Wednesday , December 25 2024

Niño Aclan

Boto bantayan — Bongbong (Hanggang sa huling sandali)

ISANG linggo bago ang halalan sa Mayo 9, nananawagan si vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na bantayang mabuti ang kanilang boto upang matiyak na ang mananaig ay kagustuhan ng mayoryang botanteng mamamayang Filipino. Ayon kay Marcos, dapat ay hanggang sa huling sandali ng bilangan hanggang sa iproklama ang tunay na nanalo sa ano mang posisyon ay …

Read More »

Tolentino no. 9 na (Sa senatorial survey)

ISA si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa mga tinukoy ng Issues and Advocacy Center (The Center) na malaki ang tsansang manalo bilang senador sa halalan sa Mayo. Sa isang non-commissioned survey na ginawa ng The Center mula Abril 11-16 na may 1,800 respondents, nakakuha si Tolentino ng 33.2 percent para sa 9-10 posisyon kasama si incumbent Sen. Serge Osmena. …

Read More »

Duterte muling iginiit suporta kay Tolentino

MULING binigyang-diin ni presidential candidate at Davao City mayor Rodrigo Duterte ang pag-endoso kay independent senatorial bet Francis Tolentino. “Nakikiusap ako sa inyong lahat na iboto ninyo sa Senado si Francis Tolentino,” wika ni Duterte, ang nangungunang presidentiable sa mga nakalipas na survey. Sa mga nauna niyang pahayag, sinabi ni Duterte na kilala niya si Tolentino dahil pareho silang itinalagang …

Read More »

Visayas, Region 8 candidates suportado sina Bongbong at Romualdez

KABILANG ang Visayas at Region 8 sa magdadala nang malaking boto kina vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at senatorial candidate Martin Romualdez. Ito ay makaraan isa-isang magtalunan at magbaliktaran ang mga kandidato ng Liberal Party (LP), at Nationalist People Coalition (NPC) para sa kandidatura nina Marcos at Romualdez. Kabilang sa mga naunang nagpakita ng kanilang suporta at …

Read More »

Bongbong inendoso ng LP candidates sa Southern Leyte

MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE— Muling nabawasan ng tagasuporta ang pambato ng Liberal Party (LP) makaraan iendoso ng pamilya Mercado ang kandidatura ni vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mismong magkapatid at mag-amang Mercado ang nanguna para ikampanya si Marcos sa mga mamamayan ng Maasin nang bumisita siya rito. Kabilang sa mga Mercado na nag-endoso at nagtaas ng kamay ni …

Read More »

Tolentino: ‘Big One’ paghandaan

NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan. “Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” …

Read More »

Bongbong natuwa sa batikos (“May nagawa ako…”)

BINIGYANG-DIIN ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., patunay na mayroon siyang nagagawa at ang kanyang pamilya para sa mga mamamayan at sa bansa sa kanilang paglilingkod kung kaya’t patuloy ang mga negatibo at pagbatikos sa kanya lalo na ngayong kampanyahan. Ayon kay Marcos, hindi siya nagagalit at hindi tinitingnan sa hindi magandang aspeto ang bawat banat at …

Read More »

MRT stands for Mar Roxas Talo — Vitangcol (Kaya laging kulelat)

TAHASANG sinabi ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol na hindi siya nagtataka kung bakit palaging kulelat sa mga naglalabasang survey si administration Presidential beat Liberal Party Secretary Mar Roxas dahil inihambing niya ito sa bagong kahulugan ng MRT na Mar Roxas Talo. Iginiit ni Vitangcol na kahit nasa Daang Matuwid si Roxas, huwag magtaka kung matatalo …

Read More »

Bongbong solong nanguna sa SWS

MAKARAAN mangibabaw sa Commission on Elections-sponsored vice presidential debate sa University of Santo Tomas sa Manila, napanatili ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pangunguna sa kanyang mga karibal, nang solong makuha ang top spot sa latest Social Weather Stations (SWS) survey. Sa First Quarter 2016 SWS Survey na isinagawa nitong Marso 30 hanggang Abril 2 gamit ang face-to-face …

Read More »

Bongbong ‘binugbog’ sa VP debate

TINANGKANG igupo ng mga kalabang vice presidential bets si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamamagitan ng pagbuhay sa isyung ipinupukol sa kanilang pamilya tungkol sa martial law at ill-gotten wealth sa ginanap na vice presidential debate sa University of Sto. Tomas, kahapon. Tila bola ng ping-pong na pinapasa-pasahan si Bongbong ng kanyang mga katunggaling sina senators Alan Peter Cayetano, …

Read More »

GMA dapat ipagamot sa abroad — Bongbong

PAMPANGA – Inirekomenda ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tulad ng ibang mga may sakit dapat din payagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Marcos, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi mapayagan ng pamahalaan  na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo. Tinukoy ni Marcos na maging si …

Read More »

Grace Poe pinaboran ng Korte Suprema (Sa 9-6 boto)

PINABORAN ng Supreme Court (SC) ang pagtakbo bilang pangulo ni Senadora Grace para sa May 9, 2016 elections sa botong 9-6. Ang kataas-taasang hukuman ay bumoto ng 9-6 pabor kay Poe kaugnay sa kasong disqualification na inihain ng Comelec bunsod ng citizenship at residency issues. Si Poe, tumatakbo bilang independent candidate, ay diniskwalipika ng dalawang dibisyon ng poll body nitong …

Read More »

Ayaw kong makampante — Bongbong

AYAW makampante ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung kaya kahit itinuturing na isa sa baluwarte niya ang lalawigan ng Rizal ay umiikot pa rin siya sa lalawigan. Ayon kay Marcos hindi dapat maging relax ang tulad niya sa kabila na batid niya ang suporta ng mga Rizaleños. Hindi naitago ni Marcos ang kanyang lubos na pasasalamat …

