PATULOY ang paglakas ng bagyong may international name na Goni at bibigyan ng local name na Ineng kapag nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), nasa category 4 na typhoon o may lakas na 140-170 kph. Sa ulat ni Gladys Saludes ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Goni sa layong 2,200 …

Read More »

Kelot patay, 4 sugatan sa kotse vs trike

PATAY ang isang lalaki habang apat ang sugatan makaraang salpukin ng isang kotse ang sinasak-yan nilang tricycle sa Don Mariano Marcos Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi.  Sa ulat ni Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 2, kinilala ang biktimang si Michael Capatian, 39, driver ng tricycle, at residente ng 56 Sora St., Brgy. Paltok ng …

Read More »

BBL ni Marcos inalmahan ni Iqbal

ITINURING na ‘premature’ ni Communications Secretary Herminio Coloma ang pagbutas ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal ukol sa inilabas na bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ni Senator Bongbong Marcos. Ito’y makaraan umalma si Iqbal dahil mahigit 100 probisyon ang sinasabing tinanggal mula sa orihinal na bersyon ng BBL. Kabilang rito ang pagtatanggal ng preamble na inihalintulad ni Iqbal sa …

Read More »

Debate para sa 2016 polls suportado ni Miriam

SUPORTADO ni Sen. Miriam Dafensor-Santiago ang binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng presidential debate para sa mga kandidatong kalahok sa 2016 national elections. Ayon kay Santiago, makatutulong sa mga botante ang debate ng mga kandidato kung sino ang nararapat sa bawat posisyon sa darating na halalan. “A debate format among presidential and vice presidential candidates would test …

Read More »

Machinery vs. Popularity

HALOS siyam na buwan na lang ang nalalabi at ang pambansang eleksyon ay idaraos na.  At sa paglipas ng mga araw, tumitining naman kung sino sa dalawang presidential aspirant ang tiyak na magpupukpukan sa Mayo 2016. Si Vice president Jojo Binay na sa simula ay nanungunguna sa presidential race ay mukhang unti-unti nang naiiwan ng kanyang mga kantunggali na sina …

Read More »

Mandatory drug test sa bus drivers hikayat ng PDEA

HINIKAYAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pinuno ng transport sector para ipatupad ang mandatory drug testing sa bus drivers. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ito ay kaugnay sa insidente na kinasasangkutan ng Valisno bus noong nakaraang Miyerkoles sa Quirino Highway, Lagro, Quezon City, na ikinamatay ng apat pasahero habang 18 ang sugatan. …

Read More »

Oil spill sa nasunog na barko sa Ormoc pinangangambahan

PINANGAMBAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magaganap na oil spill sa karagatan ng Ormoc makaraan ang pagkasunog ng MV Wonderful Star ng Roble Shipping Lines. Dakong 11:30 p.m. kamakalawa nang idineklarang fireout ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa barko, at lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sa bodega nagsimula ang apoy. Kaugnay nito, patuloy na nagpapagaling ang …

Read More »

Sekyu tiklo sa pagnanakaw sa among Chinese

NAGA CITY – Arestado ang isang security guard makaraan pagnakawan ang kanyang amo na isang Chinese national sa Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Gilbert Devilles, 26-anyos. Nabatid na inilapag ng biktimang si Cao Wei, 32-anyos, project manager ng CWE Construction Company, ang bag niya na may lamang perang aabot sa P50,000. Ngunit makaraan ang ilang …

Read More »

Pasya sa TRO vs ‘Banaue photobomber’ ilalabas na

INAASAHANG ilalabas ngayong linggo ng Regional Trial Court (RTC) ng Banaue ang desisyon kaugnay sa ‘motion for reconsideration’ sa TRO laban sa tinaguriang ‘photobomber’ ng Banaue Rice Terraces. Matatandaan, hindi na pinayagan ng korte na palawigin ang naunang 72-hour TRO na inilabas nito laban sa pagpapatayo ng Banaue LGU sa seven-storey parking building sa tabi ng hagdan-hagdang palayan. Idiniin ni …

Read More »

PNP kinompirmang patay na si renegade cop Rizal Alih

KINOMPIRMA ng Philippine National Police (PNP), pumanaw na ang tinaguriang renegade cop na si Rizal Alih nitong Biyernes, Agosto 14, habang nasa loob ng kanyang detention cell sa Custodial Center sa loob ng Kampo Crame. Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt. Wilben Mayor, nakaranas si Alih ng hirap sa paghinga kaya’t isinugod sa PNP General hospital ngunit idineklarang dead …

