Friday , May 24 2024
Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong sitwasyon matapos ang aksidente.”

Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., makaraang isugod sa ospital nang maaksidente habang nagso-shooting.

Nakatakdang isailalim sa operasyon si Revilla dahil sa Achilles tendon rupture na kaniyang nakuha dahil sa mabilis na pagtakbo sa isang eksena sa ginagawa niyang ‘Alyas Pogi 4’ at inaasahang magbabalik sa kaniyang mga naantalang trabaho sa loob lamang ng ilang araw.

Samantala, tiniyak ni Revilla, sa kabila ng aksidente ay magagampanan pa rin niya ang pagbibigay ng sebisyo sa kaniyang mga kababayan dahil hindi naman umano masyadong grabe ang naganap na aksidente para tumigil siya sa paglilingkod.

“Mananatili akong malakas para sa mga kababayan natin at hindi ito magiging hadlang para talikuran ang sinumpaan nating tungkulin,” pahayg ni Revilla sa kabila ng mga pag-aalala ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Tiniyak ni Revilla, sisikapin niyang makadalo sa muling pagbubukas ng session sa 29 Abril at itutuloy ang mga nakabinbing trabaho.

Aniya, hindi niya sisirain  ang record na hindi siya pumapalya sa pagdalo. 

               Sa ngayon, si Revilla ay aktibong isinusulong ang information drive sa ilan sa pinakahuling naipasang batas na siya mismo ang sponsor—tulad ng RA 11984  o ang Revilla  Law na naglalayong ipagbawal na ang “No Permit, No Exam policy” at ang Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarian Act na magkakaloob ng P10,000 cash incentives para sa mga seniors na may edad 80, 85, 90, at 95 anyos; at P100,000 kapag umabot na ng 100 taon.

               “I will continue to fulfill my duties as a public servant, ensuring that the needs of our people  through legislations that I advocate  are met, and that our country moves forward,” pagwawakas ni Revilla.( NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

052324 Hataw Frontpage

14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON

INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang …

052324 Hataw Frontpage

Sa bantang pag-aresto ng China 
PH NAVY KASADO

NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa …

shabu drug arrest

3 kelot arestado sa ilegal na droga

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug …

Ferry boat

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service …