Thursday , December 26 2024

Niño Aclan

Sa Digong-China gentlemen’s agreement  
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros

041724 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila pang pag-uusapan sa isang caucus sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ang kahilingan ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ang sinabing gentlemen’s agreement sa pagitan ng China at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Villanuea, kailangang matukoy …

Read More »

Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS

Apollo Quiboloy Risa Hontiveros

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy kung kaya’t nagbabala na dapat maaresto ng awtoridad sa lalong madaling panahon. Ipinagtataka ni Hontiveros, sa kabila na dalawang warrant of arrest ang inilabas laban kay Quiboloy ay patuloy na nakalalaya at maituturing na pugante sa batas. “Pugante si …

Read More »

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

Philippine Food and Beverage Expo 2024

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangang ng Filipinas na mag-import ng  agricultural  products kapag masagana ang ani. Kapag mayroon tayong mga produktong kasalukuyang inaangkat natin, sinabi ni Villar, agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka. Sa kanyang mensahe sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy …

Read More »

Enterprise-based education & training nakatutugon sa kawalan ng trabaho

DOST upgrades products of Lechon sauce enterprise in Iligan with various sci-tech interventions

BILANG REAKSIYON sa pagbaba ng unemployment rate noong Pebrero, binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan na i-institutionalize ang enterprise-based education and training program para mapalakas ang pagsusumikap ng gobyerno na makapagbigay ng marami pang trabaho para sa mga Pinoy. Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% o 2.15 milyon noong Enero …

Read More »

Digital transformation ng sektor ng edukasyon muling isinulong sa Senado

deped Digital education online learning

SA GITNA ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng matinding init, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa digital transformation ng sektor ng edukasyon, bagay na aniya’y makatutulong din sa kahandaan ng mga guro na magpatupad ng remote learning. “Kailangang paghandaan natin ang posibleng mas mainit pang panahon sa mga susunod na taon lalo …

Read More »

Kampeon sa 2024 Jessup Moot Court Competition
PARANGAL SA UP COLLEGE OF LAW IGAGAWAD NG SENADO 

UP Law Jessup Moot Court

MATAPOS manaig sa kabuuang 642 competing teams mula sa 100 bansa sa 2024 Philip C. Jessup International Moot Court Competition, isang parangal ang nakatakdang ipagkaloob ng Senado sa University of the Philippines College of Law Jessup Team, sa pamamagitan ng isang resolusyong inihain ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara. Sa record, ito ang ikatlong pagkakataon na nagwagi ang Filipinas sa …

Read More »

Taxpayers hinikayat maghain ng ITR bago 15 Abril deadline

permit money BIR

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga taxpayer na maghain ng kanilang income tax returns (ITRs) habang papalapit ang 15 Abril, deadline para sa paghahain nito. Tiniyak ni Gatchalian, pangunahing may-akda ng Ease of Paying Taxes Act (EOPT), sa mga taxpayer na ang pagtupad sa kanilang obligasyon ay magiging mas madali sa mga darating na panahon. Nitong 1 Abril, naglabas …

Read More »

Renewable energy sources sagot sa brownouts – Lapid

Electricity Brownout

IGINIIT ni Senador Lito Lapid, malaki ang maitutulong ng paggamit ng renewable energy sources sa nararanasang brownouts sa Negros Occidental, Panay Island at iba pang lugar sa bansa. Sinabi ni Lapid, mas mainam pag-ibayohin ang paggamit ng renewable energy gaya ng araw (solar), hangin (wind), waves (alon), at iba pang sources. Sa gitna ng matinding tag-init, sinabi ni Lapid na …

Read More »

Wangwang etc, tuluyang ipagbawal
SAKRIPISYO NG COMMUTERS DAPAT MARANASAN NG GOV’T OFFICIALS

police siren wangwang

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na dapat maranasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang karanasan sa araw-araw na pagbiyahe ng mga mamamayan. Ang reaksiyon ni Poe ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr., na hindi na pinahihintulutan ang paggamit ng wangwang, sirena, at mga blinker sa kalsda ng mga bumibiyaheng opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, hindi naitago …

Read More »

Aresto vs Quiboloy inaasahan ngayon

Pastor Quiboloy

MARAMING nag-aabang sa resulta ng paghahain ng arrest order laban sa pinaghihinalaang sex offender at idineklarang pugante ng awtoridad na si religious leader, Pastor Apollo Quiboloy. Ito ay matapos maiulat na ang mga kinatawan ng Senate’s Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), na inatasang maghain ng arrest order laban sa religious leader ay dumating na sa Davao City nitong nakaraang Lunes, …

Read More »

Mungkahi ni Tolentino
US NAVY PLANE GAMITIN PARA SA CLOUD SEEDING

Plane Cloud Seeding

IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino na samantalahin ang ipinatutupad na kasunduan sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos gaya ng paggamit sa US Navy plane para sa cloud seeding upang umulan sa maiinit na bahagi ng bansa ngayong panahong ng El Niño Phenomenon. Ayon kay Tolentino, magandang matulungan tayo ng US Navy plane sa pagsasagawa ng cloud seeding …

Read More »

Transisyon sa paggamit ng nababagong enerhiya
‘PAKIKIALAM’ NG JAPAN SA FOSSIL GAS TALIWAS  SA PH CLEAN ENERGY — CEED

040924 Hataw Frontpage

NANINIWALA ang clean energy think tank na Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), taliwas sa isinusulong ng Filipinas na ‘transisyon sa ganap na paggamit ng nababagong enerhiya’ang pakikipagkasundo ng Japan sa tatlong major firms sa bansa. Sinabi ito ng CEED kasunod ng pahayag ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na lumagda sila ng memorandum of understanding (MOU) sa …

Read More »

 ‘Gentlemen’s agreement’ nina Digong at Jinping ‘marites’ lang ni Roque

xi jinping duterte

TILA lumalabas na ‘nag-marites’ si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa pahayag niyang mayroong gentlemen’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at China President Xi Jinping ukol sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay matapos pabulaanan ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang pahayag ni Roque. Ayon kay Panelo, wala si Roque noong nag-usap sina …

Read More »

Insidente ng pagkalunod ikinaalarma ng Senador

Lunod, Drown

KASUNOD ng pagkamatay ng 37 katao noong Semana Santa dahil sa pagkalunod, muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang magtalaga ng mga lifeguard sa mga pampublikong swimming pools at bathing facilities. Sa ilalim ng Lifeguard Act of 2022 (Senate Bill No. 1142) na inihain ni Gatchalian, magiging mandato sa mga pool operator ang pagkakaroon ng isang certified lifeguard …

Read More »

Para sa jeepney modernization plan
JEEPNEY OPERATORS, DRIVERS PUWEDENG UMUTANG NANG WALANG TUBO KAY SINGSON

Chavit Singson e-Jeep jeepney modernization

NAGPAHAYAG ng kahandaan si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na saklolohan ang jeepney operators at drivers ukol sa jeepney modernization plan ng pamahalaan. Inihayag ito ni Singson, matapos niyang dumalo sa Agenda Forum sa Greenhills, San Juan City.  Ayon kay Singson, ang kanyang kompanya ay handang magpautang nang walang anomang tubo mula sa mga driver at operator upang …

Read More »

Sa banta ng pertussis at init ng panahon
BLENDED LEARNING HINILING IPATUPAD

heat stroke hot temp

KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon. “Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan …

Read More »

Kartel sa power industry pigilan  
AMYENDA SA EPIRA IPASA NANG MABILIS – SOLONS

040324 Hataw Frontpage

NANAWAGAN ang dalawang mambabatas  na pangunahing may-akda ng panukalang batas bilang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na agarang ipasa ito upang mapigilan ang conflict of interest o kartel sa power industry. Tahasang tinukoy ni Rep. Caroline Tanchay, ang EPIRA ay nagpapahintulot sa tinatawag na cross-ownership sa hanay ng mga players sa power industry na nauuwi sa pang-aabuso. …

Read More »

Pinamamadali ng Makabayan solon
BATAS vs MONOPOLYO SA POWER SECTOR CONFLICT OF INTERESTS, HINILING IPASA NG KONGRESO