Read More »

Wala akong dapat ihingi ng tawad — Bongbong

KASUNOD ng pagdiriwang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power ay muling nanindigan si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na walang dapat ihingi ng tawad at ipaliwanag sa ipinatupad na batas militar ng kanyang ama. Ayon kay Marcos, kailanman ay hindi siya maaaring sisihin ng sino man sapagkat ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tunay …

Read More »

Nega deadma kay Bongbong

PIAT, Cagayan —WALANG balak si Vice Presidential candidate Senator Ferdinand Marcos na pansinin at patulan ang mga grupo at indibidwal na naglalabas ng negatibo laban sa kanya. Ayon kay Marcos iginagalang niya ang bawat opinyon ng indibidwal ngunit aniya kanyang ipagpapatuloy ang kanyang kampanya upang suyuin ang publiko. Binigyang-linaw ni Marcos na normal na ang siraan at negatibo sa tuwing …

Read More »

Appointments ng DFA, CSC, CoA officials hinarang

BIGONG makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang pitong opisyal mula sa Commission on Audit (CoA), Department of Foreign Affairs (DFA) at Civil Service Commission. Ito’y nang i-invoke ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang Sec. 20 ng CA rules para harangin ang kanilang ad-interim appointments. Kabilang sa naharang ang appointments ay sina Hon. Isabel Dasalla-Agito bilang Commissioner ng …

Read More »

P23-M blood money para kay Zapanta saan napunta? (Tanong ni Sen. Villar)

NAKATAKDANG paimbestigahan ni Senadora Cynthia Villar kung saan napunta ang P23 milyon nalikom na blood money para maisalba sana ang buhay ni Joselito Zapanta, isang overseas Filipino worker (OFWs) na nabitay sa Saudi Arabia. Ang pagnanais ni Villar na maimbestigahan ang blood money ay makaraang humingi ng tulong sa kanya ang pamilya ni Zapanta. Tinukoy ng mga magulang ni Zapanta, …

Read More »

Imprenta ng balota iliban (Hirit ni Drilon)

NANAWAGAN at nakikiusap kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista si Senate President Franklin Drilon na iliban muna ang nakatakdang Pebrero 1 na pag-imprenta ng mga balota para sa May 2016 elections. Ayon kay Drilon dapat hintayin muna ni Bautista ang magiging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaso ni Presidential aspirant Senadora Grace Poe hinggil sa disqualification case …

Read More »

BBL malabong maipasa sa PNoy admin

MAAARING sa susunod na administrasyon na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng Bangsamoro Region sa Mindanao, alinsunod sa kasunduang pinasok ng pamahalaan at Moro Islamic Liberal Front (MILF). Ito ang sinabi ni Senate Local Government Committee chairman Sen. Bongbong Marcos, kasabay ng huling sesyon ng Kongreso kahapon para sa kanilang Christmas break. Aminado …

Read More »

Appointments ng CSC, JBC, DFA at AFP off’ls lusot sa CA

LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Hon. Maria Milagros Fernan-Cayosa sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP). Makaraang aprubahan ng CA Committee on Justice, wala nang tumutol na mambabatas sa appointment ni Cayosa sa plenaryo. Pagsisilbihan ni Cayosa ang apat taon termino mula Hulyo 9, 2015 …

Read More »

SET ruling pabor kay Poe pinagtibay

SA kabila ng diskuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe sa Comelec second division, pinagtibay ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang kanilang naunang desisyon sa kaso. Kasabay ito nang pagbasura ng SET sa motion for reconsideration ni Rizalito David. Matatandaan, kinikwestyon ni David ang citizenship at residency status ng senadora dahil hindi aniya batid kung anong nasyonalidad ng mga magulang ni Poe. …

Read More »

Barangay manguna laban sa karahasan sa kababaihan (Hamon ni Marcos)

HINAMON ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga barangay na manguna sa kampanya para protektahan ang kababaihan laban sa karahasan kasabay ng pangako ng kanyang buong suporta sa naturang pagkilos. Sa kanyang mensahe sa “18-Day Campaign to End Violence Against Women” sa Tanauan City National High School sa Batangas, sinabi ni Marcos na dapat laging handa ang mga opisyal …

Read More »

Imbentor ng salt powered lamp suportahan (Panawagan ni Marcos)

NANAWAGAN sa gobyerno si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na bigyan nang karampatang suporta ang grupo ni Engr. Aisa Mijeno para sa mass production ng kanilang imbensiyong LED lamp na pinapailaw gamit ang tubig-alat. Nakalulungkot, ayon sa senador, na wala pa tayong nakikitang tulong mula sa gobyerno sa imbensiyon na kinilala mismo nina US President Barack Obama, at Chinese …

Read More »

Marcos nanawagan kampanya vs ISIS

INALARMA ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., ang intelligence agencies ng militar at pulisya na paigtingin ang kanilang operasyon laban sa balak na pagtatag ng official faction ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Southeast Asia ng Malaysian terrorists na nagtatago sa Mindanao. Ginawa ni Marcos ang panawagan makaraan ang madugong pag-atake ng mga terorista sa Paris, …

Read More »

Lapid pasok sa magic 12 (Base sa RMN survey)

PASOK at bumulusok na sa magic 12 senators si senatorial candidate Mark Lapid batay sa RMN 2016 election survey. Halos naungusan pa ni Lapid na makapasok sa magic 12 ang re-electionist senators at senatorial candidates na sunod-sunod na ang political at campaign ads sa mga radio at telebisyon at maging sa social media. Dahil dito, ganoon na lamang ang lubos …

Read More »