MATAPOS lumabas ang ilang mga ulat ukol sa mababang literacy rate sa iba’t ibang bahagi ng bansa, itinutulak naman ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang paigtingin ang pagkilos ng mga local government units (LGUs) upang makamit ang zero illiteracy. Sa nagdaang education summit sa Baguio City, lumabas na apat lamang sa 10 mag-aaral sa lungsod mula Grade 4 hanggang …
Read More »Special rate sa airfare ng returning OFWs panawagan ni Tulfo
UMAPELA si Senador Raffy Tulfo sa airline companies na bigyan ng special rate sa airfare ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) na nangangarap makapiling ang kanilang pamilya pagkatapos ng mahabang panahon na pagkakawalay sa kanila. Ayon kay Tulfo, dumoble ang presyo ng pasahe papasok at palabas ng bansa dahil sa pagkasira ng Communications, Navigation and Surveillance System for Air …
Read More »EDCOM II kasado na ngayong Enero 2023
TINUKOY ni Senador Win Gatchalian na nakatakdang simulan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ngayong Enero 2023 ang pagrepaso sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ayon kay Gatchalian, co-chairperson ng EDCOM II, mahalaga ang magiging papel ng Komisyon sa pagtugon ng bansa sa krisis sa sektor ng edukasyon, bagay na pinalala ng pandemyang dulot ng COVID-19. Nilikha ang …
Read More »
Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS
NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China. Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions. “The lack of proactive policies on the matter …
Read More »
3 resolusyon inihain sa Senado
AIRSPACE SHUTDOWN IMBESTIGAHAN
NAGHAIN sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., ng magkakahiwalay na resolusyon para humiling na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ukol sa naganap na airspace shutdown na sinabing dahilan ng ‘technical glitch.’ Nakapaloob sa resolusyon ni Villanueva, kung magpapatuloy ang airspace traffic management ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa local at foreign tourists. Tinukoy …
Read More »Rehistro ng SIM, ‘wag pahirapin
DAPAT gawing madali ang pagpaparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM) habang sinisigurong pribado ang kanilang datos at impormasyon, pagdidiin ni Sen. Grace Poe sa simula ng implementasyon ng batas sa rehistrasyon ng SIM sa 27 Disyembre. “Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” ani Poe. Nanawagan ang senador sa mga telco …
Read More »
Sa paglulunsad ng SIM registration
MAG-INGAT SA GCASH SCAM
NAGBABALA si Senador Win Gatchalian sa mga gumagamit ng subscriber identification module o SIM, sa mobile phone o laptop, laban sa natuklasang GCash scam bago magsimula ang SIM registration na nakatakda sa 27 Disyembre. Isiniwalat ni Gatchalian, ang isang mapanlinlang na email na galing sa “GCash Promotions” na nagpapayo sa mga nakatanggap na ang kanilang mga transaksiyon ay nagkaroon ng …
Read More »Mandatory insurance coverage iginiit sa construction workers
NAIS ni Senador Win Gatchalian na mabigyan ang mga construction worker ng mandatory insurance coverage ng kanilang mga employer dahil sa panganib na kanilang hinaharap sa kanilang trabaho. Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 821, o ang Construction Workers Insurance Act, na nag-oobliga sa mga employer ng construction workers na magbigay ng mandatory group personal accident insurance coverage upang magarantiyahan …
Read More »Kontrobersiyal Salazar nagbitiw na sa DICT
NAGBITIW na sa puwesto si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar sa Department of Information and Communications Technology (DICT) epektibo nitong Nobyembre. Inamin ni DITC Secretary Ivan Uy sa kanyang pagharap sa makapangyraihang Commission on Appointments (CA) para sa deliberasyon ng kanyang kompirmasyon bilang kalihim ng DITC. Ayon kay Uy, sa liham na ipinadala ni Salazar kay …
Read More »
Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik
RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national budget para taong 2023. Tanging sina Senate Minority Leader Aqulino “Koko” Pimntel III at Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa ratipikasyon ng panukalang 2023 national budget. Sa bicam report, muling naibalik ang P150 milyong confidential funds para sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni …
Read More »
Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN
SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksiyon. Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang …
Read More »Magsasaka dehado sa planong importasyon ng sibuyas — Imee
MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang planong importasyon, kasabay ng mga anihan sa Disyembre. Paliwanag ni Marcos, handa ang mga onion farmers sa Region 1 hanggang Region 3 sa anihan sa ikalawang linggo ng Disyembre, partikular sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Tarlac. …
Read More »‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador
IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code para putulin ang nakaugaliang paglalaan ng confidential and intelligence funds (CIFs) sa civilian agencies. Pabor si Hontiveros sa obserbasyon na nakasanayan ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagtanggap ng CIFs mula sa annual national budget. Aniya, ito ay “legacy of martial law and dictatorship.” “Kahit …
Read More »
DPWH Sec. Bonoan kompirmado
TULFO NG DSWD ‘NAKABITIN’ SA CA
