Thursday , June 4 2026

70M Pinoy target bakunahan ng DOH

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino sa loob ng taong kasalukuyan ngunit hanggang ngayon ay wala pang naaaprobahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA).

Lumabas ito sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos aminin nina CoVid-19 czar Carlito Galvez, Jr., at Health Secretary Francisco Duque III.

Inamin nina Duque at Galvez na wala ni isa mang kompanya na naka-develop ng bakuna laban sa CoVid-19 ang naaprobahan o nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA).

Inamin ni Galvez, target ng pamahalaan na makakuha ng 148 milyong doses ng bakuna para sa  bilang ng mga Filipino na mabakunahan.

Tinukoy ni Galvez, kukunin ang pondong pambili ng bakuna mula sa 2021 General Appropriation Act (GAA), Bayanihan Act 2, at sa ilang bilateral, tripartite at multilateral  agreement.

Binigyang-diin ni Galvez, mahigpit na bilin ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang maiiwanan at walang iiwanan.

Ibinunyag ni Galvez, mayroon nang reserved order na 30 milyong doses ng bakuna ng Nonavax ng kompanyang Serum Institute sa India, ang bakunang ginamit ng Estados Unidos, Mexico, at Barhain.

Nauna rito, bumili ang bansa ng bakuna sa Astra Zeneca ng 2.6 milyong doses mula sa Oxford University.

Sinabi ni Galvez, mayroong pito hanggang walong pharmaceutical company ang maaaring pagkuhaan ng bakuna.

Tiniyak ni Duque, mayroong National Deployment and Vaccination Plan ang pamahalaan upang matiyak na magiging matagumpay ang pagbibigay ng CoVid vaccine sa mga Filipino.

Sinabi ni Duque, maaaring masimulan ang pagbabakuna sa bansa sa 1st quarter ng taon o sa Pebrero.

Batay sa prosesong tinukoy ni Duque, una kailangan munang magparehistro ang magpapabakuna sa pamamagitan ng QR Code Scan o daraan sa health protocols, pangala­wa ay sasailalim sa health education briefing o seminar, screening mula sa kanyang medical story, immunization card at pang-lima surveillance at recording.

Iginiit ni Duque, hindi agad pauuwiin sa loob ng isang oras ang isang taong nabakunahan upang sa ganoon ay ganap siyang maobser­bahan.

Aniya, nakahanda ang pamahalaan sa maaaring maging re­aksiyon sa taong naba­kunahan.

Inamin ng kalihim, maraming tao ang kakailanganin katulad ng mga doktor, nurses, midwife, health staff, at ilang volunteers at indibidwal.

Tinukoy ni Duque na gaganapin ang pag­babakuna sa mga ospital, barangay health center, clinic ng mga paaralan, ng mga kulungan, at ilang pribadong clinic.

Sa ngayon, sinabi ni Duque, mayroong 4,512 fixed vaccination site sa buong bansa upang matiyak na agarang maibibigay ang bakuna sa sandalling dumating sa bansa.

Tumanggi si Galvez na tukuyin kung magkano ang presyo ng bawat bakuna at ilan ang kanilang order na doses sa iba pang mga kompanya.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …