‘GINISA’ ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) nang mabatid na pinanghimasukan ang pamamahala sa Benguet Electric Cooperative (BENECO). Sinabi ng bagong Senador, rerebyuhin niya ang NEA Memorandum No. 2017-035, na ginagamit ng NEA para depensahan ang sinabing maanomalyang pagtatalaga kay Maria Paz Rafael bilang General Manager (GM) ng BENECO. “As far as I’m concerned, …
Read More »
Majority, minority nagkasundo
MARAWI COMPENSATION BOARD, TINIYAK NI ROBIN 
NAGKAISA ang mayorya at minorya sa Senado sa pagsuporta sa resolusyon ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla upang tiyaking puspusan ang proseso para makuha ng mga biktima ng Marawi Siege noong 2017 ang kaukulang kompensasyon ng gobyerno. Ani Padilla, nakuha niya ang suporta ni Sen. Risa Hontiveros para sa Senate Resolution No. 8, kung saan hinimok niya ang Office of the …
Read More »
‘Sumabit’ sa State Visit ni FM Jr., para ‘sumibat’ sa Blue Ribbon?
ES RODRIGUEZ ‘DI PA KLARO SA SUGAR FIASCO
ni NIÑO ACLAN NAGKAROON ng rason siExecutive Secretary Victor Rodriguez para ‘makasibat’ sa hearing ng Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na ‘sugar fiasco,’ sa pamamagitan ng ‘pagsabit’ sa nakatakdang sunod-sunod na State Visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Inamin ni Blue Ribbon Committee chairman, Senador Francis “Tol” Tolentino, sumulat sa komite si Rodriguez upang ipabatid na hindi siya makadadalong …
Read More »
Automation sa mga paaralan isulong
BAWAS ASIGNATURA SA KOLEHIYO PINABORAN NG SENADOR 
PABOR si Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na bawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ilagay sa K-12 upang mabawasan ang taong gugugulin sa kolehiyo. Sa pagdalo ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Hotel sa kooperasyon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, tinukoy niyang halos paulit-ulit ang ibang asignatura na …
Read More »Sunod-sunod na inspeksiyon inangalan ng importers
INALMAHAN ng Philippines Sugar Millers Association, Inc., ang isinagawang sunod-sunod na pag-iinspeksiyon sa mga bodega ng asukal kasabay ng pag-amin na sila ang nagrekomenda sa pamahalaan ng pag-aangkat ng 300,000 metric tones na asukal. Ayon kay Pablo Lobregat, Pangulo ng Samahan, kinonsulta sila ng stakeholders ng pamahalaan at halos pare-pareho ang kanilang naging rekomendasyon na mag-angkat ng asukal. Ang dapat …
Read More »
Sa pangungutang ng higit P1-M
ASUNTO VS SEF 11 PUWEDE DAHIL SA DISHONESTY 
PUWEDENG sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang 11 miyembro ng Senate Economic Funds (SEF) na umutang ng halos mahigit sa tig-isang milyong piso dahil maliwanag na paglabag sa itinatadhana ng General Appropriations Act (GAA) at kung mapapatunayng nagkaroon ng dishonesty. Batay sa nilalaman ng GAA, dapat tiyaking hindi mababa ang iuuwing take home pay ng isang empleyado at opisyal …
Read More »
Sa Senado
P18-M ‘SALISING UTANG’ SA SEF NG 11 EMPLEYADO 
SUMALISI ng mahigit isang milyong pisong utang kada isa, ang 11 empleyado ng senado, sa kasagsagan ng pandemya, taliwas sa patakaran at kasunduan ng pautang ng Senate Economic Funds (SEF) na hanggang P500 kada isang miyembro ang kanilang puwedeng utangin. Ngunit batay sa impormasyon at dokumentong nakuha, kabilang sa mga nakautang nang sobra-sobrang halaga, na hindi nabatid agad ng pamunuan …
Read More »Zubiri hindi kombinsidong may kakulangan sa asukal
HINDI kombinsido si Senate President Juan Miguel Zubiri na mayroong kakapusan ng asukal sa bansa. Ito ay matapos ipakita ng kasalukuyang presidente ng senado sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga video o larawan ng mga ininspeksiyong warehouse at mga truck na naglalaman ng mga asukal. Ayon kay Zubiri, ito ang patunay na mayroong suplay ng asukal ngunit …
Read More »Ex-SRA Admin Serafica ‘utak’ ng SO No. 4
INAMIN ni dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Heminigildo Serafica na siya at ang kanyang technical team ang gumawa ng draft ng SO 4. Ayon kay Serafica bago gawin ng kanyang team ang naturang order ay mayroon silang pinagbasehan at nakakuha sila ng mga rekomendasyon mula sa stakeholders. Ibinunyag ni Serafica, hindi na rin niya ikinonsulta sa ibang departamento ang …
Read More »
Sa ‘sugar fiasco’
SENADO BIGONG MAPIGA SI EX-DA COS SEBASTIAN 
BIGONG ‘mapiga’ ng mga senador si dating Department of Agriculture chief of staff Leocadio Sebastian kung sino ang nasa likod o nagtulak sa kanya para lagdaan ang Sugar Order (SO) No. 4 sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Sebastian, ang paglagda niya ay ‘in good faith’ sa pag-aakala niyang may kakulangan ng supply sa asukal sa mga …
Read More »ES Rodriguez ‘hugas kamay’ sa Sugar Fiasco
ni Niño Aclan MARIING pinabulaanan ni Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez na mayroon siyang papel na ginampanan sa paglabas ng SO 4. Ayon kay Rodriguez, ang tanging papel niya ay nagsumite si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng sugar importation plan mula sa SRA at sa DA, bagay na hindi nangyari. Bagkus, sinabi ni Rodriguez, nagulat siya na mayroong lumabas na …
Read More »Kaligtasan, learning recovery ng mga estudyante kailangan
SA PAGBUBUKAS ng School Year 2022-2023, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at magpatupad ng mga hakbang tungo sa tinatawag na learning recovery. Ang pagbisita ni Gatchalian sa Marulas Central Elementary School at Valenzuela National High School sa Valenzuela City sa unang araw ng face-to-face classes ay upang suriin ang kahandaan ng …
Read More »‘Diskarte’ sa industriya ng asukal lagot sa Senado
TULOY NA TULOY ang imbestigasyon ng senado sa darating na Martes, ukol sa sugar fiasco sa kabila na mayroon nang iniuutos na imbestigasyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Tiniyak ito ni Senador Francis Tolentino , Chairman ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee. Binigyang-linaw ni Tolentino, ang imbestigasyon ng senado ay nakatuon upang makagawa ng isang panukalang batas para hindi na maulit …
Read More »Cable cars, makabubuti sa seguridad at kapaligiran – Palafox
MAKABUBUTI sa seguridad at kapaligiran ang paggamit ng aerial cable cars bilang tugon sa malalang trapiko sa Metro Manila at ibang urban centers sa Filipinas, ayon sa batikang urban planner na si Felino “Jun” Palafox Jr. Ayon kay Palafox, “future-proofing” na rin sa ating mga lungsod ang cable car system na ginagamit sa ibang bahagi ng mundo bilang sagot sa …
Read More »Work from home sa ecozones, payagan na – Villanueva
ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva, payagan ang mga negosyo sa ecozones para magkaroon ng work-from-home (WFH) arrangement sa mga empleyado nito nang hindi nawawala o binabawi ang kanilang tax at fiscal incentives. Hanggang 12 Setyembre 2022, papayagan ang mga negosyong kabilang sa Information Technology – Business Process Management (IT-BPM) sector na magkaroon ng WFH arrangement para sa 30 porsiyento ng …
Read More »Razon-Uy Malampaya deal dapat pabor sa consumers
DAPAT kilatising maigi ang kasunduan nina Enrique Razon at Dennis Uy hinggil sa pagbebenta ng shares sa Malampaya gas field project. Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian dahil kailangan aniyang pumabor sa mga konsumer at sa gobyerno, at masiguro ang sapat na suplay ng enerhiya sa bansa. Kamakailan ay lumagda ng kasunduan na bibilhin ni Razon ang shares …
Read More »Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA
NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad. Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan …
Read More »Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian
SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible …
Read More »Monkeypox victim ligtas, nakauwi na
TAHASANG sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire na ligtas at nakauwi sa kanyang pamilya ang naitalang unang kasong monkeypox sa bansa. Ayon kay Vergeire sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mismong ang mga doktor na ang tumingin dito ang nagrekomenda na ligtas na siya …
Read More »
Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 
AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para sa tinatawag na same sex union na walang ipinagkaiba sa unang panukalang same sex marriage. Ayon kay Pimentel, hindi lingid sa kabatiran ng lahat na sa usaping ito ay papasok na ang usapin ng relihiyon at ng ating kasalukuyang batas kaya lubhang mahirap pag-usapan o …
Read More »Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado
HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas at Mababang Kapulungan), ang agarang pag-amyenda sa Republic Act 11525 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglilimita ng naturang programa sa ilalim ng state of calamity. Ayon kay Vergeire sa kanyang mensahe matapos dumalo sa DOH PinasLakas CoVid-19 vaccination program, dapat igiit …
Read More »Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act
ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang benepisaryo ng Rice Tariffication Act (Republic Act 11203). Sa Senate Bill 231, iminungkahi ni Padilla na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para maging mas competitive ang mmga magsasakang Pinoy.’ “This measure also proposes to increase the amount earmarked for RCEF from P10 billion …
Read More »PPP sa LGUs suportado ni Angara
SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga pamahalaang lokal (LGUs) na makipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pagpapatupad ng development projects sa kani-kanilang mga nasasakupan. Ayon kay Angara, chairman ng finance committee ng Senado, napapanahon ang public-private partnerships (PPPs) lalo sa panahong ito na nananatiling mabagal ang pagbangon ng ekonomiya sa hagupit …
Read More »
Simula sa Lunes, 15 Agosto
SENADO LOCKDOWN SA LOOB NG 21 ARAW 
MATAPOS magsunod-sunod na magpositibo ang ilang mga senador sa CoVid-19, nakatakdang magpatupad ng tatlong linggong lockdown ang senado sa mga bisita. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri magsisimula ang lockdown sa mga bisita sa darating na Lunes, 15 Agosto 2022. Tanging ang mga resource person sa mga pagdinig ang kanilang maaaring tanggapin ngunit limitado rin. Tinukoy ni Zubiri, tatlo …
Read More »Civil Service Eligibility isinulong ni Sen. Robin, pabor sa mga casual
SA WAKAS ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga ‘casual’ o ‘contractual’ na emplyeadong matagal nang naninilbihan sa gobyerno na maging regular at magkaroon ng karapatan sa mga karampatang benepisyo bilang kawani ng pamahalaan. Ito ay batay sa nilalaman ng Senate Bill 234 na inihain ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na naglalayong magbigay ng civil service eligibility sa mga casual at …
Read More »