NAUNSIYAMI ang kompirmasyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) Committee on Labor, Employment, Social Welfare and Migrant Workers. Ito ay matapos halungkatin ni CA Member Rep. Oscar Malapitan ang usapin sa citizenship ni Tulfo na siya ay naitalang enlisted personnel ng United States Army noong 1988 hanggang 1992. Bukod …
Read More »Dagdag na budget para sa National Children’s Hospital inihirit sa Senado
ISINUSULONG ni Senator Raffy Tulfo ang karagdagang budget para sa National Children’s Hospital (NCH), upang higit makatulong sa mga bata na nagmula sa pinakamahihirap na pamilya. Sa kasalukuyan, ang nasabing ospital ay hindi umano nakatatanggap ng sapat na suporta mula sa gobyerno. Sa kanyang privilege speech noong Lunes, 21 Nobyembre, ibinunyag ng senador ang nakapanlulumong sitwasyon sa ospital, tulad ng …
Read More »
Sa panukalang 2023 budget ng DICT
2% NAABOT NG FREE WI-FI PROJECT SA PUBLIC SCHOOLS PINUNA NG SENADOR
LIMANG TAON na ang nakalipas mula nang maisabatas ang Free Internet Access in Public Places Act o ang Republic Act No. 10929, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay 1.8 porsiyento lamang ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi. Mariin itong pinuna ni Senador Win Gatchalian sa kanyang interpellation sa panukalang pondo ng Department of Information and Communications Technology …
Read More »Super Ate ni FM Jr., nagdiwang ng birthday sa pagkakawanggawa
IMBES magdiwang ng kanyang bonggang kaarawan ay mas pinili ni Senadora Imee Marcos ang mamigay ng ayuda sa 9,000 indibidwal mula sa iba’t ibang lugar sa bansa sa loob ng tatlong araw. Kabilang dito ang pamamahagi sa 1,000 indibidwal sa Davao City, Cagayan de Oro, at Tagoloan, Misamis Oriental at sa apat na bayan sa Cavite. Kabilang sa ipinamahagi ni …
Read More »Robin sa BI at DSWD <br> ‘STATELESS’ PINOYS MULA SA SABAH DAPAT TULUNGAN
NANAWAGAN si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla kahapon sa mga ahensiya ng pamahalaan, gawin ang lahat para tulungan ang mga ‘stateless’ na Filipino, na-deport mula sa Sabah at ngayo’y nasa Tawi-Tawi at Sulu. Ayon kay Padilla, bagama’t ilan sa mga na-deport ay hindi alam kung sila ay Filipino o Malaysian, karamihan ay matagal nang nakatira sa Sabah at sa pagkaalam …
Read More »
Sa pagdiriwang ng Filipino values month
GMRC TIYAKING MAAYOS NA NAITUTURO
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang maayos at tamang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa mga paaralan sa bansa, kaugnay ng pagdiriwang ng Filipino values month. Sa ilalim ng Republic Act No. 11476 o ang GMRC and Values Education Act, ini-sponsor ni Gatchalian noong 18th Congress, ginawang …
Read More »Budget deliberation target tapusin hanggang 30 Nobyembre 2022
INIHAYAG ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, inaasahan ng Senado na maipasa ang 2023 budget sa 30 Nobyembre at umaasa na maisumite sa Malacañang sa Disyembre. Inihayag ito ni Zubiri matapos i-sponsor ni Senador Juan Edcgrado “Sonny” Angara, Chairman ng senate Committee on Finance sa plenary session ang panukalang 2023 national budget kasunod ng kanilang bakasyon. “Ang target talaga …
Read More »
Hamon kay Bantag
PERCY LAPID MURDER CASE HARAPIN — BATO
HINAMON ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na harapin ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagpatay sa beteranong broadcast journalist na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid. Apela ito ni Dela Rosa, makaraang sampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) si Bantag, kasama ang iba pa. …
Read More »‘Cholera outbreak’ ikinabahala ng mambabatas
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa paglobo ng mga kaso ng sakit na cholera sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na umabot sa 3,729 mula noong Enero o may katumbas na 282 porsiyentong pagtaas kompara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Bunsod nito, hiniling ng senador ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado. “Hindi bababa sa 33 katao ang …
Read More »
Para sa mas matatag na ekonomiya
NEDA PALAKASIN 
NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang kapangyarihan at tungkulin ng National Economic and Development Authority (NEDA) at gawing “institutionalized” ang pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad ng bansa. “Hindi sapat na mayroon tayong national development plan. Upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito, dapat maging independent ang NEDA para sa isang integrated at coordinated na pagpapatupad …
Read More »
Sa IRR ng SIM registration
KONSULTASYON SA SUBSCRIBERS TIYAKIN – POE 
DAPAT tiyakin ang malawakang konsultasyon sa mga stakeholder sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, ayon kay Sen. Grace Poe. “Hihintayin natin ang isang IRR na kakatawan sa diwa ng batas para mabigyan ang mamamayan ng depensa sa paglaban sa text scam at misinformation,” ani Poe, sponsor ng …
Read More »National public school database isinusulong
IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian ang paglikha ng isang National Public School Database upang mapalawig ang access ng publiko sa mga record ng mga mag-aaral at mapadali ang proseso ng enrolment. Sa ilalim ng Senate Bill No. 478 o ang Public School Database Act, lilikha at magpapatakbo ang Department of Education (DepEd) ng National Public School Database kung saan matatagpuan …
Read More »