032124 Hataw Frontpage

HINIMOK ng isa sa miyembro ng Makabayan Bloc ang mga miyembro ng Kamara na ipasa ang panukalang batas na ipagbabawal sa power distribution utilities na makapag-ari ng “shares” sa generation facilities. Ayon kay Assistant Minority Leader and ACT Teachers Rep. France Castro, nakapaloob sa kanyang inihaing House Bill 8079, mahigpit na ipagbabawal sa mga distribution utilities katulad ng Manila Electric …

Read More »

Quiboloy no show pa rin 
ARESTO VS ‘ANAK NG DIYOS’ PIRMADO NA

032024 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN KUNG hindi magtatago, wala nang dahilan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy para iwasan ang warrant of arrest na nilagdaan mismo ng Pangulo ng Senado. Ito ay matapos ipakita sa media ni Senadora Risa Hontiveros ang warrant of arrest na pirmado ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Bago ang warrant of arrest, …

Read More »

PH dapat matuto sa Vietnam — Gatchalian

Vietnam

DAPAT pag-aralan ng Filipinas ang kalakaran sa edukasyon ng bansang Vietnam, sabi ni Senador Win Gatchalian, at matuto pagdating sa mabisang paggamit ng mga resources nito.  Binigyang diin ng mambabatas na bagama’t malaki ang tulong ng karagdagang pondo upang mahasa ang performance ng mga mag-aaral sa mga eskuwelahan, mahalagang tiyakin na mabisa ang paggamit ng bansa ng nakalaang pondo sa …

Read More »

Villar pinasalamatan si  PBBM sa bagong buhay ng ‘salt industry’

Asin Salt

“NAGKAROON ng bagong buhay ang naghihingalong salt industry nang lagdaan ni President Ferdinand Marcos, Jr., ang Republic Act No 11985 (An Act Strengthening and Revitalizing the Salt Industry in the Philippines, Appropriating Funds Thereof,” pahayag ni Senator Cynthia A. Villar. Bilang principal sponsor ng bill, nagpasalamat si Villar kay Marcos sa malaking tulong upang muling buhayin ang naghihingalong salt industry …

Read More »

Cayetano – DSWD partnership, nag-abot ng tulong sa 800 residente ng Iloilo

Alan Peter Cayetano Pia Cayetano

SA MULING pagbisita sa probinsiya ng Iloilo, ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano ay nag-abot ng tulong sa 800 residente mula sa mga bayan ng Sara at Jaro nitong nakaraang Huwebes at Biyernes, 14-15 Marso 2024. Muling nakipagtulungan ang mga senador sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and …

Read More »

Bantay energy vs abuso
P4P KASADO SA PAGBUSISI NG $3.3-B LNG DEAL HANGGANG ERC, PCC

031824 Hataw Frontpage

KUKUWESTIYONIN ng Energy watchdog group na Power for People Coalition (P4P) ang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng San Miguel Corporation, Manila Electric Company (Meralco), at Aboitiz Power Corporation na magpapatakbo sa operasyon ng LNG facilities sa Batangas dahil mangangahulugan ito ng pagkontrol sa  supply ng imported liquefied natural gas (LNG) na gagamitin para sa power generation. Ayon kay …

Read More »

Tiniyak sa linggong ito
‘ANAK NG DIYOS’ HOYO SA SENADO

031824 Hataw Frontpage

HINDI malayong makulong sa linggong ito ang nagpapakilalang ‘appointed son of god’ na si Pastor Apolo Quiboloy dahil sa kaniyang patuloy na pag-isnab sa imbitasyon ng senado ukol sa pagdinig laban sa alegasyong human trafficking at sa iba pang reklamong kanyang kinahaharap.                Inihayag itoni Senadora Risa Hontiveros, Chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relationship and Gender Equality …

Read More »

P4P naalarma sa $3.3-B mega LNG deal

031524 Hataw Frontpage

NABABAHALA ang energy watchdog group Power for People Coalition (P4P) sa pagsasanib-puwersa ng  tatlong higanteng kompanya na magpapatakbo sa $3.3-bilyong imported liquefied natural gas (LNG) plant bilang single entity na pinangangambahang dagdag salik sa pagtaas ng presyo sa singil ng koryente. Nagbabala rin ang P4P na ang pagsasanib-puwersa ng San Miguel Corp (SMC), Manila Electric Co., at Aboitiz Power Corp., …

Read More »