Wednesday , December 25 2024

Niño Aclan

Gen. Bato ‘umiyak’ sa senate probe

HINDI napigilan ni PNP chief DGen. Ronald Dela Rosa na maluha sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa. Tiniyak ni Dela Rosa, kanilang kakayanin ang giyera laban sa ilegal na droga at hindi nila ito uurungan. Aniya, kanyang lilinisin sa police scalawags ang PNP hangga’t kanyang makakaya. Nangako si Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo …

Read More »

6th OFW and Family Summit dinagsa

BUO ang paniniwala ni Senador Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, isa sa mga sagot upang manatili sa bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) kapiling ang kanyang pamilya ang patuloy na paglulunsad nila ng OFW at Family Summit. Ito ang isa sa mga bi-nigyang diin ni Villar sa kanyang pahayag sa pagdalo sa 6th OFW and Family Summit na …

Read More »

Seguridad kay Kerwin panawagan ni Lacson

BUKOD sa panawagang seguridad para kay Kerwin Espinosa, anak nang napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pamahalaan ang agarang pagkuha ng affidavit o sinumpaang salaysay sa hinihinalang drug lord lalo’t may banta sa kanyang buhay. Ayon kay Lacson, dapat ay may taong karapat-dapat na kumuha ng affidavit at mayroong dalawang …

Read More »

Duterte nilinis ni Gordon sa isyu ng EJK

NILINIS ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu nang pagkakaugnay ukol sa extra judicial killings (EJK) sa bansa. Ayon kay Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, tinapos na nila ang pagdinig ukol sa naturang usapin at nakita nila sa imbestigasyon na walang direktang nakapag-ugnay sa Pangulo. Ibinunyag ni Gordon, sa lalong madaling …

Read More »

Native animals panatilihin — Villar

BUNGA nang tumataas na kunsumo sa karne ng mga Filipino, isinusulong ni Sen. Cynthia Villar ang preserbasyon ng native animals na mas murang alagaan at mas madaling umayon sa nagbabagong klima ng bansa. Sa budget hearing ng panukalang P50.5 milyong budget ng Department of Agriculture, sinabi ni Sec. Emmanuel Piñol, ang konsumo ng mga Filipino sa karne ay tumaas mula …

Read More »

Sen. Miriam pumanaw na

KINOMPIRMA ni dating DILG Usec. Narciso “Jun” Santiago na pumanaw na ang kanyang asawang si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay ginoong Santiago, nasa isang private room ang dating mambabatas nang bawian ng buhay. Hindi muna nagsiwalat ng iba pang detalye ang pamilya dahil abala pa sila sa pagsasaayos ng labi ng senadora. Ang mambabatas ay dati nang natukoy na …

Read More »

Matrix basura joke — De Lima

ITINUTURING ni Senadora Leila de Lima na basura  kaya nararapat na sa basurahan lamang at joke ang sinasabing matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol illegal na droga na kasama ang senadora. Ayon kay De Lima, naaawa at natatawa lamang siya sa Pangulo dahil sa maling impormasyong ipinagkakaloob sa kanya. Iginiit ni de Lima, bilang abogado at sino mang abogado ay …

Read More »

De Lima muntik maiyak nang sagutin si Duterte

HALOS  pigilan ni Senadora Leila de lima ang pagtulo ng luha nang kapanayamin ng mga reporter matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na senadorang may lover na driver-bodygurad at kolektor ng drug money sa Bilibid. Ayon kay De Lima masyadong below the belt ang naging pahayag ng pangulo. Ngunit tumanggi naman si De Lima na magbigay ng ano mang reaksiyon …

Read More »

Libreng text alerts sa kalamidad paigtingin — Sen. Poe

phone text cp

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe na palakasin ang pagpapatupad ng Free Mobile Disaster  Alerts Act para matiyak na may sapat na impormasyon ang mamamayan upang makaiwas at makaligtas sa mga kalamidad. “Ang isang text warning ay makapagliligtas ng libo-libong buhay,” ani Poe, “Gawin natin ang lahat para mailigtas ang ating mga kababayan sa banta ng kalamidad sapagkat napakahirap bumangon at …

Read More »

Poe: Senado aaksiyon sa emergency powers

BUBUSISIING mabuti ang panukalang emergency powers para matiyak na epektibong tutugon sa paglutas sa lumalalang trapiko sa Metro Manila, ani Senadora Grace Poe. Sa pagdining ng Senate committee on public services, binigyang-diin ng senadora, “Ito ay dapat tumutupad sa FOI (Freedom of Information). Non-negotiable ‘yan.” “Kailangan ay malinaw ang sakop at limitasyon ng emergency powers. Para saan at paano ito …

Read More »

Koko Senate president, Alvarez new House speaker

HINIRANG na bagong pangulo ng Senado si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, sa ginanap na botohan kahapon ng umaga kasabay ng pagbubukas ng 17th Congress. Nakalaban ni Pimentel sa Senate presidency si Sen. Ralph Recto. Nakakuha si Pimentel ng 20 boto habang 3 boto si Recto. Si Sen. Pimentel ang lider ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido …

Read More »

Pagtaas ng SSS pension itinutulak ni Sen. Trillanes

MULING inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng Social Security System pension o ang Senate Bill No. 91. Ani Trillanes, “May 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. Naisabatas ito kasabay ang pagtaas ng cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot …

Read More »

Emergency powers kay Duterte inihain sa Senado (Sa pagresolba sa trapik)

