KAHIT nasa recess ang dalawang kapulungan ng kongreso, tuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Justice na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon sa kontrobersiyal na ‘Ninja cops.’ Ayon kay Gordon, nais nilang bigyan ng pagkakataon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya. Bukod dito sinabi ni Gordon, …
Read More »Sa Las Piñas… DOH, Villar nanguna sa pagbubukas ng drug rehab center
PINASINAYAAN at pinangunahan nina Senadora Cynthia Villar at ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ang pagbubukas ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Ilaya, Las Piñas City. Ang naturang pasilidad ay mayroong dalawang palapag para sa mga babaeng occupants na maaaring makinabang ang 86 pasyente at isa pang tatlong palapag na gusali na mapapakibanagan ng 158 lalaking pasyente. Muling ipinaayos …
Read More »Listahan ng PNP officials, members na sangkot sa Ninja cops ipinasa sa Palasyo
INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transcript ng naganap na executive session kung saan nakaulat ang lahat ng impormasyon at testimonya na inihayag ni dating CIDG chief at kasalukuyang Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa ninja cops o mga pulis at opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa …
Read More »P1.5-B pork ihahatag para sa 22 deputy speakers — Lacson
IBINUNYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na bukod sa P100 milyong alokasyon sa bawat kongresista ay makatatanggap ng karagdagang P1.5 bilyong pondo ang nasa 22 deputy speakers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Lacson, mismong sa isang kapwa niya mambabatas nakuha ang naturang impormasyon. Sinabi ni Lacson, bukod dito ang umano’y tig-P700 milyon na matatanggap ng lahat ng miyembro …
Read More »3 BuCor officials pinatawan ng contempt
KASAKULUYANG nakapiit sa isang silid sa gusali ng Senado ang tatlong Bureau of Corrections (BuCor) officials matapos maramdaman ng mga senador na nagsisinungaling o hindi nagsasabi ng totoo ang tatlo. Kabilang sa mga officials sina Atty. Fredric Anthony Santos, ang hepe ng Legal Division ng BuCor; Ramoncito Roque, pinuno ng Documents and Records Section; at Dr. Ursicio Cenas ng National …
Read More »Maraming raket sa Bilibid — Ex-BuCor chief
ISINIWALAT ni dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC Rafael Ragos na talagang matindi ang mga raket sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Magugunitang pinamunuan ni Ragos ang BuCor noong panahon ng Aquino administration na ang kanyang boss ay si dating Senador Leila de Lima. Ilan sa mga tinukoy ni Ragos na source ng pera sa bilibid ng mga opisyal ng …
Read More »‘Laya’ sa GCTA sa panahon ni ‘Bato’ malinis
HANDA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa imbestigasyon ukol sa mga napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng kanyanng panunungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor). Ayon Dela Rosa, wala siyang dapat ikatakot o ipangamba dahil dumaan sa tamang proseso ang mga pinalaya niya sa ilalim ng GCTA. Binigyang-linaw ni Dela …
Read More »Sa eskuwela… Pagkabalisa ng ‘kaliwete’ winakasan ng RA 11394
IKINATUWA ni Senador Edgardo Angara ang pagsasabatas ng Republic Act 11394 na papabor sa mga left-handed students matapos ang mahabang panahon ng kanilang paghihintay. Dahil dito, sinabi ni Angara, mawawakasan ang paghihirap sa mga paaralan ng mga mag-aaral at lalo sa kanilang sakripisyo sa kanilang mga upuan. Iginiit ni Angara, sa pamamagitan ng batas, ang mga paaralan ay maoobliga na maglaan …
Read More »Tarpaulin recycling project ipinamahala ni Villar sa kababaihan ng Cavite
HININGI ni reelected Senator Cynthia Villar ang tulong ng isang grupo ng mga kababaihan sa Dasmariñas, Cavite upang gumawa ng mga bag yari sa tarpaulin na ginamit sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksiyon. Sinabi ni Villar, chair ng Committee on Environment and Natural Resources, mabibiyayaan ng recycling project ang maliliit na tailoring business na magbibigay hanapbuhay sa mga kababaihan bilang …
Read More »Sotto tiwalang ‘di ‘mapatatalsik’ sa 18th Congress
KOMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na siya pa rin ang mauupo at mamumuno sa senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Sotto nagpahayag na ng suporta sa kanya ang mga senador na kasama niya sa mayorya. Bukod dito, nagpahayag din umanio ng suporta sa kanya ang tatlo pang bagong mahahalal na senador. Kabilang dito sina Bato dela Rosa, …
Read More »DOTr palpak pa rin sa serbisyong perokaril — Poe
TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na palpak pa rin ang serbisyong ipinagkakaloob ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero kung kaya’t disgrasya hindi mabilis na pagdating sa patutunguhan ang sinapit ng mga pasahero ng LRT-2 sa Anonas Station. Ayon kay Poe, imbes ang tamang tren ang paandarin at patakbuhin sa mga riles ng train ay yaong mga hindi angkop …
Read More »Endoso ng INC at El Shaddai target ni Villar
UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamumunuan ng pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade. Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo …
Read More »Sa Rice Tariffication Law… Walang dapat mawalan ng trabaho sa NFA
INILINAW ni Senate Committee on Agriculture and reelectionist senator Cynthia Villar, walang dahilan upang mawalan ng trabaho o magtanggal ng ilang empleyeado ang National Food Authority (NFA) sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Villar, hindi nabawasan o tinapyasan ang panukalang budget ng NFA sa naaprobahang 2019 General Appropriations Act (GAA) nang sa ganoon ay maipagpatuloy ng ahensiya ang …
Read More »Nancy Binay: Total ban dapat igiit vs Chinese construction workers
PROTEKTAHAN ang kapakanan ng manggagawang Filipino. Ito ang giit ni reelectionist Senator Nancy Binay sa panawagan niyang “total ban” sa pagpagpasok ng mga trabahanteng Tsino o Chinese construction workers, pati na rin ang ibang lahi, partikular sa infrastructure projects ng gobyerno. Ayon kay Binay, hindi patas at disadvantageous sa mga manggagawang Filipino ang polisiya at kasunduan na nakatali sa utang …
Read More »Kongresista sa Napoles list muling ilabas
MATUNOG na naman sa mga balita ngayon ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” na inakusahang kumurakot sa P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasabwat na senador at kongresista. Naungkat itong muli nang magpahayag ng opinyon si Patricia Moreira, managing director ng Transparency International, isang pandaigdigang organisasyong sumusuri ng pananaw ng mga tao …
Read More »Diskarte’t gimik ng mga kandidato
KANYA-KANYANG gimik at diskarte ang mga tumatakbong senador sa unang araw ng kampanya. Ang nangunguna sa mga survey na si reelectionist senator Grace Poe ay nagpakain ng mga mag-aaral sa Payatas, Quezon City. Si misis hanepbuhay Cynthia Villar ay dumalo sa kick-off rally ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte. Kasama ni …
Read More »Digong ‘inawat’ si Andaya vs Diokno
WALANG iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita kay dating House Majority Floor Leader Rolando Abaya Jr., na tigilan na si Budget Secretary Benjamin Diokno. Sa pahayag na ipinalabas ng Palasyo, bagamat inirerespeto umano ng Pangulo ang awtonomiya ng House of Representatives ay sinabihan si Andaya na tigilan ang ‘paninira’ sa pamamagitan ng media propaganda na may layuning …
Read More »Villafuerte gustong patalsikin si Andaya
NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secretary Benjamin Diokno na maituturing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong Lunes, muling magbubukas ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso at sinabing huhusgahan ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami …
Read More »Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)
NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani. Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito …
Read More »Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget
TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed national budget na nabigong maiapasa noong Disyembre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero. Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa …
Read More »Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking
BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding process sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga kagamitan ng pulisya. Ibinunyag ito ng ilang bidder na hanggang ngayon ay desmayado sa kanilang natuklasan. Anila, sa 11th hour matapos makapagsumite ng mga dokumento ang bidders, biglang nadiskubreng may nakasingit na ‘documentary requirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process na …
Read More »Produksiyon ng magsasaka, mangingisda, tataas (Sa climate smart training) — Villar
BUO ang paniniwala ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, na tataas ang produksiyon sa agrikultura sa bansa at magagawang makasabay ng mga mangingisda at magsasaka sa hamon ng moderisasyon at climate change matapos ang dinaanang training at pag-aaral sa isang climate smart training business school. Inihayag ito ni Villar sa kanyang pagdalo sa graduation ceremony ng …
Read More »Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)
BINATIKOS ng ilang senador ang hindi makatarungang panukalang modernisasyon para sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga jeepney, na ipinanukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kina Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, nanguna sa pagdinig, at Senador Ralph Recto, hindi kakayanin ng mga kasalukuyang operator at mga driver ang panukalang modernisasyon. Sinabi …
Read More »Trillanes maaari nang lumabas sa senado
INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung deretsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala. Ito ay makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa inihaing petisyong kumukuwestiyon …
Read More »Mocha isasalang sa Senate hearing
INIREKOMENDA ni Senadora Nancy Binay kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ang pag-imbita kay Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson, bilang isang resource speaker, sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa panukalang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Binay, makatutulong ito upang mapakinabangan si Uson ng pamahalaan …
Read More »