Read More »

Planong search & rescue facilities ng China kinuwestiyon ng DND

KINUWESTIYON ng Department of National Defense (DND) ang pinaplanong pagtatayo ng China ng seach and rescue facilities sa tinaguriang disputed islands may bahagi ng West Philippine Sea. “For whom are those search-and-rescue falities?” Ito ang naging reaksyon ni DND spokesperson Dr. Peter Paul Galvez, kaugnay sa ipinahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua nang makapanayam ng mga miyembro …

Read More »

Parating na bagyo lalo pang lumakas

LUMAKAS pa at nasa severe tropical storm category na ang bagyong may international name na Goni at inaasahang tatawaging bagyong Ineng kapag nakapasok sa PAR. Ayon sa Pagasa, taglay na ngayon ng bagyong ito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 130 kph. Huli itong namataan sa layong 2,215 kilometro sa silangan ng Southern Luzon. Kumikilos pa …

Read More »

Lady vendor naglason

PATAY ang isang 33-anyos babaeng vendor makaraang uminom ng lason sa loob ng inuupahan niyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang kinilalang si Roselle Eugenio, residente ng 155 Gen. San Miguel St., Brgy. 4, Sangandaan ng nasabing lungsod, makaraan uminom ng silver cleaning solution. Batay sa ulat …

Read More »

Binatilyo nadurog sa ice crasher

NAGA CITY – Nadurog ang katawan ng isang binatilyo makaraan aksidenteng makapasok sa ice crasher sa isang planta sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Angelo Tacordo, 17, residente ng Brgy. Bagacay sa bayan ng Tinambac sa nasabing lalawigan. Nabatid na kumukuha ang biktima ng blokeng yelo para ilagay sa mga isdang ipapamili. Ngunit hindi sinasadyang …

Read More »

Comelec uupa ng 93K OMR machines

IMBES kumpunihin ang mga sirang precinct count optical scan (PCOS) machines ay uupa na lamang ng 93,000 optical mark readers (OMR) ang Commission on Elections (Comelec). Sa pulong balitaan, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, ang pagrenta ng mga makina ay higit na matipid kompara sa iba pang proseso. Aniya, safe din ito dahil sa security features ng computer system …

Read More »

Naaksidenteng Valisno bus kolorum

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may problema ang rehistro ng naaksidenteng bus ng Valisno Express. Apat ang patay habang mahigit 30 ang sugatan makaraan bumangga ang naturang bus sa arko ng boundary ng Caloocan City at Quezon City sa Quirino Highway nitong Miyerkoles. Sinasabing bago nawalan ng kontrol ang driver nito ay makailang beses siyang …

Read More »

Bongbong hindi iboboto ng Marcos loyalist

WALANG suportang makukuha si Sen. Bongbong Marcos sa mga Marcos loyalist kung tuluyan siyang tatakbo bilang running mate ni Vice President Jojo Binay.  Lalabas na walang utang na loob at hindi maituturing na tunay na dugong Marcos si Bongbong kung ang plano niyang maging bise presidente ni Binay ay matutuloy. Taksil na matatawag si Bongbong dahil mismong si Binay ang …

Read More »

Suspek sa pagpatay kay Aika Mojica sumuko sa PNP-SAF

OLONGAPO CITY- Sumuko kahapon si Niño dela Cruz y Ecaldre sa mga operatiba ng PNP Special Action Force (SAF) Force Intelligence & Investigation Division (FIID) sa pangunguna nina ni FIID Chief Supt. Jonas Amparo at Deputy Chief Supt. Regino Oñate. Ayon sa SAF FIID, sa Starmall Alabang nagpakita si Dela Cruz kasama ang kanyang nanay upang sumuko. Kahapon ay dumating …

Read More »

Water interruption sa susunod na linggo ‘di na tuloy

HINDI na matutuloy ang rotational water service interruption ng Maynilad sa susunod na linggo. Ito ay dahil balik na sa normal ang daloy ng tubig ng Maynilad sa lahat ng naapektohan ng water interruption.  Ayon kay Maynilad media relations officer Grace Laxa, nakasusunod sa iskedyul ang pipe realignment at nasa huling bahagi na ang physical works at testing dito. Dahil …

Read More »