INIHAIN na ni Senate President Franklin Drilon ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers o dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang suliranin ng trapiko sa bansa. Nakapaloob sa naturang panukala ni Drilon ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte para sa agarang solusyon sa problema sa trapiko sa iba’t ibang panig ng bansa. Naniniwala si Drilon, …

Read More »

Miriam nakalabas na sa ospital

NAKALABAS na sa Makati Medical Center si Senadora Miriam Defensor-Santiago makaraan isugod sa nabanggit na ospital nitong nakaraang linggo. Batay sa ipinalabas na kalatas ng tanggapan ni Santiago, kamakalawa ng hapon nang umuwi sa kanilang tahanan ang senadora. Si Santiago ay isinugod sa pagamutan nang humina ang katawan dahil sa kawalan ng ganang kumain bunsod ng kanyang sakit na kanser. …

Read More »

CDA sa Customs kuwestiyonable

KULANG ang pondo ng Cooperative Development authority (CDA) para matugunan ang pangangailangan ng 25 libong kooperatiba sa buong bansa kasunod ng kuwestiyon kung bakit sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Customs at Finance isinailalim ang naturang ahensiya. Ayon kay CDA Chairman Orlando Ravanera, kapos na kapos ang kanilang pondo para matugunan ang lahat ng hinaing ng kooperatiba sa bansa. …

Read More »

BBM handa na sa electoral protest

INIHAHANDA na ng kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang ihahaing electoral protest bago ang deadline sa Hunyo 29 deadline, ukol sa kuwestiyonableng resulta ng vice presidential election. Ito ay matapos madiskubre nina Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM Legal Team at Abakada Rep. Jonathan Dela Cruz, political adviser ni Marcos na kanilang natuklasan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Read More »

Trillanes pinakamaraming naisabatas na nat’l bills

SA pagtatapos ng ika-16 Kongreso, nanguna si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sa mga senador sa dami nang naisabatas na mga pambansang panukala, bilang pangunahing may-akda at pangunahing isponsor. Sa huling araw ng sesyon sa Kongreso nitong Hunyo 6, 2016, mayroong 11 principally sponsored bills at 10 principally authored bills si Trillanes na naisabatas na. Ilan sa importanteng mga …

Read More »

Sen. Miriam Santiago dinala sa ICU

DINALA sa intensive care unit ng Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago. Ayon sa statement ng kampo ng senadora, sinabi ng asawa niyang si dating Interior Undersecretary Narciso “Jun” Santiago, Mayo 30 pa nang isinugod nila si Miriam sa ospital dahil sa komplikasyon sa lung cancer. Ngunit tiniyak niyang walang dapat ikabahala sa kondisyon ng outgoing senator. Sa …

Read More »

Cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT personnel inihain

PORMAL nang inihain ng kampo ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kasong paglabag sa cybercrime law laban sa Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) IT personnel makaraan illegal na palitan ang script ng transparency server ng poll body noong gabi makaraan ang halalan. Batay sa 15-pahinang reklamong inihain ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz,  campaign advisor …

Read More »

Kampo ni Bongbong maghahain ng cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT rep

INIHAYAG ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kahapon, maghahain sila ng isa pang set ng mga kasong kriminal laban sa Smartmatic executives at sa Commission on Elections (COMELEC) Information Technology (IT) representative dahil sa kanilang hindi awtorisadong pagbabago ng scrip sa transparency server ng poll body noong gabi ng halalan. Sinabi ni Atty.  Jose Amor …

Read More »

12 bagong Senador iprinoklama na (Lacson, Sotto no show)

NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections bilang umuupong National Board of Canvassers, ang 12 bagong halal na senador sa katatapos na May 9 elections, sa Philippine International Convention Center (PICC). Nanguna si Senator Franklin Drilon na nakakuha ng higit 18 milyon boto. Sa mga naiproklama, lima sa kanila ang first time o unang beses na uupo bilang senador. Ito ay …

Read More »

System audit sa AES ng Comelec igigiit ng Bongbong camp

NAKATAKDANG hili-ngin ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa Commission on Elections (Comelec) na buksan ang Automated Election System para sa system audit makaraan madiksobre ang mga iregularidad habang tina-tabulate ang resulta ng May 9 elections base sa Certificates of Canvass. Sinabi ni Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM for VP “Quick-Count” center, …

Read More »

Unofficial canvass ipinatigil ng kampo ni Bongbong Marcos

NANINIWALA si Rep. Jonathan Dela Cruz, campaign adviser ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyak niyang mananalo si Marcos sa official canvass ng mga boto sa maliit na lamang na nakatala sa unofficial count ng kanyang kalaban na si Rep. Leni Robredo. “We are certain that after all of these things, we will emerge victorious. …

Read More »

Tolentino inendoso ni Duterte, INC

NAKAKUHA ng malaking bentaha ang kandidatura ni independent senatorial candidate Francis Tolentino nang iendoso ng nangungunang presidential bet na si Rodrigo Duterte at ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nagpahayag ng suporta si Duterte, sa pagsasabing hanga siya sa malawak na kakayahan ni Tolentino na akma sa Senado. Kabilang si Tolentino sa 12 senador na nakalagay sa sample ballot na ipinamahagi …

Read More »

Pres, VP sa 2016 dapat magkaisa — Bongbong (Magkaiba man ng partido)

IGINIIT ni Vice Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., magkaiba man ang partidong kinabibilanganan ng mananalong pangulo at bise presidente ng bansa makaraan ang Mayo 9 election, dapat ay magkaisa at magkasundo sila para sa iisang layunin na paunlarin ang bayan at iangat ang pamumuhay ng bawat Filipino. Ngunit agad nilinaw ni Marcos, mas maganda kung iisang partido ang panggagalingan …

Read More »